Kabanata 9
“Hayley! Narinig ko na hiniwalayan mo na rin sawakas ang walang kuwentang si Wyatt! Magandang balita ito sa pagbabalik ko!” isang babaeng maganda ang pananamit ang tumawa.
Siya si Lucy Mills, ang pinsan ni Hayley at assistant manager ng Hayley Pharmaceuticals.
Simula ng sumikat si Hayley, inasikaso ni Maya para tulungan ni Lucy si Hayley sa kumpanya.
“Lucy, sa totoo lang…” gusto sana magsabi ni Hayley kay Lucy pero naisip niya na hindi na lang. Alam niya na makakarating ito kay Maya sa susunod na araw.
Tinapik ni Lucy ang balikat ni Hayley at sinabi, “Hayley, magtiwala ka sa akin. Lagi kong sinasabi sa iyo na makipaghiwalay ka na. Ang walang kuwentang iyon ang pumipigil sa iyo. Ngayon at wala na siya, mas malayo lalo ang mararating mo.”
Ngumiti sawakas si Hayley. Natuwa siya sa mga narinig niya.
Ang gusto lang ngayon ni Hayley ay ipakita kay Wyatt kung gaano siya magiging katagumpay sa hinaharap.
“Oo nga pala, kumsuta ang lakad mo sa Lockfield?” tanong ni Hayley.
“Mabuti.” Natawa si Lucy.
“Ang lahat ng mga pharmaceutical company representatives ay gusto tayo makausap sa oras na marinig ang pangalan na Hayley Pharmaceuticals. Kahit ang Regen Pharmaceuticals, na mababa dati ang tingin sa atin, ay binago na ang aroganten ilang ugali.”
“May kasabihan minsan na ang hindi maabot noon ay hindi na kayo maabot ngayon. Perpekto ito sa Hayley Pharmaceuticals. Siyempre, ang pinakainaasahan ng lahat ay ang makatrabaho ang Moore company.”
“Ang kumpanya natin ay nasa shortlist na para sa kontrata. Lalabas ang resulta mamaya. Kung makakatrabaho natin ang malaking kumpanya tulad ng Toledo Corporation, ang lahat ng mga business sa Yonada ay atin na!”
“Anong pinaguusapan ninyo?”
Lumapit si William at naglabas ng tatlong imbitasyon. “Nakakuha ako ng mga imbitasyon para sa Golden Banquet sa Tivoli Mansion. May tig isa kayo,” sambit niya habang nakangiti.
“Golden Banquet sa Tivoli Mansion?”
Nagulat si Lucy. “Narinig ko na ang host nito ay ang nakatatandang anak ng pamilya Moore. Inimbitahan niya ang iba’t ibang mga artista. Engrandeng event ito na kahit ang maimpluwensiya ay hindi basta basta makakadalo.
“Mr. Porter, ang galing mo! Nakakuha ka ng tatlong imbitasyon!” puri ni Lucy.
Natawa si William “Madali lang ito makuha. Gusto ko lang matulungan si Hayley.”
“Narinig ko na ang Hayley Pharmaceuticals ay nasa shortlist ng pamilya Moore para sa collaboration. Ang tiyansa natin ay lalong tataas kung mapapansin ng mga senior executives ang presensiya ni Hayley.”
“Halos naiiyak na ako habang naririnig ito.” Sambit ni Lucy, kumikinang ang mga mata niya sa paghanga.
“Hayley, ang galing ni Mr. Porter. Considerate siya, maabilidad, at milyong beses na higit pa sa walang kuwentang si Wyatt. Kung ako sa iyo, pakakasalan ko ng walang alinlangan si Mr. Porter.”
Naakit din si Hayley sa ginawa ni William, ngumiti siya ng matamis at sinabi, “Salamat, William.”
Nakakaakit ang ngiti niya at hidni maalis ni William ang mga mata niya sa aknya. Sabik siya sa pagpapakitang gilas sa kanya.
“Hayley, patuloy ang pag-asenso ng kumpanya. Sa tulong ng tagumpay ng cough medicine, wala tayong kapantay sa market. At sa effort ni Mr. Porter, siguradong mapipili tayo” kumpiyansang sinabi ni Lucy.
“Kumpiyansa din ako!” ngumiti si Hayley. Positibo ang progreso ng lahat. Ang lahat ng mga bagay na negatibo at mga may kinalaman doon tulad ni Wyatt ay dapat iwan.
“Narinig ko na dadalo din doon si Ms. Moore. Baka makita natin siya.”
“Sana talaga makita ko siya.”
Nasabik si Hayley sa pagkakataon. Si Ann ang reyna ng business world at siya ang kanyang inspirasyon.
Hindi nagtagal, dumating sila sa Tivoli Mansion kung saan magaganap ang banquet.
Bumaba ng sasakyan si Hayley, suot ang puti na gown. Matangkad siya at payat, mukha siyang elegante at magandang babae.
“Wow, nakakatulala siya!”
“Iyon si Hayley Lawson! Siya ang rising star ng business world at presidente ng Hayley Pharmaceuticals. Maganda na matalino pa! Halos isang bilyon na ang networth niya!”
“May kumakalat na balita na ang Starlight Pharmaceuticals na under ng Toledo Corporation ay makikipagcollaborate sa Hayley Pharmaceuticals. Hindi na mapipigilan ang tagumpay ni Hayley sa partnership na magaganap!”
…
Lalo naging kumpiyansa si Hayley dahil sa paghanga sa kanya at mga papuri. Taas noo siyang naglakad.
Ngunit, walang oras si Hayley para makipagbolahan. Ang focus niya ay napunta sa taong nasa kabilang side ng kalsada.
Ito si Wyatt. Nakatayo siya sa tabi ng magarang sasakyan.
Matapos makita si Wyatt, nakaramdam ng kakaibang emosyon si Hayley. Kahit na nag-aalinlangan siya, lumapit pa din siya.
Nakatayo si Wyatt ng kalmado.
Hindi pamilyar si Hayley sa dating niya. Malamig siya at ibang iba sa mahinhin na lalake na dati niyang kilala.
“Wyatt, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Hayley.
Humarap sa kanya si Wyatt, hindi natinag. “Ms. Lawson. Wala kang pakielam kung bakit ako nandito,” kalmado niyang sagot.
Hindi nabagabag si Hayley sa ugali niya. Itinuro niya ang magarang building sa harap nila. “Dadalo ako sa banquet ng pamilya Moore. Nagiging maayos na ang lahat sa Hayley Pharmaceuticals. Kung magiging maayos ang takbo ng banquet, masisiguro namin ang kontrata sa pamilya Moore ngayong gabi.”
“Congrats sa iyo kung ganoon,” natawa si Wyatt.
Nabigla si Hayley sa reaksyon ni Wyatt. Umaasa siya na magiging bitter siya o kaya magmamakaawa pero mukhang wala lang ito kay Wyatt.
“Oh, sino ito?Ang walang kuwentang asawa ni Hayley. Mali pala, ang ibig ko sabihin ay walang kuwentang ex-husband,” sarcastic na sinabi ni Lucy habang palapit kasama si William.
“Sinabi ko na iwan mo na si Hayley, pero mukhang wala kang self-awareness. Ngayon napalayas ka na, at nagpapanic ka na parang nawawalang aso. Dapat alam mo na sa simula pa lang.”
“Alin sa mga mata mo ang nakakita na nagpapanic ako?”
“Ang tigas ng ulo mo. Paano makakapasok ang walang kuwentang tulad mo sa prestihiyosong Tivoli Mansion?”
“Anong ginagawa mo ulit dito?” walang pakielam na tanong ni Wyatt.
“Naparito kami para dumalo sa Golden Bqnuet na ihahayag ng pamilya Moore.” Pagyayabang ni Lucy, ipinapakita ang imbitasyon niya. “Tignan mo ng mabuti. Isa itong eksklusibong imbitasyon mula sa pamilya Moore, reserved para lang sa mga elite ng Yonada!”
“Pribilehiyo na makita mo ito. Walang kuwenta ka!”
“Hayley, ipakita mo sa kanya ang imbitasyon o. Ipakita mo sa taong ito para lumawak ang mundo niya!”
Inilabas ni Hayley ang kanyang imbitasyon at iwinagayway sa harap ni Wyatt. “Wyatt, hindi ka makakapasok ng walang imbitasyon. Kung gusto mo pumasok, puwede kita isama.”
“Hindi na kailangan.”
Sa oras na ito, bumaba si Ann mula sa magarang sasakyan.
Ang makapangyarihan niyang presensiya ay nagpahanga sa lahat.
Kahit si Hayley humanga din.
“May imbitasyon din kami.”
Naglabas ng isang bulto ng imbitasyon mula sa sasakyan si Ann at ibinigay kay Wyatt. “Kunin mo itong lahat.”
“Sapat na ang isa.”
Naglabas ng isa si Wyatt at itinapon ang iba sa kalapit na basurahan.