Kabanata 12
Tinignan ni Tracey ang kapatid niya. “Hindi ba’t siya ang pumilit kay Mable na makipaghiwalay sa kanya?
“Bakit mukhang siya ang iniwan?
“Hindi ko siya maintindihan!”
Umirap si Mable. Hindi na siya interesado makipagusap sa kanya at walang pakielam na sinabi, “Mr. Morse, kung gusto mo ipaghiganti ang kapatid mo, handa ako anumang oras.”
Tumigil siya at ngumiti ng kaunti, “Pero, ipapaalala ko sa iyo na magdala ka pa ng mga tao.”
Sumimangot si Howard. “Ang arogante ng babaeng ito!”
Pagkatapos niya magsalita, dumiretso si Mable sa red sports car na nakaparada sa tabing kalsada. Tinapakan niya ang accelerator at nagmaneho palayo ng mabilis.
“Mabes…”
Sa oras na nahimasmasan si Tracey, palayo na ng palayo ang sasakyan.
Nasabik ng husto si Tracey at nagtatatalon siya. “Blair, ang astig ni Mabes. Natalo niya lahat ng mga bodyguard ni Henry ng one-sided…”
Tinitigan ni Blair ang direksyon na pinuntahan ni Mable at ang mga mata niya ay napuno ng misteryo.
Habang inaalala kung paano umastang mapagmataas at kaakit-akit si Mable kanina, naging insteresado si Howard sa kanya.
Hindi lang niya pinutol ang daliri ng kapatid niya, pero inasikaso niya ang maraming guwardiya ng walang galos.
“Mukhang hindi simple si Mable.”
“Master Blair, kahanga-hanga ang dati mong asawa.”
Bago pa makapagsalita si Blair, nagsalita si Tracey. “Howard, huwag mo na siyang balakin. Hindi pa nila nakukuha ng kuya ko ang divorce certificate nila!”
Ngumiti ng kaunti si Howard. “Edi liligawan ko siya kapag nakuha na nila ni Master Blair ang divorce certificate nila…”
Naging masama ang itsura ni Blair. “Ang lakas ng loob mo!”
“Ang lakas ng loob niya na magkagusto kay Mable?
“Managinip siya!”
Habang nagbibiro lang si Howard, lalo siya naging interesado sa reaksyon ni Blair.
“Master Blair, nagbibiro ka siguro. Ikaw at si Ms. Jefferson ay maghihiwalay na. Wala ka ng kinalaman kapag niligawan ko siya.”
“Sige at subukan mo kung ganoon!” masama siyang tinignan ni Blair.
Matapos tumigil sandali, nagbigay siya ng babala kay Howard, “Kausapin mo ang kapatid mo. Kapag naulit ito, hindi lang daliri ang mapuputol sa kanya!”
Tumango si Howard. Mali ang pamilya Morse ngayong gabi, kahit na hindi kumilos si Mable, siguradong hindi mapapalampas ng ganoon kadali ni Blair si Henry.
“Ngayon at naputol na ang daliri, siguradong natuto na siya. Tignan natin kung maglalakas loob pa siyang umasta ng ganito sa hinaharap!”
Matapos ang babala kay Howard, isinama ni Blair si Tracey sa sasakyan at umalis.
“Ang lakas ng loob ni Howard na agawin ang asawa mo? Guwapo man siya pero hindi kasing guwapo mo. Siguradong hindi siya magugustuhan ni Mabes…”
Patuloy sa pagsasalita si Tracey.
“Blair, Blair, Blair… bakit hindi mo pag-isipan ang paghihiwalay? Mabait si Mable. Nabawi na niya ang alaala niya, mayaman siya, maganda at magaling makipaglaban—”
“Anong sinabi mo?”
Gulat na tinignan ni Blair si Tracey. “Nabawi na niya ang alaala niya?”
“Oo.”
Sumingkit ang mga mata ni Blair at humigpit ang mga kamay.
Naguluhan siya kung bakit nagbago ng husto si Mable. Nagkataon na bumalik na pala ang alaala niya.
Bigla napaisip si Blair. Sa pagitan ng pagiging mabait niya at mahinhin sa dalawang taon na wala siyang maalala kumpara sa pagiging arogante niya at malamig ngayon, sino ang tunay na Mable?
Hindi siya natutuwang tinignan ni Tracey. “Sinasabi ko sa iyo, ang mabuting babae na katulad ni Mable ay mahirap hanapin. Kung hindi mo siya babawiin, huli na ang lahat para magsisis kapag opisyal na ang paghihiwalay ninyo.
“Huwag mo sabihin na hindi kita pinaalalahanan. Kapag dumating ang oras na gusto mo siyang bawiin, magdudusa ka lang!”
Walang sinabi si Blair. Kumurap ang mga mata niya at napangiti siya.
…
Noong bumalik si Mable sa hotel at pumasok sa kuwarto, hinawakan ni Rahman ng nasasabik ang laptop niya at sinabi, “Mabes! Nahanap ko na sila!”
“Sino iyon?”
Iniimbestigahan ni Rahman ang transaction details ng Shark dalawang taon na ang nakararaan at nakakita ng dokumento na may pangalan ni Mable. Mayroon lamang bank card number sa loob.
Gamit ang bank account number, matatrace niya ang pumatay sa kanya dalawang taon na ang nakararaan.
Walang sinabi ng direkta si Rahman at inabot ang laptop.
Huminga ng malalim si Mable at nagbago ang itsura niya.
“Ashdale, ang mga Jefferson?”
“So ang taong umupa sa Shark para huntingin ako dalawang taon na ang nakararaan ay mula sa pamilya ko?”