Kabanata 13
I-mentor?
Napatingin sila sa kausap ni Kay Steele at napagtantong si Bonnie iyon!
Lahat, pati si Dwayne, ay nanlaki ang mga mata sa pagtataka.
Namukhaan ni Bonnie si Kay. Siya ang babaeng gustong matuto ng kickboxing mula sa kanya.
“Sumuko ka na, okay? Wala akong maituturo sa’yo.”
Desperadong napatingin si Kay kay Bonnie. “Sige na. Pangako magiging mabuting estudyante ako. Pakiusap? Nagmamakaawa ako sa’yo!”
Napatingin ang lahat kay Bonnie dahil hindi sila makapaniwala.
Nagmamakaawa ba talaga kay Bonnie ang VVIP na nagpasindak kay Dwayne?
“Anong meron, Ms. Kay? Bakit mo siya gustong maging mentor?” Pansamantalang tanong ni Dwayne.
“Wala ka nang pake doon!” Inilibot ni Kay ang mga mata kay Dwayne at nagpatuloy sa pagmamakaawa kay Bonnie.
“Pakiusap, Ms. Bonnie. Kung pumayag kang maging mentor ko, gagawin ko lahat ng sasabihin mo.” Ang biglaang pagbabago ng ugali niya ay nagpahiwatig kung gaano katiting na paggalang ang meron siya para kay Dwayne.
“Sinabi ko na sa’yo, hindi ako kumukuha ng mga estudyante,” sabi ni Bonnie na nakakunot ang noo.
Sinukuan ni Kay ang usapan nang makita niyang naiinis na si Bonnie sa kanya. “Nandito ka ba para sa karaoke? Bakit hindi ka sumama sa amin?”
“Siya yung may birthday. Siya yung tanungin mo.”
Napatingin si Bonnie kay Sacha.
Binatuhan ni Kay ng makahulugang titig si Sacha.
Nangilabot si Sacha. “Dahil inimbitahan tayo ni Ms. Kay na saluhan siya, bakit hindi?”
Napangiti si Kay. “Umoo siya, Ms. Bonnie.”
“Sige.”
Umupo si Kay sa tabi ni Bonnie at nagsimulang magsalita nang walang tigil.
Pakiramdam ni Sacha ay medyo initsapwera siya. Kung tutuusin, kaarawan niya ngayon.
“Okay ka lang ba, Sacha?” Nag-aalalang tanong ni Tilda.
Nagpanggap na biktima si Sacha at napailing na may luha sa mga mata. “Ayos lang ako.”
Ngunit kayang sabihin ng sinuman na hindi siya maayos.
Nagbulungan ang mga kaibigan ni Sacha.
“Walang kunsiderasyon si Bonnie! Alam niyang kaarawan ni Sacha, pero sinusubukan niyang magnakaw ng atensyon.”
“Pero bakit may kakilala si Bonnie na VVIP na katulad ni Ms. Kay?”
“Malamanag ay may ginawa siyang kababalaghan para makilala siya, siyempre. Nakikipag-kutsaba, walanghiyang gaga!”
Narinig sila ni Kay.
“Hoy, mga puwet! Kung hindi dahil kay Ms. Bonnie, hindi kayo makakapag-party dito.”
Dahil si Kay na mismo ang nagsabi nito, napayuko na lang ang iba.
“Kayo ang mga walang kunsiderasyon, mga tanga!”
Napatingin si Kay kay Bonnie.
“Ayos lang ba kung palayasin ko na sila?”
Tinaas ni Bonnie ang kanyang kilay at sinabing, “Sige lang.”
“Paano mo nagawa sa’min ‘to, Bonnie? Nag-uusap lang naman sila. ‘Wag ka ngang mababaw.” Nagsalita si Sacha.
Nginitian siya ni Bonnie. “Tapos ka na? Ayos. Puwede ka nang umalis. Ikaw din, Dwayne.”
Galit na galit sina Dwayne, Sacha, at iba pa.
“Hoy, ano pang hinihintay ninyo? Layas!”
Kumaway si Kay, at ilang bodyguard ang nagmartsa papunta sa kanila.
Mabilis na lumabas ng kwarto si Dwayne at ang iba pa.
“Ayos ba yung ginawa ko?” Tanong ni Kay kay Bonnie.
“Salamat sa pagpaalis mo sa kanila. Ayokong magkaroon ng utang na loob kahit kanino.”
“Bale ime-mentor mo na ba ako?” sabik na tanong ni Kay.
“Kailangan ko munang tanungin doon sa lalaking nagturo sa’kin ng kickboxing.”
“Sino siya? Siguro master siya, ano!”
“Ang apelyido niya ay Burns. Nakatira siya sa bundok.”
Nanlaki ang mga mata ni Kay.
“Si Cary Burns ba ang tinutukoy mo, ang lalaking mahigit isang daang taong gulang na?”
“Uh-huh.”
“Oh my God! Siya ang pinakamagaling na kickboxer sa bansa. Kaya pala ang galing-galing mo! Balita ko lahat ng estudyante niya ay mga eksperto sa kickboxing.”
Sa sandaling iyon, nakatanggap si Bonnie ng text mula kay Cary na nagsasabing, “Ayos lang kung gusto mong magturo.”
Narinig ni Kay ang notification ng mensahe, iniangat ang kanyang leeg upang sumilip, at napatalon siya sa tuwa nang makita niya ang nakasaad dito.
Muling tumunog ang telepono nang lumitaw ang isa pang mensahe mula kay Cary.
“Kakabalik lang ng pangalawang estudyante ko sa Arvandor. Dapat kang makipagkita sa kanya.”
Pangalawang estudyante ng matanda? Hindi pa siya nakita ni Bonnie.
Narinig lang niyang sinabi ni Cary na ang kanyang senior ay isang kamangha-manghang kickboxer.
“Sige, pupuntahan ko siya kapag libre na ako.”
At kaya naman, pumayag siyang turuan si Kay ng kickboxing.
***
Sa petsang ika-28, malapit nang magsimula ang press conference para sa bagong nanomaterial.
Maagang dumating si Bonnie sa venue. Habang iniisip niyang pumunta sa backstage ay pinigilan siya ni Vera.
“Bonnie? Paano ka nakapasok dito? Hindi ka naman lumusot, ano?”
Lalong nag-alala si Vera. “Umalis ka na ngayon. Dito gaganapin ang press conference nina Ms. Bonita at ng kanyang team. Hindi ‘to lugar para magkalat ka.”
“Hindi ako lumusot, okay?”
Kailangang magmadali ni Bonnie sa backstage. Maraming mga pinuno ng industriya ang dumating, at ang mga mamamahayag ay armado ng kanilang mga camera at mikropono, handa na para sa pagsisimula ng press conference. Bilang pinuno ng research team, kailangan niyang magbigay ng talumpati.
“Bakit ka nagsisinungaling? Ikaw—”
Pinutol si Vera ng boses ng host sa entablado.
“Magsisimula na ang press conference. Maupo na kayo, ladies and gentlemen.”
Nang makita niya ang mga VIP na nakaupo sa kanilang mga upuan, sinamaan ng tingin ni Vera si Bonnie.
“Bakit nakatayo ka diyan? Humanap ka ng mauupuan!”
Kumunot ang noo ni Bonnie. “May mga bagay akong gagawin.”
“Sumama ka na lang sa akin!”
Hinawakan ni Vera ang pulso ni Bonnie at hinila siya patungo sa mga upuan.
Patuloy ng host, “Oras na para simulan ang press conference, ladies and gentlemen. Pangungunahan tayo ni ng opening remarks ni Ms. Bonita.”