Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

Nagalit si Bernice, itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin si Elise. “Elise—” Malungkot na tinignan ni Andrew si Bernice. “Tatlong taon na tayong kasal. Ang akala ko kilala mo na ako ngayon, pero hindi ko alam na ganito pala ang tingin mo sa akin. Mukhang hindi kita tunay na naintindihan, hindi tugma ang inaasahan natin mula sa isa’t isa. Mukha nga talagang hindi tayo meant to be.” Matapos ito sabihin, tinignan ni Andrew ang lalake sa likod ni Bernice. “Lately, naririnig ko na may chismis na hindi kayo mapaghiwalay. Inaassume ko na siya ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay natin, tama?” Malamig ang sagot ni Bernice. “Tama.” Nakangiti ng mayabang ang lalakeng naka suit, “Hayaan mo na magpakilala ako. Ako si Bernard Clarke, ang general manager ng Clarke Corporation at future business partner ni Bernice.” Nakaramdam ng sakit si Andrew sa puso niya. Pero, nanatili siyang nakangiti. “Oh, naiintindihan ko. Sana, maging masaya kayong dalawa.” Pagkatapos, tumingin si Andrew sa leeg ni Bernice. “Puwede mo ba ibalik ang emerald pendant necklace? Alaala ko ito mula sa mga magulang ko, at wala ito dapat sa iyo.” Inalis ni Bernice ang kuwintas at iniabot sa kanya. Pagkatapos, ginulat niya si Andrew sa paglabas ng bank card. “Kahit na pinili mo umalis ng walang kahit na ano, hindi ako walang puso. Heto ang five-million dollars. Ikunsidera mo itong kompensasyon ko para sa iyo. Humanap ka ng maliit na lungsod, at sapat na ito para mabuhay ka ng walang inaalala.” “Sinusubukan mo ba bumawi sa akin?” kumento ni Andrew na may kaunting panghahamak, “Ang limang milyong dolyar ay wala pa sa kalingkingan ng utang mo sa akin, Bernice. Pero salamat at nahimasmasan na ako. Ngayon, puwede na ulit akong bumalik sa dating ako.” Matapos ito, umalis na si Andrew ng hindi tinitignan pa ang card. Nakita ito ni Elise at agad na hinabol si Andrew. Pero, tumigil si Bernice at tinakot siya, “Kung aalis ka ngayon, titigil na ako sa pagbabayad sa college tution mo!” Nagalit si Elise at tumulo ang mga luha niya. “Magtiwala ka sa akin, Bernice. Pagsisisihan mo na hiniwalayan mo ang asawa mo!” Pinanood ni Bernice ang paglisan ni Andrew, nakaramdam siya ng kaunting sakit sa puso niya. Ang inaasahan niyang tuwa at saya ay napalitan ng sakit na parang kinakain siya, na tila may itinapon siyang napakahalaga. Matapos lisanin ang tinutuluyan ng pamilya Collins, hindi maalis sa isip ni Andrew ang mapait niyang sinapit. Hindi niya kailanman ginawan ng malit si Bernice sa tatlong taon nilang pagsasama, pero ganito ang sinapit niya. Pero, wala sa ugali ni Andrew ang magmukmok. Dahil wala ng namamagitan sa kanila, mas mabuti na magkanya-kanya na sila at mag moveon. Tumunog bigla ang phone ni Andrew. Sinagot niya ang tawag, “Ama—” Isang malupit na boses ang maririnig mula sa kabilng linya at hindi siya pinatapos magsalita. Tumahimik ka1 Huwag mo ako tawagin na Ama!” malamig na singhal ang kasunod nito. “Ang apelyidong Hughes ay prestihiyosong pangalan sa Josona. Hindi ko inaasahan na kailangan ko asikasuhin ang walang kuwentang tulad mo. “Bakit mo tinanggihan ang bilyong dolyar na pamana? Ano ba ang napakainteresante sa pag-aaral ng medisina sa bundok?” “Tignan mo ang mga kapatid mo—military prodigies, weapons developer, at ikaw? Bakit ka nagpakasal sa babaeng galing sa pangkaraniwang pamilya? Ipinapahiya mo ang pamilya Hughes! Ginagalit mo ba kami ng lolo mo?” Magkasalubong ang mga kilay ni Andrew ng kanyang sabihin, “Hiwalay na kami.” Hindi tanggap ng nakatatandang henerasyon ng pamilya si Bernice sa simula pa lang, naniniwala na nagpakababa siya ng husto at dinungisan ang pangalan ng pamilya. Kumbinsido si Andrew na matutuwa sila dahil hiwalay na siya. “Ano? Mabuti! Sawakas at nahimasmasan ka na. Ngayon bumalik ka na sa amin, at puwede na natin ituloy ang mga planong minsan na nating napagusapan.” Agad na tinanggihan ni Andrew ang sinabi ng kanyang ama. “Hindi ako babalik, Ama. Kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko.” “Sige. Ayusin mo ang sarili mo sa loob ng tatlong buwan. Inaasahan ko na babalik ka at gugunitain ang 80th na kaarawan ng lolo mo. “Oo nga pala, ang lolo mo ay may kaibigan mula sa mga panahon ng digmaan sa Thenswy. May sakit siya, at hindi maganda ang lagay niya. Gusto siyang bisitahin ng lolo mo. “Bukod pa doon, ang apo niya ay maganda, kaya may arranged marriage sa pagitan ninyo. Dahil single ka nga ngayon, dapat kilalanin mo siya—” Hindi siya pinatapos magsalita ni Andrew. “Titignan ko kung anong magagawa ko para sa kaibigan ni lolo. Magpadala ka ng tao na susundo sa akin. Sige na, ibaba ko na.” … Noong nilisan ni Andrew ang elevator, nakasalubong niya ang kanyang , dati niyang biyenan, si Darlene Sanders, at dating bayaw na si Favian Collins. Nagkrus ang mga braso ni Darlene at humarang sa daan ni Andrew, tinitignan ang maleta niya, “Andrew Hughes! Hiwalay na kayo ni Bernice! At heto ka, nagbabalak kumuha ng gamit mula sa bahay namin!” Nabigla si Andrew, “Alam mo ang tungkol sa paghihiwalay namin, Ina?” “Tumigil ka sa pagtawag sa akin ng Ina. Kinikilabutan ako.” Mapanghamak na tinignan ni Darlene si Andrew at mayabang na sinabi, “Para lang alam mo, kinakusap ko si Bernice para hiwalayan ka. “Dapat alam mo ang lugar mo. Ang talunan na tulad mo ay hindi nababagay kay Bernice. May kumpanya si Bernice na malapit na maipasubliko, at ang networth niya ay milyong dolyar!” Walang masabi si Andrew sa sinabi ni Darlene. Nanlulumo siya sa kawalan ng pakielam ng pamilya Collins. Malamig na sinabi ni Favian, “Ibigay mo ang perang ibinigay ni Bernice para sa hiwalayan ninyo. Kung hindi, hindi ka makakaalis.” Malamig ang ekspresyon ni Andrew ng sumagot siya, “Wala akong hiningi mula kay Bernice—kahit isang sentimo!” “Tumahimik ka! Ano kala mo sa amin, mga walang alam? Hindi kami maniniwala sa kasinungalinan mo, kaya ibalik mo ang pera. Amin ito at walang kinalaman sa iyo ang pamilya Collins.” Kinuha ni Darlene ang bagahe ni Andrew at sumigaw, “Kung hindi mo ito ibibigay, kami mismo ang maghahanap nito!” Sinuri ni Darle ang Favian ang bagahe niya. Ngunit, wala silang makita. Unti-unting nagagalit si Andrew habang naghahalungkat sila sa mga bagahe niya. Ginawa ni Andrew ang lahat para sa pamilya niya sa nakalipas na tatlong taon, pero masama ang turing nila sa kanya. Bukod pa dito, hindi niya kinuha ang pera ni Bernice. Pero kahit na kunin niya ito, naniniwala siyang nararapat lang ito. Bigla, nakita ni Favian ang emerald pendant necklace na nakatago sa bagahe ni Andrew. “Ma, tignan mo kung anong nakita ko.” Tinignan ni Darlene ang kuwintas. “Oh, hindi ba’t binigay ng talunang ito ang kuwintas kay Bernice? Bakit niya nagawa na bawiin ito?” “Hoy, dahil ikaw ang nagbigay nito kay Bernice, pagmamayari na ito ng pamilya Collins. Wala kang karapatan na bawiin ito.” Tinitigan sila ni Andrew. “Pamana ito ng pamilya ko. Ibalik ninyo!” Inihagis ni Favian ang kuwintas kay Andrew at sumigaw, “Sige! Kunin mo!” “Hayop ka!” sumigaw si Andrew at sinalo ang kuwintas. Hindi siya nag-alinlangan na sampalin si Favian, bumagsak siya sa sahig. Sumigaw si Darlene ng malakas ng makita ito, “Tulong! Tumawag kayo ng pulis!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.