Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Natigilan ang lahat nang lumapit si Ivor kay Bonnie at sinilong niya ito sa payong. “G na?” Tumango si Bonnie. Anak ng tinapa? Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa kanilang nakita. Isang napakagandang lalaki ang dumating para sunduin si Bonnie! Sobrang nagulat sila. Nang makita nilang sumakay sina Bonnie at Ivor sa isang Maybach na nakaparada sa gilid ng bangketa, lalo pang nalaglag ang kanilang mga panga. Nakilala ng isa sa mga estudyante ang sasakyan. “Limited-edition na Maybach ‘yan! Sobrang mahal niyan! Baka nga hindi ka pa rin makakabili niyan kahit may pera ka.” Napatingin ang lahat pati si Sacha sa sports car ni Dwayne nang marinig iyon. Ang kotse ay kapansin-pansin, ngunit wala lang ito kumpara sa Maybach. Sa loob ng Maybach, magalang na nagpasalamat si Bonnie kay Ivor. “Huwag mo akong pasalamatan. Ideya ng lolo ko na sunduin ka,” walang emosyong sagot ni Ivor. “Pero hindi ka naman inutusan ni Sigmund na lumabas ng sasakyan at payungan ako, di ba?” “Magagalit siya kung hindi ko ginawa iyon. Malapit na tayong maging engaged, magiging parte ka na rin ng pamilyang Knight. Hindi namin hahayaang bastusin ka ng sinuman.” “Kahit na, kailangan ko pa ring magpasalamat sa’yo.” Ayaw niyang umutang kaninuman ng anumang pabor, kaya nagpasya si Bonnie na bayaran ito sa ginawa nito balang araw. Tumingin si Ivor sa balikat niya. “Kung gusto mo akong pasalamatan, ipangako mo na lang sa akin ang isang bagay.” “Ano ‘yon?” “Huwag kang gagawa ng anumang kakaibang ideya kapag engaged na tayo.” Humalakhak si Bonnie. “Sinabi ko na sa’yo, hindi ikaw yung tipo ko. Ni hindi kita titignan kung matutulog kang hubo’t hubad sa kama ko.” Biglang nalungkot si Ivor. Bakit ganoon ang naramdaman niya? Ilang sandali pa, huminto na ang sasakyan sa main entrance ng villa. “Tulog pa si lolo.” “Hihintayin ko siya sa sala.” Pumasok si Bonnie sa sala at nakita niya si Ged na nakatambay sa sofa, nanonood ng TV na parang doon nakatira. “Uyy,” sabi ni Ged na hindi umiiwas sa kanyang pinapanood. Sa sandaling iyon, diretsong lumipad ang isang bagay patungo sa likod ng ulo ni Bonnie. “Ilag!” sigaw ni Ivor. Nilapitan niya ang babae, sinusubukang saluhin ito. Ngunit nagulat siya at hindi siya masyadong malapit kay Bonnie, kaya hindi niya ito maabot sa oras. Inunat ni Bonnie ang kanyang kamay papunta sa likod niya at madaling nasalo ang lumilipad na bagay. Mabilis siya! Bumangon si Ged dahil hindi siya makapaniwala. Nagulat din si Ivor dahil hindi man lang kumurap o parang nagulat si Bonnie. “Cleano II!” Isang batang lalaki, bandang edad na walo o siyam, ay nagmamadaling lumapit kay Bonnie na balisa. Tiningnan ni Bonnie ang sinalo niya—isang nanginginig na hugis disc na robot. “Hoy, ingatan mo! Isang buwan kong in-assemble ‘yan. Pagbabayarin kita kapag nasira mo!” Namula ang bata. Sumingit si Ged, “Gawin mo ang sinabi niya, okay? Walang bumabangga sa kapatid ni Ivor. Interesado lang siya sa paggawa ng mga robot. Kapag sinira mo ang gamit niya, magwawala siya, at baka kahit si Sigmund ay hindi ka na mailigtas.” Lumapit si Ivor at seryosong tumingin kay Neville Knight. “Muntik na siyang matamaan ng bagay na iyon. Dapat kang humingi ng pasensya.” Nanliit si Neville nang makita ang mabagsik na mukha ni Ivor. Nilingon niya si Bonnie at bumulong, “Sorry.” Namuna si Ged. “Walang kinatatakutan ang maliit na demonyong iyon maliban sa’yo.” “Pake mo?” Inilibot ni Neville ang mga mata niya kay Ged, saka inagaw ang robot sa kamay ni Bonnie. “Anong problema? Maayos ang interface at chip. Bakit ito mawawalan ng kontrol?” Sinuri ni Neville ang robot, bumulong sa sarili, at napakamot sa ulo. Lumapit sa kanya si Bonnie. “Cleaning robot ba ‘yan?” “Alam mo?” Nagulat si Neville. “Oo,” sabi ni Bonnie. Masasabi niya kung anong robot iyon sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito? Maging sina Ged at Ivor ay namangha. “Pero paano?” tanong ni Neville. “Sa totoo lang, hindi naman ganoon kahirap. Hindi ‘yan ordinaryong cleaning robot, pero ‘yan yung klaseng panlinis ng mga kisame at chandeliers, tama?” tanong ni Bonnie. Nanlaki ang mga mata ni Neville. Paano niya nalaman iyon? Inilahad ni Bonnie ang kanyang kamay. “Ibigay mo sa’kin. Tutulungan kitang ayusin.” “Huh? Kaya mo?” Hinawakan ni Neville ang robot sa likod niya, nag-aalalang masira ito ng dalaga. Napahanga si Ged kay Bonnie, ngunit naisip niyang sinusubukan lang nitong magpakitang-gilas. “Huwag mong maliitin ang pilyong iyan, Bonnie. Maaaring walong taong gulang pa lang siya, ngunit nanalo na siya sa technology ang science competition para sa mga bata sa edad na lima, salamat sa robot na kanyang binuo. Ang kanyang mga robot ay talagang advanced. Hindi sila mga bagay na kaya mong ayusin, okay?” Tumingin si Bonnie mula kay Ged hanggang kay Neville. “Gumagawa ba ng malakas na ingay ang robot kapag ino-on mo?” “Paano mo nalaman?” “At kapag lumipad ‘yan, palagi bang bahagyang lumilihis sa kanyang dinadaanan?” “Alam mo rin ‘yon?” “Kapag matagal na pinapatakbo, umiinit, at ang sobrang init ay humahantong sa pagkawala ng kontrol, tulad ng nangyari dito.” “Paano mo nagawang...” Sa sobrang gulat ni Neville, hindi niya natapos ang kanyang pangungusap. Pagpapatuloy ni Bonnie, “Mukhang may issue ang robot mo sa pulse output, pati na rin sa mga encoder cables at position feedback loops... Medyo off din ang servo gain settings... Mabilis ko lang na tinignan kanina, kaya yun lang masasabi ko ngayon. Maaaring may iba pang mga isyu, ngunit kailangan kong gumawa ng karagdagang testing.” Lahat ay nakatingin kay Bonnie, natulala. Napatingin si Ivor sa kanya habang nag-iisip. Nanlaki ang mga mata ni Neville sa pagkamangha. Nasabi ng dalaga ang lahat ng iyon pagkatapos lamang ng isang tingin? “Papayagan mo ba akong subukang ayusin iyan?” Binasag ni Bonnie ang katahimikan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.