Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 13

Naglakad palapit si Gigi sa kanila. Marahil may mahalaga siyang inaasikaso dahil malinaw na galit siya. Namumula din siya. May hawak siyang folder mula sa kanina. Pero, wala na siyang pakielam sa mga oras na ito. Agad na lumapit si Anson para batiin si Gigi ng makita niyang palapit siya, “Ms. Moore—” Pero bago pa siya matapos magpakilala, malamig na nagtanong si Gigi, “Mr. Foster, kakabalik mo lang sa bansa, pero naghahanap ka na agad ng gulo. Anong ibig sabihin nito?” Si Bernard ay nagulat sa kung paano ang ugali ni Gigi kay Anson at pinagalitan niya ang babae. “Si Andrew ang gumawa ng problema. Pero kaysa hulihin ang salarin, sinisisi ninyo si Mr. Foster? Gusto ko makausap ang taong namamahala dito!” Kung ibang tao ito, hindi sila magiging matapang. Pero, habang papunta dito, nalaman na ni Gigi ang detalye sa insidente. Habang nasa opisina pa siya kanina, nalaman din niya ang isang nakakagulat na balita—si Andrew ay asawa ni Doria! Bukod pa doon, kilala niya ng mabuti ang mga empelyado. Imposible na magkamali sila sa metikuloso nilang trabaho. Malinaw ang lahat. “Si Ms. Thompson ay kasalukuyang abala, pero gusto niya na ipasa ko kay Mr. Foster ang kanyang mensahe. Ikaw lang ang nakakaalam kung tunay ito o hindi. Tapos na ito. Huwag mo na patagalin ang sitwasyon.” Hindi sigurado si Doria kung sino ang nagsasabi ng totoo. Mas pumapabor lang siya kay Andrew. Kung mananatiling mapilit si Anson, wala siyang magagawa kung hindi imbestigahan ang sitwasyon. Madiin ang buo ang loob ni Gigi kung saan hindi mapakali si Anson na guilty. Kung siya ang may huling salita, madali niyang mababaluktot ang katotohanan. Pero, malaking problema ang gawin ito. Masisira din ang reputasyon niya. Bukod pa doon, hindi niya gusto na maging masama ang impresyon ng pamilya Thompson sa kanya. Kakabalik lang niya sa bansa, at siguradong makakatrabho niya ang pamilya Thompson kapag siya na ang nagmana ng business nila. “Ngayon at nagsalita na si Ms. Moore, magiging masama na kontrahin ko pa siya. Dahil ang bracelet ay donation sa charity, hindi na mahalaga kung masabi ang pangalan ko o hindi.” Ginamit ni Anson ang hindi kasiguraduhan sa sitwasyon para tumakas, hindi niya inamin o itinanggi ang katotohanan. “Hindi natin dapat palampasin ang taong ito ng ganoon na lang.” naiinis si Bernard sa resulta ng sitwasyon. Pero dahil si Anson mismo ay nagdesisyon na, wala sa posisyon si Bernard na kontrahin pa ito. Hindi natinag ang ibang tingin ni Bernice kay Andrew. Hindi lang siya ang ganito din ang iniisip. Ang karamihan sa mga dumalo ay iniisip na umatras lang si Anson dahil sa respeto niya sa pamilya Thompson at para makaiwas pa ng gulo sa kanila, sinuwerte lang si Andrew dahil hindi siya nasisi. Sa oras na kumalma ang sitwasyon, humarap si Gigi kay Bernice. “Ms. Bernice Collins ng VitaCare Pharmaceutical Group? Sinuri ng presidente ng proposal mo. Nabigo ito na pumasa sa requirements namin.” Matapos ibalik ang porposal, tumalikod si Gigi at umalis na ng hindi nagpapaliwanag. Natulala si Bernice. Hindi niya matanggap na ang proposal niya ay tinanggihan. Nag-effort siya ng husto para sa proposal. Kahit na hindi ito umabot sa requirements ng pamilya Thompson, dapat may lugar pa din para pag-usapan ito. Bakit ito tinaggihan agad? “huwag ka madisappoint masyado, Bernice. Kung nabigo ito sa pamilya Thompson, ippakailala kita sa iba ko pa na mga business partners.” Lumapit si Bernard para pagaanin ang loob ni Bernice matapos mapansin na nagbago ang mood niya. Pagod siyang bumuntong hininga, tinanggap ang katotohanan na wala siyang magagawa kung hindi humanap ng ibang paraan. Nagbago ang pakiramdam sa paligid dahil sa mga nangyari, kung saan umalis na ang ilan sa mga dumalo. Ang lahat ng mga dumalo ay nagpalitan ng mga imporamasyon na kailangan nila sa networking event. Bukod pa dito, si Gigi ay isiniwalat na ang top management ng pamilya Thompson ay abala at hindi dadalo. Kaya, wala ng punto na manatili dito. Si Anson, Bernard at Bernice ay magkakasamang umalis. Habang paalis sila, tinitigan ni Anson si Andrew ng masama. Nagmadali na makarating si Doria ng patapos na ang charity event. “Pasensiya na talaga at pinaghintay kita. May mahalagang proyekto na kailangan ko asikasuhin agad.” Humingi ng tawad si Doria. Hindi niya inaasahan na may ganitong mangyayari, kung saan magdudusa si Andrew sa hindi pagkakaintindihan. Ipinaliwanag ni Gigi ang sitwasyon sa likod nila, “Tinignan ko ang surveillance camera noong bumalik ako kanina. Si Mr. Hughes ang nagdonate ng bracelet. Mag-iissue ako ng paglilinaw mamaya.” Walang umaasa na ang isang tagapagmana ng mayamang pamiyla ng Jaedornia ay masasangkot sa sitwasyon na malalagay sa peligro ang estado niya. “Hindi na kailangan ng paglilinaw. Hindi ako nababagabag dito,” sambit ni Andrew at sumenyas lang siya. Hindi niya gusto na umagaw ng eksena. Nag-aalala din si Andrew na baka malaman ni Rudd ang sitwasyon at maisapubliko ito. Ang matandang iyon ay pinahahalagahan ang mga bagay na ito na parang mga anak niya. Kung malalaman niya na idinonate ito ni Andrew, baka magwala siya at umiyak tungkol dito. “Mr. Hughes, napakahumble mo at walang pakielam sa yaman at kasikatan. Ang ganitong klase ng ugali ay hindi natututunan. Gusto ko pasalamatan si Mr. Hughes para sa mga bata na mula sa kabundukan. Kasabay nito, para din humingi ako ng tawad sa iyo, gusto kita imbitahan sa Rayonner Teahouse para sa dinner ngayong gabi.” Alam ni Andrew ang Rayonner Teahouse. Isa itong restaurant na kilala sa mga magkasintahan. Gusto isama ni Andrew si Bernice dito noon. Nagpareserve pa siya ng ilang beses. Pero, lagi siyang hindi nakakarating at abala sa kanyang trabaho. Wala na siyang naramdaman ng marinig ang pangalan ng restaurant. Matapos makitang tahimik si Andrew, nag-aalala si Doria na baka may mga inaalala siya. Lumapit siya sa kanya at mahinang sinabi, “Kung babalik ako agad kaysa sa inaasahan, mahihirapan ako ipaliwanag kay Lolo. Isipin mo na lang na pabor mo ito para sa akin.” Kumurap si Doria, nagdagdag ng kacute-an niya sa sitwasyon para makumbinsi si Andrew. “Tara na kung ganoon.” Sumangayon si Andrew dahil wala siyang kailangan asikasuhin agad. … Sa ibaba, may mga taong nakauniporme ng bodyboard at nakaupo sa sasakyan habang binabantayan ang gate. Kahit na nakaalis na ang lahat ng dumalo, ang target nila ay hindi pa nagpapakita. “Ang taong iyon ay hindi pa lumalabas, sir. Marahil natakot siya at sa ibang labasan umalis.” Suminghal ng malamig si Anson matapos sagutin ang tawag. Sinabi niya, “Hindi siya makakatakasbasta nasa Thenswy pa siya. Ipagpatuloy ang paghahanap! Baliin ang isa sa mga binti niya kapag nakita ninyo siya, at dalhin siya sa akin!” Hindi palalampasin ni Anson si Andrew ng ganoon na lang, lalo na at napahiya siya sa harap ng maraming tao. … Inihatid ni Bernard pauwi si Bernice. Sa oras na nakauwi na siya, dumiretso siya sa study room niya para aralin ang proposal. Kailangan niyang malaman ang dahilan kung bakit ito tinanggihan ng pamilya Thompson para maitama ito. Noong aalis na dapat si Bernard, nakasalubong niya si Dalrene, na kalalabas lang mula sa kuwarto niya. Tatlong araw na, maga pa din at namumula ang pisngi niya. “Mr. Clarke, pinuntahan ba ni Bernice ang hayop na si Andrew?” nagalit muli si Darlene ng banggitin ang pangalan niya. Noong sinabi niya ito, ikinuwento ni Bernard ang lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang araw. Sinabi niya ang kalokohang ginawa ni Andrew para lang makuha ang atensyon ni Bernice. “Hah! Ang ambisyoso talaga ng hayop na iyon! Paano siya makikipagkumpitensiya sa iyo? Alam mo ba kung saan siya nakatira? Pagdudusahin ko siya!” Namamaga pa din ang mga pisngi niya sa mga sampal na ininda niya. Dahil walang pagbabago sa side ng anak niya, walang magagawa si Darlene kung hindi umasa sa sarili niya. Pareho sila ni Darlene ng iniisip. Noong nakaraan, noong hinahanap ni Bernice si ang tirahan ni Andrew, nandoon din siya. Pero, hindi pinayagan ni Bernice na samahan siya ni Andrew. “Mrs. Collins, may paraan ako para makaganti ka. May mga kilala akong tao na marunong makipaglaban. Sigurado na makakapaglabas ka ng sama ng loob!” “Mabuting balita iyan. Kailangan magbayad si Andrew at pagsisihan na tumira siya dito sa Thenswy!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.