Ginawang kolateral ni James ang mansyon sa bangko para makapagloan sa pinaplano niyang banquet bago siya magimbita ng isang grupo ng mga reporter para maipakita ang husay ng pamilya Everett na siyang magpapaunlad sa kanilang mga negosyo. Pero nasira ang lahat nang dahil dito!
Walang pakialam ang mga reporter kung ikagaganda o ikasisira ito ng pamilya Everett. Direkta nilang itinutok ang kanilang mga camera sa mga test paper habang natutuwa nila itong kinukunan ng litrato.
Dito na nagsalita ang isa sa mga reporter. “Haha! Inakala ko na hindi ganoon kaunique ang balita ngayong araw pero mukhang makakagawa na ako ng mas interesanteng article mamaya.”
Nagsabi naman ang isa sa mga ito ng, “Nagawang magpanggap ng isang mahirap na estudyante bilang academic prodigy gamit ang mga test paper ng estudyanteng nangunguna sa academy. Siguradong bebenta ang balitang ito sa Headline.”
Dumagdag naman dito ang isa pa sa mga reporter. “Konektado rito ang isa sa apat na pinakamaimpluwensyang mga pami