Kabanata 8
Naisulat ni Bonnie ang sagot sa pisara habang nag-uusap sila.
Nagulat ang mga estudyante.
“Ang galing! Paano nagawa ng repeater na tulad ni Bonnie kung paano sagutin iyon?”
“Hindi ko nga maintindihan yung tanong, pero na-solve niya iyon nang hindi man lang nag-iisip!”
“Isa kayang henyo si Bonnie?”
Namula si Mr. Rios sa kahihiyan nang marinig ang usapan ng mga estudyante.
Sinubukan niyang ipasagot kay Bonnie ang mga tanong na ito para balaan siya laban sa pagliban sa mga klase.
Kung hindi niya mapapahiya si Bonnie ngayon, mawawalan sa kanya ang respeto ng mga estudyante.
Biglang naalala niya ang isa sa pitong sikat na hindi malutas na mga problema sa matematika.
Ang problema sa P versus NP ay ikinalito ng hindi mabilang na mga mathematician.
Ito ay nalutas lamang noong isang buwan ng isang misteryosong henyo sa matematika, na ikinagulat ng mundo.
‘Imposibleng magagawa niyang lutasin ang isang ito!’ naisip niya.
“Madali lang ang mga tanong na iyon. Subukan mo ‘to.”
Si Mr. Rios ay mukhang mayabang pagkatapos niyang isulat ang tanong sa pisara.
Sinulyapan ito ni Bonnie, pagkatapos ay binatuhan siya ng kakaibang tingin.
“Anong tinitingin-tingin mo? Nasa mukha ko ba ang sagot?”
Natuwa si Mr. Rios na sa wakas ay napapahiya na siya.
Ang mga estudyante ay napanganga sa tanong, ganap na naguguluhan.
“Ano ba ‘yan?”
“Math question ba ‘yan? Si Mr. Rios ba ang gumawa niyan para lang hamunin si Bonnie?”
Ngumisi si Mr. Rios nang makitang nakatayo lang doon si Bonnie.
“Kung hindi mo alam kung paano sagutin ‘yan, dapat pumasok sa klase ko sa oras at makinig—”
Bago siya makatapos, sinimulan isulat ni Bonnie ang solusyon.
Habang pinupuno niya ang buong pisara, nalaglag ang panga ni Mr. Rios.
Nauubusan na siya ng espasyo, kaya pumunta siya sa pisara sa likod at nagpatuloy sa pagsusulat.
Habang lumilipas ang oras, lalong tumahimik ang klase.
Nang tumunog ang kampana ng paaralan, sinabi ni Bonnie, “Tapos na ako.” Inilapag niya ang chalk at lumabas ng classroom.
Si Mr. Rios at ang iba pang mga estudyante ay nabigla.
Ang guro, lalo na, ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
***
Nang matapos ang klase sa hapon, nagkaroon ng bagyo.
Walang nakapaghanda dahil hindi binanggit ng ulat ng panahon ang pag-ulan.
Habang lumalakas ang ulan, naghintay si Bonnie sa pasukan ng paaralan kasama ang karamihan sa mga estudyante.
Ang ilang mga dalaga ay nakikibahagi sa masiglang usapan.
“Pupunta ba ang boyfriend mo para sunduin ka, Sacha?”
“Sabi niya, papunta na siya,” sabi ni Sacha Hutchinson, na binatuhan si Bonnie ng mapanghamon na tingin.
Kinaiinisan niya si Bonnie dahil mas maganda ito sa kanya.
“Naiinggit ako sa’yo, Sacha. Narinig kong pagmamay-ari ng tatay ng boyfriend mo ang Caesar Hotel!”
“Oh my God, four-star hotel ang Caesar Hotel sa Pyralis, ‘di ba?”
Ngumisi si Sacha. “Sa totoo lang, narinig ko kay Dwayne na nag-apply na yung dad niya para sa five-star rating. Maaaprubahan din ‘yon sa lalong madaling panahon.”
“Woah, Sacha, ibang klase talaga ‘yang boyfriend mo!”
Napatingin ulit si Sacha kay Bonnie. “Aba, pagmamay-ari ng fiance ni Bonnie ang Sunrise Properties. Sa tingin ko ay walang palag si Dwayne sa kanya.”
Napatingin ang lahat kay Bonnie.
“Sacha, hindi mo pa ba nabalitaan? Hindi na tuloy yung kasal ni Bonnie.”
“Oh my God, talaga?”
Nagpanggap si Sacha na parang ngayon lang niya narinig at nagtakip pa ng kamay sa bibig niya.
Naaawa siyang tumingin kay Bonnie.
“Sorry, Bonnie, hindi ko alam na iniwan ka na pala niya. Hindi ko na sana binanggit kung alam ko lang.”
Sinamaan siya ng tingin ni Bonnie. “Para ka lang rin yung kapatid ko, ehh. Maldita siya.”
Naninigas si Sacha. Nagsimulang maghiyawan ang ibang mga estudyante.
“Uy, nag-sorry naman siya, ‘di ba?”
“Oo, hindi mo dapat sinabi iyon!”
“Mag-sorry ka sa kanya!”
Humalakhak si Bonnie.
“Anong tinatawa-tawa mo? Nakakatawa bang sinabi namin na humingi ka ng paumanhin sa kanya?”
“Natatawa ako sa mabababang IQ ninyo,” totoo namang sabi ni Bonnie.
Ang mga babaeng ito ay tila talagang mangmang sa isang taong may IQ na 300.
“Hoy, tinatawag mo ba kaming mga tanga?”
Nagtaas ng kilay si Bonnie. “Aba, siya yung maldita dito, pero sa kanya kayo pumapanig. Hindi ba tanga ang tawag doon?”
“Ano naman ba kung nasagot mo yung math questions na ‘yon? Malamang kinabisado mo lang yung mga sagot!”
“Tama si Tilda! Sino ka sa tingin mo para tawagin kaming tanga?”
Tumunog ang phone ni Bonnie. Hindi siya nag-abalang makipagtalo sa kanila at tiningnan ang kanyang telepono.
Isang mensahe mula kay Ivor ang nakalagay, “Pinapasundo ka ni lolo sa’kin. Malapit na ako.”
Pagkatapos niyang sumagot sa mensahe, isang matingkad na pulang sports car ang huminto sa pasukan at nakuha ang atensyon ng lahat.
Bumaba sa kotse ang isang lalaking nakasuot ng striped suit at lumapit.
“Si Dwayne Moss! Sobrang hot, parang nung sasakyan niya. Kung boyfriend ko lang siya.”
“Kalimutan mo na ‘yon. Boyfriend siya ni Sacha.”
“Boyfriend niya ‘yon? Sobrang mahal siguro nung sasakyan niya!”
Mayabang na nagtaas-baba si Sacha. Lumapit siya kay Bonnie at nagpakita ng malungkot na mukha.
“Hindi ko sinasadya ang sinabi ko, okay, Bonnie?
“Umuulan ngayon. Bakit hindi ka namin ihatid ni Dwayne pauwi? Para quits na tayo.”
Sinulyapan siya ni Bonnie at hindi sumagot.
Nagsimula nang mapuno ng luha ang mga mata ni Sacha. “Naman ohh, Bonnie, hindi ko yun sinasadya.
“Magkaklase tayo. Bakit ko gugustuhing ipahiya ka?
“Nga pala, may birthday party ako ngayong weekend sa Regal Karaoke. Punta ka, ha?”
Habang nagsasalita ay sinubukang hawakan ni Sacha ang kamay ni Bonnie.
Napaatras ng isang hakbang si Bonnie sa pagkamuhi.
“Ganoon ba talaga kalala ang galit mo sa akin, Bonnie?”
Ang pag-iyak ni Sacha ay nakakuha ng simpatiya ng ibang mga estudyante, na nagsimulang batikusin muli si Bonnie.
“Sobra na siya!”
“Ang maldita ni Bonnie!”
“Oo nga!”
Lumapit si Dwayne at hinila si Sacha sa kanyang mga braso.
“Wag ka ng umiyak, Sacha. Ako ang bahala sa’yo.”
Galit na bumaling si Dwayne kay Bonnie.
Gusto niya itong sigawan, ngunit nabighani siya sa kagandahan nito.
Mas maganda ang babaeng ito kaysa sa girlfriend niya!
Naramdaman ni Sacha na may mali. Tumingala siya at nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa nang makita niya ang tulirong tingin ni Dwayne.
“Kaklase ko siya, Dwayne. Pabayaan mo na lang siya.
“Naaawa ako sa kanya, alam mo ‘yon? Madalas siyang nagka-cutting at kailangang umulit ng grade sa loob ng dalawang taon.
“Sa tingin ko babagsak siya sa college entrance test, at maski pamilya niya ay hindi siya gusto.
“Sinolut pa ng kapatid niya ang fiancé niya. Ay, kilala mo ‘yon. Si Hadwin Rhodes.”
Sinabi lahat ni Sacha para malaman ni Dwayne na hindi sikat na babae si Bonnie sa kabila ng kagandahan nito.
“Ikaw pala yung babaeng iniwan ni Hadwin.”
Katulad ng inaasahan ni Sacha. Paghamak na lang ang nararamdaman ni Dwayne para kay Bonnie.
Lihim na nakampante si Sacha nang marinig iyon.
Hindi pinansin ni Bonnie si Dwayne.
“Hoy, kinakausap kita! Bingi ka ba?” naiinip na sigaw ni Dwayne.
Sinamaan siya ng tingin ni Bonnie. “Hindi ako kumakausap ng mga tanga.”
“Tinatawag mo ba akong tanga? Ulitin mo nga yung sinabi mo!”
Umiwas ng tingin si Bonnie, kinagat ang kanyang mga labi, at tumigil sa pagsasalita.
Gaya nga ng sabi niya, ayaw niyang makipag-usap sa mga tanga.
Galit na galit si Dwayne.
“Kapal ng mukha mo, bitch? Lagot ka sa’ki—”
Bago pa siya makatapos, isang malalim at malamig na boses ang nagmula sa kanyang likuran.
“Tabi. Nakaharang ka sa daan.”
Anak ng tinapa?
Galit na lumingon si Dwayne at agad na nanliit nang makita kung sino ang nasa likuran niya.
Isa siyang pambihirang guwapong lalaki na may kahanga-hangang presensya na parang hari.
Si Sacha at ang iba pang mga babae ay nananabik na nakatingin sa lalaking may hawak ng payong.
Walang masisisi sa kanila dahil hindi kapani-paniwala ang kagwapuhan niya.
“Oh my God! Sobrang hot niya. Sino siya? Artista ba siya?”
“Malabo. Yung ganiyang mukha, matagal na dapat na sobrang sikat para mamukhaan na natin kaagad siya.”
“Sa tingin mo ba nandito siya para may sunduin?”
“Sino ang maswerteng babae?”
Nagkatinginan ang mga estudyante.
Pinag-aralan ni Dwyane si Ivor. Masasabi niyang hindi ordinaryong lalaki si Ivor.
Ngunit hindi pa niya ito nakita sa mga samahan ng mga elite dati.
“Hindi ko na uulitin yung sinabi ko,” pinikit ni Ivor ang kanyang mga mata habang malamig na nagsasalita.
Dahil sa takot, biglang tumabi si Dwayne.
Nauusisa din siya kung sino ang susunduin ni Ivor.
Ikinagulat ng lahat nang naglakad si Ivor papunta kay Bonnie!