Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Tumawa ng malakas si Ann ng maalala niya ang eksena ngayon lang. Napaluhod si Hugh at desperadong nagmakaawa kay Wyatt. Mukhang hiyang-hiya siya. Si Weston, na tito ni Ann na mukhang kalaban niya ay naging malagim ang ekspresyon. Inimbitahan nga naman ni Weston si Hugh habang si Wyatt naman ay inimbitahan ni Ann, at makikita ang kilos nila sa integridad ng kumuha sa kanila. Malinaw na nasira ang ego ni Weston dahil kay Ann. “Hoy, bakit mo iniligtas ang matanda? Hindi naman niya nakita ng maayos ang sakit nila, pero umaarte siya na alam niya ang lahat. Wala naman problema kung hahayaan mo siyang mamatay.” Siniko ni Ann si Wyatt. “Holistic healer lang siya. Normal lang na hindi niya alam na mga parasite iyon,” kalmadong sagot ni Wyatt. “Pero holistic healer ka lang din. Paano mo nalaman?” napapaisip na tanong ni Ann. Natawa si Wyatt. “Huwag mo ako ikumpara sa iba. Hindi iyon patas!” “Ikaw—” Tinignan ni Ann si Wyatt na paalis. Kahit na hindi niya ito sinabi mismo, batid niya ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya. “Aroganteng lalake!” Bumilis ang tibok ng puso ni Ann. Naisip niya na arogante din siya, pero ang ugali ni Wyatt as mas arogante pa. Bukod pa doon, mukhang may abilidad siya para patunayan ang kanyang sarili. “Anong klaseng tao siya?” bulong ni Ann sa sarili niya habang napapaisip tungkol kay Wyatt. Matapos lisanin ang ospital, tinawagan ni Wyatt si Thomas para ipaalala sa kanya na ipadala ang crimson mushroom mamayan gabi. Hindi nagtagal, tumawag si Hayley. Nag-alinlangan si Wyatt bago sinagot ang tawag. “Wyatt, sinaktan mo ba ang nanay ko at si Matt? Tanong ni Hayley noong nasagot ang tawag. Sumagot si Wyatt, “Oo.” “Wyatt, paano mo ito nagawa? Naiintindihan ko na hindi naman laging mabait sina nanay at Matt sa iyo. “Tatlong taon tayong nagsama. Kakahiwalay lang natin, at ngayon sinasaktan mo na sila. Napapakuwestiyon ako sa pagkatao mo.” Naging galit si Hayley habang nagsasalita. “Gumaganti ka ba dahil hinamak ka nila noong pinipirmahan mo ang divorce papers?” “So, ganoon pala ang tingin mo sa akin.” Natawa ng mapait si Wyatt. “Kung ganoon, wala na akong ibang dapat sabihin sa iyo. Paalam!” “Sandali, Wyatt.” Nanatiling tahimik si Hayley ng ilang segundo, pagkatapos, sinabi niya, “Pasensya na, naging marahas ako. Gusto ko lang malaman kung bakit mo sinaktan ang nanay ko at si Matt.” “Gusto nila sunugin ang damit ng anak ko. Kaya, tinuruan ko sila ng leksyon. May problema ba?” kalmadong sagot ni Wyatt. “Iyon pala ang dahilan…” Naintindihan na ni Hayley ngayon. Alam niya kung gaano kaimportante para kay Matt ang mga damit. Tinahi niya ang mga damit para sa anak nila. Simbolo ito ng pagmamahal niya sa magiging anak nila sana. “Wyatt, pasensiya na. Sumobra si nanay at Matt ngayon.” Matapos humingi ng tawad si Hayley, hinintay niya ang sagot ni Wyatt, pero wala siyang narinig. Bumuntong hininga siya, “Wyatt, ganito na ba tayo? Umaasa pa naman ako na magiging magkaibigan pa tayo matapos ang hiwalayan. “Hindi ko alam, pero kakaiba ang pakiramdam ng hindi ka makita sa opisina. Parang wala akong sense of security…” Natawa ng malamig si Wyatt sa mga salitan iya. Naniniwala si Wyatt na hindi lang sense of security ang wala. Higit pa doon ang bagay na hindi pa niya napapagtanto. Malinaw na wala siyang alam sa mga problemang lihim na pinigilan ni Wyatt ng wala siyang nalalaman. Kung wala siya, hindi matatamasa ni Hayley ang tagumpay niya ngayon. Natawa ng mapaiti si Wyatt. “Hayley, alam mo ba kung gaano ka-childish ng sinasabi mo? Imagine mo, kung ako ay nakarating sa proudest moment ko, at makasarili kong itinapon ang asawa ko. Kaysa hatian siya ng saya na nararamdaman ko, Ako ay—” Galit na sinabi ni Wyatt. “Sinira ko ang lahat ng mga pangarap niya! Alam mo kung gaano kahalaga ang anak ko sa akin. Ikaw… mas malala ka pa sa halimaw! Paano mo nagawang maging walang puso?” “Buong buhay mo na bibitbitin ang ginawa mo. Mumultuhin ka ng multo ng anak natin na parang bangungot. “Hayley, dapat kang mapunta sa impyerno!” sigaw ni Wyatt, galit na galit siya. Nanginig si Hayley habang hawak ang phone. Namutla siya ng husto. Nadurog ng husto ang puso niya sa masasakit na mga salita ni Wyat. “Pasensiya na, Wyatt. Patawad…” nasasaktan si Hayley ng umiyak siya. “Papatunayan ko sa iyo. Pagbabayaran ko ang lahat ng nawala sa akin! Ako ang magiging pinakamayamang businesswoman sa Yonada. “Hihigit sa bilyon ang yaman ko, aabot pa ng trillion! Magiging para akong si Ann Moore. Ako ang magiging reyna ng business world! Magiging alamat ako!” sigaw ni Hayley. “Sige, tignan natin kung magiging alamat ka.” Ibinaba ni Wyatt ang phone. Gusto niyang tumawa. Alamat? Halos paguho na ang sitwasyon mo. Tanngap ng lahat ng ang Hayley Pharmaceuticals, gamit ang kanilang best selling product na childrens cough medicine, ay napaka epektibo. Ito ang best-selling sa market kasabay ng mga katulad nito. Naging prominente ang Hayley Pharmaceuticals sa industriya dahil sa produktong ito. Noong kumakaharap ng bankruptcy ang kumpanya, lihim na ibinigay ni Wyatt kay Hayley ang prescription para sa ubo. Ang prescription na iyon ang bumuhay sa kumpanya kaya nito natatamasa ang kasalukuyang tagumpay. Ngunit, ang pinakamahalagang herb nito, ang azure grass ay bihira lang makita. Sobrang hirap palakihin ang halamang ito. Si Wyatt ang gumawa ng malaking enchantment circle sa loob ng medicinal field ng Hayley Pharmaceuticals. Tatlong buwan ang inabot bago niya nagawa ng pinakamagandang environment para sa pagtatanim ng azure grass. Salamat sa mga effort niya, mabilis na lumaki ang mga azure grass sa enchantment circle, at patuloy na nasupplyan ng raw materials ang kanyang kumpanya. Ngunit, dahil hindi pa nababawi ni Wyatt ang lakas niya. Hindi pa kumpleto ang enchantment circle ay kailangan ng buwanang maintenance para manatili ang epekto nito. Kung wala ang monthly maintenance, malalanta ang azure grass. Malalagay sa peligro ang flagship product ng Hayley Pharmaceuticals. Sa totoo lang, hindi na kailangan kumilos ni Wyatt. Babagsak din ng mag-isa ang Hayley Pharmaceuticals. Hinihintay ni Wyatt na mapagtanto ni Hayley ang pagkakamali niya. Gusto niyang lumuhod siya at magsisi para sa anak nila. Hinihintay naa niya ang araw na iyon. Sa oras na ito, lumapit si Ann mula sa likod at sinabi, “Wyatt, magkakaroon ng banquet ang Toledo Corporation sa Tivoli Mansion mamayang gabi. Gusto mo ba na dumalo?” “Hindi ako interesado,” sagot ni Wyatt. Interesado lang siya na makuha ang reptilian grass para mabawi ang lakas niya. “Ang subsidary namin, ang Starlight Pharmaceuticals, ay pipili ng partners at pipirma ng major contracts.” Kuminang ang mga mata ni Ann, malakas ang dating niya at elegante. “Dadalo din doon si Hayley…” idinagdag niya. Tumingin si Wyatt kay Ann na nakangiti. “Saan at kailan ito?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.