Kabanata 12
“Mr. Foster, ito ba ang ibig mo sabihin na hindi mamahalin?” kinakabahan na tumawa si Bernard.
“Totoong hindi ito mahal.”
Ngunit, naguluhan din si Anson. Ang bracelet sa entablado ay katulad talaga ng dinala niya, hindi maaaring tunay ito.
Nagkataon na nakita niya ang bracelet habang nasa abroad siya tatlong taon na ang nakararaan. Isa lang itong collectors piece. Ang halaga nito ay isang milyon lang at best.
Kahit na gaano siya kayaman, hindi niya sasayangin ang pera niya sa ganitong bagay. Kung ganoon ang gagawin niya, ano pa ang ipinagkaiba niya sa gastador?
Ang hindi pa maintindihang bagay diyo ay isinulat niya ng detalyado ang lahat ng tungkol sa kanya noong registration para purihin siya sa pagiging galante niya. Kaya bakit siya anonymous ngayon?
Kaysa mag-alala sa pagiging tunay ng bracelet, mas nag-aalala si Anson na baka may nag-impersonate sa kanya. Hindi niya matatanggap na wala siyang mapala sa ginastos niyang pera.
“Si Mr. Foster ay naging humble matapos mag-abroad. Pinili na maging anonymous para sa bagay na nagkakahalaga ng 50 million dollars. Maaari kaya na nagkamali ang staff? May tatawagin ako na tao para ipaliwanag ang nangyayari,” biglaang ideya ni Bernard.
Ang rason kung bakit sobrang sipsip si Bernard ay gusto niyang protektahan ang self-interest niya. Hindi siya gagastos ng 50 million dollars para sa bracelet.
Malakas niya itong sinabi. Ang ilan sa mga tao ay napatingin kay Anson.
“Oh, mula siya sa pamilya Foster. Kaya pala galante siya.”
“Narinig ko na malapit ang pamilya Foster sa pamilya Clarke. Marahil ipinaalam nila ito sa isa’t isa bago pa man. Siguro umaarte sila para dito.”
Habang nagdidiskusyon ang mga dumalo, si Bernard ay tumawag ng staff member para suriin ang sitwasyon at itama ang detalye ng nag donate at ipakilala ng tama si Anson.
Vinerify ng staff member ng paulit-ulit sa harap ng lahat at napagtanto nila.
“Pasensiya na, pero naverify namin na tunay ang bracelet. Pero, nagdonate din ng kamukhang bracelet si Mr. Foster. Hindi pa ito naipepresinta.”
Sa oras na lumabas ang statement, ang lahat, kabilang si Anson, ay natanga.
Ang staff member ay nilinaw ng maigi na may dalawang panig na nagdonate ng parehong gamit.
Ang issue ay ang nasa stage ay ang tunay, ibig sabihin peke ang kay Anson.
Dahil sa biglaang sitwasyon, nasa mahirap na kalagayan si Anson.
Kahit na karaniwan ang mga peke sa auction, hindi sinisiwalat ang ganito sa entablado. Kung kakalat ang balitang ito, masisira ang reputasyon niya bialng mayamang tagapagmana sa Thenswy.
“Si Mr. Foster ay mula sa marangal na estado. Hindi siya magpapaauction ng peke. Marahil may pagkakamali sa mga staff members ninyo. Pakialis ang dalawang mga gamit na ito.” Naramdaman din ni Bernice na may issue at nakahanap agad ng palusot para masolusyunan ang problema.
Nahihirapan ang staff member.
“Kailangan ko kausapin ang consignor dahil masyadong mahal ang halaga nito para magdesisyon ako.” Malakas na sinabi ng staff member para marinig ito ni Andrew.
Ang bagay na ito ay pumukaw sa interes ng ibang mga dumalo. Nagsalita sila, “Kakilala namin ang isa’t isa dito. Ano pa ang kailangan itago?”
“Tama. Bakit itinatago pa? Isiwalat mo na lang ang sarili mo para makapagbigay galang kami sa galanteng tao na ito. Iilang mga miyembro lang ng mga mayayamang pamilya ang may kakayahan na gawin ito. Maaari kaya na isang Thompson ang nagdonate nito?”
“May isa pa na posibilidad. Maaaring hindi pa verified ang pinagmulan ng bracelet. Kung ganoon…” hindi na kailangan ng nagsalita na tapusin ang sinsabi niya.
Alam ng lahat ng ibig niyang sabihin. Nagbago ang ekspresyon nila.
Kahit ang mga staff members ay nag-alala. Kung nakaw ito, ang may-ari ang mananagot.
Balak ni Andrew na mag-lay low, pero matapos marinig ang debate ng mga tao, ngumiti siya at sinabi, “Akin ito.”
Mahina man siyang nagsalita, pero nakarating sa lahat ang sinabi niya.
Tumingin ang lahat sa isang sulok, at nakita nila ang isang lalake na nakasuot ng pangkaraniwang damit.
“Andrew!”
“Paano ito naging posible?”
“Matuto kang lumugar. Alam mo ba kung ano ito? Ang lakas ng loob mo na magsalita ng kung ano-ano dito?”
Ang mga nagreact ng agresibo ay sina Bernice at Bernard. Hindi makapaniwala ang dalawa. Walang nakakakilala kay Andrew maliban sa kanilang dalawa.
“Sino ang taong ito? Bakit hindi pa namin siya nakikita? Kailan pa nagkaroon ng mayamang tao dito sa Thenswy?”
Puro katanungan ang karamihan.
Hindi binigyan pansin ni Andrew ang mga tanon at kalmadong sumagot, “Hindi na mahalaga kung maniwala kayo sa akin o hindi. Akin ang bracelet na iyan.”
“Kalokohan!”
“Walang hiya ka talaga, hindi ba? Paanong ang walang kuwentang tulad mo ay magkakaroon ng bracelet na bibihira? May patunay ka ba na iyo ito?” hindi pa din naniniwala si Bernard.
Magkasalubong ang mga kilay ni Bernice habang kumplikado ang nararamdaman niya para kay Andrew.
“Hindi to ang lguar para gumawa ka ng kalokohan mo. Kung gusto mo lang makuha ang atensyon ko sa paraang ito, ipinapahiya mo lang ang sarili mo.”
Natatawa si Andrew dahil si Bernice ay umaarteng tao na self-righteous pa din tulad ng dati.
Kinuwestiyon ng lahat si Andrew. Sa oras na iyon, isang empleyado ang lumapit, “May hindi siguro pagkakaintindihan dito. Ang taong ito ang nagbigay sa akin ng bracelet. Walang pagkakamali dito.”
Ipinaliwanag ito ng staff member, at naging tahimik ang mga tao.
Noong una, ang akala nila tapos na ang issue dito. Charity banquet nga naman ito; hindi na mahalaga kung tunay ito basta idinonate ito out of sincerity.
Pero hindi matiis ni Bernard na kalmado lang si Andrew. Bukod pa doon, hindi siya naniniwala na ang talunan na tulad niya ay may ganito karami na pera.
“Naiintindihan ko na!” bigla nakaisip ng posibilidad si Bernard.
“Siguro nalaman mo na agad ito sa simula pa lang, at naghanda ka ng eksaktong kopya ng bracelet ni Mr. Foster, at pinagpalit ito ng walang nakatingin. Hindi nakipagtalo si Mr. Foster sa bagay na ito dahil humble siyang tao na hindi gusto na pinararangalan siya. Samantalang ikaw naman, ay nalaman ito at ginamit ito para may mapala ka.”
Ito lang ang posibilidad na naisip ni Bernard matapos ito isipin.
Sa oras na sinabi niya ito, muli silang napatingin kay Anson.
Dahil nakatayo ang reputasyon ng pamilya Foster, malabo na peke ang dinala ni Anson. Pero alam niya sa loob-loob niya na peke ang dala niya.
Balak niyang paliitin lang ang problema, pero nakorner siya sa sinabi ni Bernard. Reputasyon na ng pamilya niya ang nakataya dito. Wala siyang magagawa kung hindi angkinin ang bracelet sa stage.
“Hindi ako sigurado kung nagkataon lang, pero nakuha ko ang bracelet na iyan mula sa isang tycoon overseas. Sinuri na din ito at nalaman na nag-iisang authentic piece,” sambit ni Anson. Dahil sa karanasan niya sa pagdalo sa iba’t ibang mga okasyon kaya nagagawa niyang maging kalmadong sa kahit anong sitwasyon.
Nabigla si Andrew sa kakapalan ng mukha niya, sarcastic siyang napangiti.
Ngunit, ang tingin ni Bernard sa ngiti niya ay guilty siya. “Ang akala ko isa ka lang talunan. Hindi ko inaasahan na magnanakaw ka din.”
Tinignan ni Bernice si Andrew at mapanglait na sinabi, “Marahil nakakapagod umarte ng tatlong taon. Ito pala ang tunay na kulay mo, huh?”
Ito agad ang inisip ni Bernice at hindi binigyan ng pagkakataon si Andrew na magpaliwanag. Nagsimula pa siyang maniwala na ang tunay na Andrew ay taong nasa harapan niya ngayon.
“Tama na! Tumigil kayo sa mga akusasyon ninyo! Si Mr. Hughes ay hindi klase ng taong iniisip ninyo!” May nagsalita mula sa malayo, may galit sa boses niya.