Hindi inasahan ng lahat na hindi pala ganoon kahusay sa academics si Christopher na malayo sa Christopher na kanilang nakilala.
Nasa average lamang ang kaniyang mga grade bago ito tumuntong sa junior high school. Hindi nagiimprove ang kaniyang mga grades kahit na gaano karaming tutorial class pa ang kaniyang attendan.
Nang bigla niyang makita ang ilang set ng mga nasagutan ng test paper sa loob ng study room ni Andrew.
Walang pangalan ang mga papel na ito pero naging malinaw at innovative ang mga solusyon nito na nagbukas ng bagong mundo para sa kaniya.
Ginaya ni Christopher ang problem solving approach ng misteryosong academic prodigy hanggang sa umangat at manguna ang kaniyang mga grado.
Nagresulta ito sa pagiging proud sa kaniya ng istrikto niyang ama na sinamahan pa ng mga papuri na kaniyang natanggap mula sa mga guro ng academy at paghanga ng kaniyang mga kaklase.
Napaganda ng pangyayaring ito ang kaniyang imahe.
Nadiskubre rin ni Christopher na ipinapadala ng misteryosong