Kabanata 2
Sinuntok ni Blair ang lamesa.
“Ang babaeng iyon.
“Kaya pala ayaw niya ng pera. Nagkataon na may karelasyon na siyang lalake!”
Masama ang mood ni Blair sa simula pa lang. Matapos malaman na may ibang kasama na lalake si Mable, lalo siyang nainis. Kaya, tinawagan niya ang kinakapatid niya na si Solomon para makipaginuman sa kanya.
…
Sa Richworth’s Sleepless City.
Tinignan ni Mable ang mga guwapong lalake sa harapan niya. Ngumiti siya ng masama.
Nakikipagdiskusyon si Rahman sa itaas sa pribadong kuwarto. Natatakot siya na baka mabagot siya kaya nagpatawag siya ng mga batang lalake para makipaglaro sa kanya.
“Hoy, ilang taon ka na?” tanong ni Mable hawak pinapaikot ang baso.
“Ate, 23 na ako.”
“Ate, 21 na ako.”
“Ate, 19 na ako.”
Tinignan ni Mable ang mga guwapong lalake sa harapan niya, natutuwa siya.
“Tulad ng inaasahan sa pinakamalaking club ng Richworth. Kaakit-akit ang mga lalake at may mga katawan na higit pa sa iba. Hindi sila talo kay Blair kung ikukumpara!
“Kung hihiwalayan niya ako para sa first love niya, bakit hindi ako puwede humanap ng ibang lalake?!
Pinigilan in Mable ang asim na nararamdaman niya at sinabi sa pinakabatang lalake, “Makipaginuman ka sa akin. Kung masaya ako, magiging sugar mommy mo ako.”
Matapos marinig ang sinabi niya, agad siyang ipinagbuhos ng guwapong lalake ng wine. Lumapit siya sa kanya at sinabi, “Ate, isang toast para sa iyo.”
Sinong hindi may gusto ng sugar mommy sa trabahong ganito? Kabilang pa dito na bata pa siya at maganda.
Kaya, nakipagtoast ng mainit ang lahat ng mga lalake, ginagawa ang lahat ng makakaya nila para mapasaya siya.
…
Samantala, sa pribadong kuwarto sa itaas.
Nakikipaginuman si Blair kay Solomon.
Matapos ang tatlong rounds, nagbigay ng payo si Solomon kay Blair, “Master Blair, pagkatapos ng matagal na panahon ng paghahanap, oras na para tumigil ka na.”
Hinanap ni Blair ng limang taon ang babaeng nagngangalang Liv at nagpost pa ng pabuya na tatlong bilyon sa dark web.
Gayunpaman, wala pa din balita sa kinaroroonan niya.
Alam ni Solomon ang abilidad ni Blair. Kapag hindi pa din nahanap si Liv sa mahabang panahon, marahil wala na siya.
Gayunpaman, hindi naglakas loob si Solomon na sabihin ito ng harapan.
Nanatiling tahimik si Blair at ininom ang alak sa baso niya. Ang mga mata niya ay parang walang hangganang malalim na mga lawa.
Dahil alam ni Solomon na mainitin ang ulo niya, hindi siya nagsalita. Pinalitan niya ang topic nila at nagtanong, “Willing ba talaga si Mable na hiwalayan ka?”
Alam ng lahat na nalove at first sight si Mable noong iniligtas siya ni Blair dalawang taon na ang nakararaan.
Bago siya ikinasal sa kanya, ginulo siya ni Mable araw araw at gusto siyang suklian gamit ang kanyang katawan.
Kinalaunan, kumuha ng marriage license si Blair at pinakasalan siya para asikasuhin ang pamilya niyang inuudyok siyang magpakasal. Iba’t ibang mga bagay ang ginawa ni Mable para mapasaya siya.
Sabik na sabik siyang ipresenta ang kanyang puso niya sa kanya.
Base sa kung gaano niya kamahal si Blair, paanong susuko siya ng ganoon na lang?
Kapag may kakaiba, siguradong may dahilan!
Naalala ni Blair si Mable at si Rahman na pumasok at lumabas ng magkasama s hotel, at nagdilim bigla ang mukha niya.
“Eh?”
Itinuro bigla ni Solomon ang lobby sa ibaba.
“Bakit ang babaeng nakapulang dress sa ibaba.. ay parang… kamukha ni Mable?”
Kinusot ni Solomon ang mga mata niya. “Hindi maaari. Hindi ganoon kaganda si Mable.”
Sumingkit ang mga mata ni Blair at tinignan ang direksyon na itinuturo ni Solomon.
Maganda ang ilaw sa lobby, ay dose-dosenang mga guwapong lalake ay nakapalibot sa babaeng maganda na nakapulang dress sa supreme deck.
Ang babaeng nakaupo sa sofa ay kaswal na nakapatong ang mga mahahaba niyang mga binti sa coffee table. Paminsan-misan niyang pinaikot ang baso ng wine sa kamay niya, kung saan marangal ang dating niya na parang Persian cat.
Habang pinupuno ng lalake ang baso niya ng wine, tumaas ang baba niya at tinignan siya.
Nakakaakit siyang babae.
Tinignan ni Blair ang babae sa ibaba, natulala siya.
“Si Mable iyon!”