Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 19

Bahagyang inilag ni Hera ang kanyiang ulo. Dumikit nang bahagya ang ashtray sa kanyiang tainga bago ito tumama nang direkta sa sahig. Natatakot namang tiningnan ng nagaalalang si Lilith si Hera. Nang makita niyang okay lang ito, agad siyang humarap kay James para magmakaawa. “Kumalma ka, James. Pagusapan natin ito. Huwag mong bugbugin si Hera.” “Umalis ka sa daraanan ko! Kailangan ko siyang turuan ng leksyon para ipaalam na ako ang kaniyang ama!” Nang sipain niya palayo si Lilith, hinawakan ni James ang hinanda niyang latigo para ipanghampas sa carpet na nasa harapan ni Hera. “Lumuhod ka sa harapan ko!” Bahagyang napasimangot si Hera nang makita niya ang sinipa ni James palayo na si Lilith na siyang tumama sa kanto ng coffee table. “Dad, kumalma po kayo.” Umabante naman si Giselle para icomfort si James. Dito na siya sincere na humarap kay Hera, “Lumuhod ka na lang Hera para humingi ng tawad kay Dad. Naniniwala ako na mayroon kang dahilan kung bakit hindi ka nakapagexam. Ipaliwanag mo ito kay Dad at nakasisiguro ako na mapapatawad ka niya sa iyong ginawa.” “Sino ang nagsabing hindi ako nagexam?” walang pakialam na tanong ni Hera. Nanlalamig na tumama ang kaniyang paningin kay James bago ito tumama kay Giselle. Nakaramdam ng matinding guilt si Giselle nang maharap niya ang nanlalamig na pressure ni Hera. Pero agad niyang pinaalala sa kaniyang sarili na isang probinsyana lamang si Hera. Kaya ano ang dapat na katakutan niya rito? Siguradong nagpapakitang tao lang ito sa kanilang harapan! “Kung hindi ka lumiban sa iyong exam, bakit mo ako binabaan ng tawag? At bakit nawala ka buong hapon sa school ninyo!” Nang maalala niya ang pagbaba ni Hera ng tawag niya kaninang umaga, galit na itinaas ni James ang kaniyang latigo para ipanghampas ito sa kaniya. Nang sasaluhin na ni Hera ang latigo gamit ang kaniyang kamay, bigla siyang tinulak palayo ni Lilith na siyang sumalo ng latigo para sa kaniya. Nakaramdam si Lilith ng matinding sakit pero hindi ito gumawa ng kahit na kauinting ingay. At sa halip ay nagaalala pa itong nagtanong ng, “Hera, okay ka lang ba?” Tinulungan ni Hera si Lilith na nahirapang tumayo habang naaantig siya sa ginawa nito para sa kaniya. Mula noong mamatay si Daphne, isinara na ni Hera ang kaniyang mundo sa kahit na sino. Maliban kay Catherine, wala ng kahit na sino ang nagprotekta sa kaniya nang ganito. “Pakiusap, James. Huwag mong saktan si Hera. Ako na lang ang saktan mo.” Nagmamakaawang sinabi ni Lilith habang pinoprotektahan niya sa kaniyang likuran si Hera. Hindi inasahan ni James na sasaluhin ni Lilith ang paglatigo niya kay Hera. Isang sandali niya ring pinagsisihan ang kaniyang ginawa. Pero agad siyang mawawalan ng awtoridad bilang tagapamahala ng pamilya kung hindi niya tuturuan ng leksyon ngayong araw si Hera. “Umalis ka kung gusto mong tamaan ka rin ng latigo ko!” galit niyang isinigaw. Hindi inasahan ni Giselle na magiging ganito kaprotective si Lilith kay Hera. Nakaramdam siya ng matinding selos dito. Kahit na hindi ganoon kataas ang estado ni Lilith sa pamilya Everett, isa pa rin siyang babaeng miyembro ng pamilyang ito. Hindi magagawa ni Giselle ang pagiging mabait ng kahit na sinong miyembro ng Everett kay Hera dahil para lang sa kaniya ang kabaitan ng mga ito! “Umabot na sa puntong ito ang nangyari, Hera, kaya huwag ka nang magsinungaling.” Payo ni Giselle habang nagpapakita ito ng mabait na tingin sa kaniyang mga mata. “Kinontak ni Ms. Miller si Dad dahil hindi ka niya makita sa exam hall kanina. Mabilis nang kumalat ang nangyari sa academy forum. Maaapektuhan nito ang reputasyon ng ating pamilya. Mas makabubuti kung ipapaliwanag mo nang tapat ang iyong sitwasyon para malaman ni Dad kung paano niya ito masosolusyunan.” Nagmukhang hinihikayat ni Giselle si Hera pero sa totoo lang ay walang tigil nitong ipinaalala kay James ang balitang kumalat tungkol sa pagliban ni Hera sa exam na naging viral sa forum ng Cavenridge na siyang nagresulta sa pagkondena ng lahat kay Hera at sa mga Everett. Sa sandaling magpatuloy pa ito, malalaman ng kahit na sinong taga Norburgh bukas na tumakas sa entrance exam ang inampong bata ng pamilya Everett na si Hera. Nagaalala si James sa kanilang reputasyon kaya hindi niya magagawang kunsintihin ang sinumang magbibigay ng kahihiyan sa pamilya Everett. “Gusto mo lang talagang bigyan ng kahihiyan ang ating pamilya!” Muling itinaas ni James ang hawak niyang latigo. Gustong protektahan ni Lilith si Hera pero pinigilan siya nito. Hinawakan ni Hera ang latigong papunta sa kaniya gamit ang kaliwa niyang kamay habang sinasabi na, “Natural na mawawala ang mga usap usapan sa sandaling lumabas ang resulta ng mga exam bukas.” “Madali lang para sa iyong sabihin iyan! Bakit ka tumakas sa exam mo kanina?” Nanggigigil na sinabi ni James. “Sumama ka sa akin bukas ng umaga sa Cavenridge para humingi ng tawad sa ginawa mong kahihiyan sa academy.” Hindi makapagsalita si Hera sa mga sinabi ni James. Ilang beses ba niya kailangang sabihin na hindi siya tumakas sa exam? Humarap si James kay Giselle para mahinahong magsabi ng, “Giselle, sabihan mo si Mr. Gaskell na tulungan tayong magrequest sa PR department ng Cavenridge para madelete ang mga post na iyon.” Si Zyler Gaskell ang fiancé ni Giselle. Dahil nagmula sa pamilya Killian ang ina ni Zyler, natural lang na magkaroon ng mataas na estado ang pamilya Gaskell sa Norburgh. Dahil dito, hindi matatanggihan ng PR department ng academy ang request ni Zyler sa kanila. “Okay po, Dad.” Sa kabila ng masunurin nitong itsura, pasimpleng ngumingiti si Giselle sa kaniyang sarili. Hihirap nang husto ang buhay ni Hera sa Norburgh sa sandaling masira ang kaniyang reputasyon. Para iligtas ang reputasyon ng pamilya, siguradong hindi siya susuportahan ng mga Everett kahit na siya pa ang tunay nilang anak. … Kinaumagahan, pinangunahan ni Giselle si James na pumunta sa opisina ng Dean of Students’ Kasalukuyan nang naghihintay doon sina Robert at Melanie. “Dad, ito po si Mr. Larkin, ang Dean of Students. At ito naman po si Ms. Miller ang homeroom teacher ng aming klase sa semester na ito.” Pakilala ni Giselle. “Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. Larkin.” Agad na nakipagkamay si James habang nagpapakita ng mainit na ngiti ang kaniyang mukha. “Hello.” Nakipagkamay naman nang mahigpit sa kaniya si Robert. “Kung ikaw ang ama ni Giselle. Ikaw rin ang guardian ni Hera hindi po ba?” Naintindihan agad ni Jamse ang lahat nang marinig niya iyon. Siguradong inayo na ni Zyler ang lahat. Ginamit niya ang kabila niyang kamay para maglabas ng sobre mula sa kaniyang bulsa na kaniyang nilagay sa kamay ni Robert. “Pagpasensyahan niyo na ang ignorante kong anak anakan sa abalang ginawa niya sa academy. Mapatawad niyo po sana siya sa kaniyang ginawa.” Agad na naintindihan ni Robert ang nangyayari nang tanggapin niya ang sobre. Paminsan minsang nagaalok ang mga magulang ng pera sa mga guro sa pagbabakasakali na papaboran ng mga ito ang kanilang mga anak. Pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap ng suhol sa Cavenridge. Lalo na’t tungkol pa ito sa estudyanteng pinatututukan ni Andrew sa kanila. “Ilegal po ang panunuhol sa amin, Mr. Everett.” Itinulak ni Robert pabalik ang sobre kay James nang may seryosong mukha. Hindi naman inasahan ni James na tatanggi si Robert kaya isang sandali siyang hindi makapagreact dito. Bumagsak ang sobre sa sahig at tumunog ito ng malakas. At kung papakinggan nang maigi ang ingay na ginawa ng sobre. Mapal ang nilalaman nito. Kinuha ng tunog nito ang atensyon ng lahat. Agad na namutla rito ang mukha ni James. Ingat na ingat siya sa kaniyang dignidad kaya para siyang sinampal noong mga sandaling iyon. Napatingin na lang siya kay Giselle gamit ang galit niyang mga mata. Hindi ba’t inayos na ni Zyler ang lahat? Nakaramdam naman ng takot si Giselle. Bakit nagiba ang mga nangyayari kaysa sa kaniyang inaasahan? “Napakasigla ng mga tao rito!” Kasabay nito ang kalmadong paglalakad ni Hera papasok ng opisina.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.