Kabanata 14
Habang sinasabi niya iyon, lahat ay nakatingin sa entablado.
“Malapit nang lumabas si Ms. Bonita, Ivor!” Halos hindi mapigilan ni Ged ang pananabik sa kanyang boses.
Mukhang kalmado si Ivor, ngunit pinagtaksilan ng titig niya ang kanyang tunay na nararamdaman.
Napahawak si Trina sa kanyang dibdib. “Kinakabahan ako, mom! Malapit nang magpakita ang pinakamalupet kong idol.”
Nagsimulang pawisan ang kamay ni Vera habang nababalisang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pulso ni Bonnie.
“Kumalma ka. Kakausapin natin siya pagkatapos niyang magsalita.”
Sinubukan ni Bonnie na hilahin ang kanyang pulso mula sa kamay ng kanyang ina. “Kailangan kong pumunta sa cr.”
“Ano? Aakyat na si Ms. Bonita sa entablado, at gusto mo pang pumunta sa banyo ngayon?”
“Kailangan ko na talagang umalis.”
“Wala kang pupuntahang iba, nene.”
Lumipas ang isang minuto, ngunit hindi pa rin nagpapakita si Ms. Bonita.
“Anong meron? Nasaan na si Ms. Bonita?”
Nagbulungan ang mga tao sa kanilang mga sari-sarili.
Labis nang pinagpapawisan ang host. Pupunta na sana siya sa backstage para magtanong tungkol kay Bonnie, nang nakita niya itong nakaupo sa mga dumalo.
Anak ng tinapa?
Bakit siya nakaupo doon?
Kumunot ang noo ni Bonnie at sinulyapan si Vera na mahigpit na nakahawak sa kanya.
Naintindihan agad ng host at mabilis na naghanap ng makakatulong sa kanya.
Sa lalong madaling panahon, isang matandang propesor ang lumakad patungo sa pamilya.
“Hello, ako si Professor Terry. Isa akong researcher na nagtratrabaho para kay Ms. Bonita.”
Nagulat sina Gresham at Vera na lumapit ang matanda para kausapin sila.
“Isang karangalan na makilala ka, Professor Terry. Anong maitutulong namin sa’yo?”
Tuwang-tuwa ang mag-asawa, ngunit nanatili silang kalmado.
Si Propesor Terry ay hindi pinahahalagahan gaya ni Ms. Bonita sa Arvandor, ngunit siya ay bigatin sa mundo ng akademiko.
Hindi basta-basta lalapit ang isang tulad niya para kausapin sila para lang sa wala.
“Nandito ako para...” Tumingin si Professor Terry kay Bonnie.
Si Trina ay nakatayo sa tabi ni Bonnie, kaya inakala ng mag-asawa na ang tinutukoy niya ay ang kanilang ampon at nakaramdam ng pagmamalaki.
“Nandito ka dahil kay Trina?
“Pangarap ni Trina na magtrabaho para sa’yo. Nagpaplano siyang mag-apply para sa internship sa research institute sa junior year niya. Sana ay gabayan mo siya pagdating ng panahon.”
“Uh, siya ba? Kailangan niyang magsumikap kung ganoon...”
Tumikhim si Propesor Terry at sinubukang makisabay.
Sa kasabikan niyang ipagmalaki si Trina, nakalimutan na ni Vera si Bonnie.
Sinamantala ni Bonnie ang pagkakataong tumungo sa backstage.
Nakahinga ng maluwag ang host. “Pasensya na sa abala. Hindi ko na patatagalin pa, bigyan natin ng masigarbong palakpakan si Ms. Bonita!”
Umakyat sa entablado si Bonnie na nakasuot ng surgical mask at sombrero.
Kinuha niya ang mikropono at pinalalim ang kanyang boses habang sinabi niya, “Ang tagumpay ng bagong nanomaterial na ito ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng buong team. Kaya naman, pakibigyan ang bawat isa sa kanila ng inyong pinakamainit na palakpakan.”
Napatingin si Bonnie sa isang grupo ng mga propesor na nakaupo sa unahan at nagsimulang ipakilala sila nang isa-isa.
“Professor Jamie Harper.
“Professor Riley Chambers.
“Professor Charlie Knowles...”
Nagpalakpakan ang mga tao nang sila ay ipinakilala.
Napaluha ang matatandang propesor nang tanggapin nila ang pasasalamat ni Ms. Bonita.
“Hindi ba parang hawig ni Ms. Bonita si Bonnie, Ivor?” Naguguluhan na tanong ni Ged.
Umiling si Ivor at sinabing, “Ang lawak ng imahinasyon mo, aaminin ko.”
Humalakhak si Ged. “Diba, tapos sinabi pa ni Bonnie na iaanunsyo nila ang kanilang pakikipagsosyo sa Knight Group. Ang dami niyang alam.”
Nang matapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy si Bonnie. “Susunod, may importante akong sasabihin.”
Nagtataka, lahat ay nakikinig nang mabuti.
Napatingin si Bonnie kay Ivor.
“Hmm?” Napansin ni Ivor ang tingin ng dalaga at naguguluhan.
”Anong problema, Ivor?” Tumingin si Ged sa balikat niya at nagtanong.
“Mukhang nakatingin sa akin si Ms. Bonita...”
“Marunong ka pa rin palang magbiro.” Humalakhak si Ged.
Kumunot ang noo ni Ivor. Nagkamali ba siya?
Ipinagpatuloy ni Bonnie, “Alam kong marami sa inyo ang pumunta rito upang ma-secure ang rights sa bagong nanomaterial, ngunit napagpasyahan ko na kung saang kumpanya kami makikipagsosyo.”
Nagkagulo.
“Ano? Nakapagdesisyon na siya? Sino kaya ang masuwerteng hinayupak na iyon!”
“Sinubukan ko pang makakuha ng mas maraming pondo para lang piliin ng research institute ang kumpanya ko. Sayang lang ang pagod ko!”
“Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Ms. Bonita. Sabihin mo sa amin kung saang kumpanya ka makikipagsosyo.”
Inihayag ni Bonnie, “Makikipagsosyo ako sa Knight Group.”
Natigilan si Ivor.
Nagpakita sa isipan niya ang mga eksenang nagpapakitang-gilas si Bonnie.
“Holy shit! Tama ba ang narinig ko? Na... na...” Natulala si Ged.
“Mukhang may maibubuga nga si Bonnie, Ivor!” Hindi iniisip ni Ged na nagkataon lang ito.
Tama si Bonnie tungkol sa petsa ng press conference.
At ngayon ay inanunsyo ng research institute ang kanilang pakikipagsosyo sa Knight Group tulad ng sinabi niya na gagawin nila!
Matalinong lalaki si Ivor, at nakikibahagi siya sa opinyon ni Ged.
Nang matapos ang press conference, napansin ni Ivor na nandoon lahat ang mga Shepard maliban kay Bonnie.
Napaisip siya.
Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa entablado.
Si Bonnie ay dinumog ng mga tao pagkaalis niya sa entablado.
Hirap na hirap na sinubukan silang pigilan ng mga security guard.
“Huwag kayong magtulakan! Kumuha ka pa ng mga bantay dito para protektahan si Ms. Bonita!”
“Ms. Bonita, anong susunod mong planong i-research?”
“Ms. Bonita, imbitahan ka ng aming TV network para sa isang eksklusibong panayam. Puwede mo ba kaming bigyan ng oras? Hindi naman ‘to magtatagal.”
“Puwede ka bang imbitahang mag-dinner, Ms. Bonita?”
Ang sitwasyon ay nagsimulang mawalan sa kontrol habang sinisikap ng lahat na lumapit sa kanya.
“Tabe! Gusto ko ng autograph.”
Si Bonnie ay mahusay na manlalaban, ngunit wala siyang magagawa sa sitwasyong tulad nito.
Biglang may nangyaring hindi inaasahan!
Isang camera na nakatulak paitaas ang nagtupi sa kanyang sumbrero, at bumagsak ang kanyang mahabang buhok.
Tinanggal din ang maskara ni Bonnie sa kanyang mukha.