Napahinto si Hera bago ito nasusurpresang tumingin kay Isabela,
“Naniniwala ka sa akin?” Tanong nito.
Hindi naniwala maging ang mga Everett na kadugo niya sa kaniya. Pero nagawa ni Isabella na kakikila kilala pa lamang ni Hera na maniwala sa kaniya.
Namula si Isabella nang tingnan siya ni Hera. Ninenerbiyos itong nautal sa pagsasalita. “O-Oo. May kasabihan nga na ang mukha raw ang summary ng isipan ng isang tao. Napakaganda mo kaya sigurado ako na hindi ka nandaya. Nagkaroon ba kayo ng hindi pagkakaintindihan sa insidenteng iyon?”
Hindi makapagsalita rito si Hera.
Masyadong inosente ang Isabellang ito.
“Salamat.” Bahagyang ngiti sa kaniya ni Hera.
Mas namula noong mga sandaling iyon ang mga pisngi ni Isabella habang nakakaramdam ito ng kaunting pagkahilo.
Grabe! Nagawa siyang ngitian ng may sariling mundo na si Hera!
Napakaganda ni Hera!
Hindi alam ni Hera ang nararamdamang infatuation ni Isabella pero agad niyang naalala ang forum ng academy.
Nagsearch siya internet gamit a