Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

Natigilan sa kaniyang naisip si Hera. Nang biglang umingay ang tunog ng isang paparating na aircraft sa paligid. Dumating na ang backup ni Bernard. Napatingin si Hera sa kalangitan nang makita niya ang isang helicopter na naghohover sa kaniang ibabaw. Nagslide pabukas ang pinto ng helicopter bago nito ibaba ang isang ladder. Isa namang lalaki na nakacamouflage na katulad ng suot ni Bernard ang bumaba sa helicopter. Dali daling tumakbo palayo si Hera nang makita niya iyon. Itinayo ni Bernard ang kaniyang sarili habang sinusundan ng kaniyang mga mata ang papalayong imahe ni Hera. Natutuwa siyang ngumiti habang bumubulong siya ng, “Dito ka lang pala nagtatago. Babalikan kita rito.” … Sa paanan ng bundok, dalawang makikintab at itim na mga BMW ang nakapark sa harapan ng isang pinagtagpitagping bahay na pinaligiran ng nacucurious na mga usisero sa paligid. Sa loob ng sala nito, sinalubong ni Catherine ang mga Everett na kararating rating pa lang sa siyudad. Naririto rin sina James Everett, Lilith Cresswell ang kanilang anak na si Giselle Everett na pinalaki ng dalawa matapos nitong maipagpalit kay Hera pagsilang nito. Naglaban laban ang itsura ng suot na damit ng tatlo sa loob ng sira sirang sala ng bahay. Napasigaw si Giselle sa lumang cup na nasa kaniyang harapan na nagpatindi sa pandidiri na kaniyang nararamdaman. Tumingin siya sa paligid ng sala habang pinoprocess niya ang natutuklap na mga pintura sa dingding at ang nagkalat na mga herb sa sahig. Wala ring air conditioner ang bahay na ito sa napakainit na tag araw. At sa halip, isang lumang ceiling fan ang maingay na umandar sa kanilang itaas. Nakadagdag ang nakakairita nitong ingay sa init ng kaniyang ulo. Hindi matanggap ni Giselle na miyembro siya ng walang kwentang pamilya na ito. Malinaw para sa kaniyang sarili na isa siyang Everett. Humawak nang mahigpit si Giselle sa braso ni James para naiinis nitong sabihin na, “Dad, napakainit po rito. Ayaw ba akong makita ni Hera dahil iniisip niya na ninakaw ko ang kaniyang mga magulang sa kaniya?” “Anong sinasabi mo? Hindi ninyo kasalanang mapagpalit noong isilang kayo sa mundong ito. Kaya bakit ka niya sisisihin sa nangyari?” Galit na isinagot ni James. Bago sila dumating, tumawag ang mga Everett para sabihin na pupunta sila para iuwi si Hera sa kanilang tahanan. Para naman kay Giselle na pinalaki nila ng 17 taon, napalapit na ito sa kanila kaya napagdesisyunan nilang palakihin na rin ito kasama ni Hera. “Kung ganoon, bakit wala pa rin siya?” Mas nakaramdam ng lungkot sa mga sandaling iyon si Giselle bago sigya tumingin kay Catherine para magsabi ng, “Um, maaari niyo po bang hanapin si Hera? Puwede niyo po bang sabihan siya na dalian niyang magpunta rito?” Nagpakita siya ng tono na para bang naguutos siya sa isang katulong. Napabuntong hininga na lang si Catherine nang maobserbahan niya ang ugali ni Giselle. Tatayo na ito nang biglang sumali sa usapan si James. “Okay lang. Bigyan natin siya ng lima pang minuto. Mauuna na kami kung hindi pa siya makakabalik pagkatapos nito.” Dali daling ibinaba ni Lilith ang kaniyang tasa. Masyadong mahirap para sa kanila ang paghahanap sa tunay nilang anak kaya hinding hindi niya palalampasin ang pagbisitang ito nang hindi nagsasalita. Magsasalita na sana siya para hikayatin si James nang marinig nila ang isang malinaw na boses mula sa labas. “Nakauwi na po ako, Lola.” Napatingin ang lahat sa pinto kung saan makikita ang isang matangkad at payat na babae. Malinaw na inemphasize ng liwanag ang korte ng kaniyang katawan. Nagpakita ng kawalan ng pakialam si Hera na nagsasabing hindi magiging maganda para sa kahit na sinong kalabanin siya. Sa kabila ng matanda niyang edad, naging malinaw pa rin ang mga mata ni Catherine. Agad niyang napansin ang malaking punit sa dress ni Hera nang pumasok ito sa bahay. “Ano ang nangyari, Hera?” Nagaalalang lapit ni Catherine. Sinuportahan naman ni Hera si Catherine bago nito siguruhin na, “Okay lang po ako, Lola.” Tumingin siya pababa sa suot nitong dress bago niya sabihing, “A…aksidente ko lang pong napunit ang damit ko…” Dito na napansin ng lahat ang marumi at punit punit na suot ni Hera. Balot na balot na ng pandidiri si Giselle kaya hindi nito inasahan na magkakaroon si Hera ng disenteng damit na maisusuot. Dito na siya nagdesisyon na hinding hindi na siya babalik sa lugar na ito kahit na kailan! “Huwag kang magalala, igagawa na lang kita ng bagong damit.” Sagot ni Catherine. Dito na siya tumuro sa grupo para sabihing, “Batiin mo ang tunay mong mga magulang at ang kanilang anak na aksidenteng naipagpalit sa iyo noong isilang kayong dalawa sa mundo.” Tumama ang paningin ni Hera kay James. Nakasuot ito ng isang suit habang mapapansin ang mahaba nitong buhok at ang overweight nitong katawan. Kahit na nasa huling bahagi na ito ng kaniyang 40s mukha pa rin itong nasa unang bahagi ng kaniyang 40s. Higit kalahating oras ng naghihintay si James sa marumi at makalat na lugar na iyon para lang mabati ni Hera na nakasuot ng sira sirang damit. Mas tumindi ang kaniyang inis nang makita niya ang kawalan ng manners ni Hera. Hindi siya nito nagawang batiin kaya agad nang nagsimula sa kaniyang pangungwestiyon si James, “Bakit mo kami pinaghintay ng ganito katagal?” “Nadapa ako habang pababa ako ng bundok.” Paliwanag ni Hera habang bumababa ang kaniyang paningin. Nabalot ng malamig niyang mga tingin ang mahaba nitong mga pilikmata na nagbigay ng impresyon na isa siyang nagsisising bata. Hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni James ang kaniyang panenermon nang mapansin niyang kamukha nito si Lilith at nang makita niya ang kaawa awa nitong itsura. “Napakadungis mo. Halika na, sumakay ka na sa sasakyan.” Sabi ni James. Dali dali siyang tumalikod para umalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Samantala, umabante naman si Lilith para mihinhing kunin ang kamay ni Hera para tingnan kung nagtamo ito ng mga sugat. “Hera, ako ang iyong ina. Tingnan ko nga kung nasaktan ka sa pagkadapa mo kanina.” Katulad na katulad ng kaniyang adoptive mother na si Daphne Jones ang nagaalalang mukha ngayon ni Lilith. “Okay lang ako. Salamat.” Sagot ni Hera. Agad nang lumapit si Giselle para hatakin si Lilith palayo sa lugar na iyon. “Halika na, Mom. Naghihintay si Dad sa labas.” “Sige, sige.” Tango ni Lilith bago siya humarap kay Hera para sabihing, “Umuwi na tayo. Hinihintay na tayo ng dad mo sa labas.” Tumango si Hera bago siya magpaalam kay Catherine. Hindi natuwa si Giselle nang mapansin niya na nakafocus si Lilith kay Hera. Hinatak niya nang malakas si Lilith pero nanatili pa rin ito sa kaniyang kinatatayuan na siyang nagpafrustrate kay Giselle. Dito na niya naiinis na binitawan ang kaniyang pagkakahawak kay Lilith para puntahan si James nang pigilan siya ni Catherine. “Giselle, napagisip isip mo na ba talaga ang tungkol sa bagay na ito? Gusto mo ba talagang iwanan ang tunay mong pamilya?” Seryosong itinanong ni Catherine. Dito lang napatingin si Hera kay Giselle na nagpakita sa mahaba at madulas nitong buhok. Kahit na hindi maganda si Giselle, sapat na ang mamahalin nitong suot para maipakita na anak siya ng mayamang pamilya. “No thanks.” Agad na pagtanggi ni Giselle. Napasinghal na lang siya sa kaniyang sarili. Hindi pa siya ganoon kamangmang para abandonahin ang buhay marangya para maghirap sa kaawa awang lugar na ito. Napabuntong hininga naman sa kaniyang narinig si Catherine. “Sige kung ganoon. Gawin mo ang gusto mo. Malaya kang puntahan ang tunay mong ama kailan mo man gustuhin.” Agad na nagdilim ang mukha ni Giselle nang mabanggit ni Catherine ang tunay niyang ama. Inimbestigahan ng mga Everett ang kaniyang background nang malaman nito na kasalukuyang nakakulong ng panghabangbuhay ang tunay na ama ni Giselle na si Lucius Killian nang dahil sa murder. “Isa lang ang aking ama—at ito ay si James Everett,” Naninindigang sinabi ni Giselle bago niya hatakin palayo si Lilith. Nanatili namang tahimik si Hera sa kaniyang puwesto. Habang determinadong naglalakad palayo si Giselle, napabuntong hininga naman ang umiiling na si Catherine. Dito na siya humarap kay Hera para sabihing, “Oras na para umalis ka, Hera.” Naghum naman si Hera bilang sagot kay Catherine. Yumuko siya para yakapin si Catherine at bumulong ng, “Bibisitahin ko si papa at gagawin ko ang lahat para mapatunayan na inosente siya.” Hindi na niya binigyan pa si Catherine ng pagkakataon na mabago ang kaniyang isip kaya agad na kinuha ni Hera ang kaniyang bag bago siya magpunta sa pinto. Isang sasakyan na lang ang naiwan sa bakuran. Nakatayo ang driver nito sa pinto para hintayin si Hera. Nang buksan nito ang pinto, napansin niya ang isang tao na nakaupo sa back seat ng sasakyan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.