Kabanata 1
Sa pink ng kuwarto, ginamot ni Andrew Collins si Elise Collins gamit ang acupuncture. “Shush,” babala niya. “Magsisimula na ako. Subukan mo na huwag sumigaw, okay? Hindi magiging maganda kung may makakarinig sa atin ngayon.”
Kanina lang, umiiyak sa sakit ng tiyan si Elise at hinimatay. Mabuti na lang, si Andrew, gamit ang kanyang medical background, ay mabilis na kumilos. Binuhat niya si Elise sa kuwarto at ginamot siya.
“Elise, makakaapekto sa kalusugan mo ang sobrang ice cream. Kung isasawalangbahala mo ito, baka hindi ka na manganak sa hinaharap.”
Matapos iyon sabihin, nagsimula si Andrew sa acupuncture treatment. Ipinasok niya ang huling karayom sa CV 4 acupuncture point, three inches sa ibaba ng kanyang pusod.
Mainit na pakiramdam ang mararamandan sa kanyang tiyan, at napansin ni Elise na nawala na ang sakit, na tila ba muntik na niyang hindi matakasan si kamatayan.
“Ang galing mo, Andy. Hindi na masakit ang tiyan ko.”
Kumurap at hangang tinignan ni Elise si Andrew. Hindi niya alam na ang ilang sa mga damit niya ay inalis, kung saan makikita ang kanyang katawan.
Nakita ito ni Andrew at umiwas siya ng tingin. “Elise, pakiayos ang damit mo.”
Natawa si Elise at sinabi, “Tatlong taon ka ng kasal sa kapatid ko, Andy. Bakit ka nahihiya? Wala pa bang nangyayari sa inyo?”
Hindi sumagot si Andrew. Matapos ayusin ni Elise ang damit niya, sinabi niya, “Sa totoo lang, Elise, hiwalay na kami ni Bernice.”
“Ano?” gulat na sinabi ni Elise at napabangon siya mula sa kama. Hindi makapaniwala siyang nagtanong, “Nagbibiro ka ba, Andy?”
Umiling-iling si Andrew. “Seryoso ako.”
Pagkatapos, inilabas niya ang dokumento at iniabot kay Elise. “Heto ang divorce agreement. Tignan mo.”
Matapos basahin ang dokumento, ang gulat ni Elise ay naging galit.
Hindi maaaring si Andrew mismo ang nakipaghiwalay sa kapatid niya, na si Bernice Collins; mahal na mahal niya ang kanyang kapatid. Marahil si Bernice ang nakipaghiwalay.
Malinaw kay Elise kung paano itrato ni Andrew si Bernice.
Kasunod ng kasal nila, walang effort na ginampanan ni Andrew ang gawaing bahay, hindi nagreklamo kahit minsan. Ang commitment na ito para sa kaligayahan ni Bernice ay makikita sa tuwing naghihintay siya sa labas ng kanyang opisina sa malakas na ulan, may hawak na payong ng dalawang oras hanggang sa matapos niya ang kanyang trabaho.
Noong nilagnat ni Bernice, inlagaan siya ni Andrew, dinadalhan siya ng chicken soup at nanatili sa tabi niya sa gabi.
Ang mga umaga ni Andrew ay magsisimula sa kanyang routine—isang oras na biyahe papunta sa Nonna’s Nook, para lang bilhin ang paboritong ravioli ni Bernice. Hindi lang niya mahal si Bernice, pinahahalagahan niya ito, at iniispoil siya na parang prinsesa.
Dahil sa kanyang suporta, nagawa ni Bernice na magfocus sa kanyang career. Sa loob ng limang taon, si Bernice ay malapit na maging presidente ng company for public listing.
Minsan, naiinggit si Elise kay Bernice dahil nakakuha siya ng asawa na tulad niya. Hindi alam ni Elise, na sa oras na natikman ni Bernice ang tagumpay, tinalikuran niya si Andrew at nakipaghiwalay sa kanya.
Galit na inabot ni Elise ang kanyang phone. “Andy, hayaan mo ako na itanong kay Elise kung anong nangyayari—”
“Huwag ka na mag-abala,” pinigilan ni Andrew si Elise.
Napangiti nal ang ng mapait si Andrew at sinabi, “Sa nakalipas na tatlong taon, isang talunan lang ang tingin sa akin ni Bernice—taong mas mababa sa kanya. Natanggap ko na ito. Anyway, mas mabuti ng payapa kami na maghiwalay.”
Career-oriented si Bernice, ang pagkakaroon ng kumpanyang publicly listed ang matagal na niyang pangarap. Noong nalaman ito ni Andrew, nagpagdesisyunan niya na isuko ang lahat at maging mapagsuportang asawa.
Kahit na ganito, sa tuwing may problemang kinakaharap si Bernice sa kumpanya, lihim siyang tumutulong gamit ang mga koneksyon niya.
Noong makakamit na niya ang kanyang pangarap, at malapit na maisapubliko ang kumpanya, hindi inaasahan na nakipaghiwalay si Bernice. Para dagdagan pa ang insulto sa kanya, inakusahan niya si Andrew na wala siyang kuwenta.
Matapos pirmahan ang divorce papers, bumalik si Andrew sa bahay para mag-impake. Pero, hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Elise na pinagdadaanan ang kanyang dysmenorrhea, kaya siya ginamot ni Andrew.
Dahil hindi na mapigilan ni Elise ang emosyon niya, maluha-luha niyang sinabi. “Andy, hindi ka talunan. Ikaw ang pinakamagaling na lalake. Bulag siguro si Bernice dahil hindi niya ito makita.”
“Elise, kailangan ko na umalis. Maging mabait ka sa kapatid mo. Isa lang akong outsider, at hindi worth it na masira ang relasyon ninyo dahil sa akin.”
Kamukhang-kamukha ni Elise si Bernice. Habang nakatitig sa pamilyar niyang mukha, nanlumo si Andrew. Matapos ipaliwanag ang sitwasyon, umalis na siya.
“Huwag mo ako iwan, Andy.”
Walang sabi-sabi, sinunggaban ni Elise si Andrew, yumakap sa leeg niya. Namumula siya ng kanyang aminin, “M-Mahal kita, Andy. Matagal ko na itong inililihim. Ngayon at hiwalay na kayo ni Bernice, wala ng pipigil sa akin.
“Angkinin mo ako, Andy. Dahil identical twins kami ni Bernice, mapupunan ko ang puwesto niya.”
Nakakagulat na lumapit si Elise habang nakahandang humalik kay Andrew.
Nagulat si Andrew sa hindi inaasahang kilos ni Elise. Nagpanic siya at naiilang na hindi naigalaw ang mga braso niya. “Elise, anong ginagawa mo? Alam mo na kapatid ang tingin ko sa iyo. Pakiusap, bitiwan mo ako! Hindi ito tama; baka may makakita sa atin!”
Halos hindi nakapagsalita si Andrew at biglaang may malamig na boses mula sa likod niya. “Andrew Hughes! Hayop ka! Anong ginagawa mo?”
Nakasuot ng itim na suit, isang babae na mahaba ang buhok ang nakatayo sa pinto. Matalas ang mga mata niya at maganda siya. Nakakasindak ang kanyang dating at walang may lakas ng loob na titigan siya sa mga mata.
Ang babaeng ito ay ex-wife ni Andrew—si Bernice, nakatayo sa tabi niya ay isang lalakeng mukhang mayaman na naka suit.
Agad na sinabi ni Andrew. “Mali ka ng iniisip, Bernice. Makinig ka—”
“Tumahimik ka!” madiin ang boses ni Bernice habang galit siyang nagsasalita. “Hindi ko ito inaasahan mula sa iyo, Andrew. Kapatid ko si Elise! Ang lakas ng loob mo na hawakan siya? Nababaliw ka na ba?”
Tumawa ang lalake sa tabi ni Bernice at sinabi, “Nakita mo na din sawakas ang tunay na kulay niya, Bernice. Oras na para mag-move on.”
Sumarado ang mga kamao ni Bernice at disappointed na tinignan si Andrew. “Naaawa ako sa divorce natin. Pero ngayon, hayop ka lang talaga.”
Nagalit si Elise sa panlalait ni Bernice. Agad siyang lumapit at dinepensahan si Andrew, “Tumigil ka na, Bernice. Huwag mo pagalitan si Andy. Ang kumikilos palapit sa kanya. Bukod pa doon, hiniwalayan mo na siya. Bakit ka nagrereklamo kung ako naman ang kumikilos? Wala kaming nilalabag na batas.”