Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

“Anong ginagawa mo?” lumapit ang dalawang guwardiya para pigilan si Wyatt. “Huwag kayong kikilos!” tinitigan siya ng masama ni Ann pagkatapos, humarap siya kay Wyatt. “Sigurado ka ba dito?” Tumango si Wyatt bago tumungo sa ikalawang pasyente. Nakarating na siya sa ika-labing isang pasyente ng isang lalake na may puti na balbas ang pumasok ng nagmamadali. “Tumigil ka, hangal! Anong ginagawa mo?” Ang matandang pumasok, ay si Hugh Coulson. Itinulak niya palayo si Wyatt. “Sinusubukan mo ba patayin ang mga taong ito, tanga?” Tinignan siya ni Wyatt. “Ikaw ba si Dr. Coulson?” Kilalang doktor si Hugh. Kahit si Wyatt narinig na ang pangalan niya. “Oo, ako nga.” Itinulak niya muli si Wyatt ng galit. “Nalason ang mga taong ito, at ang lunas na ginamit ko ang Poison-Be-Gone ay aabutin ng dalawang oras para gumana. Ngayon at inalis mo na ang mga karayom, walang ipinagkaiba ang ginawa mo sa pag-alis ng oxygen tube ng pasyente! “Hindi mo lang sinayang ang effort ko, pero siniguro mo na ang kamatayan ng mga taong ito. Anong sinusubukan mo gawin?” Sumimangot si Wyatt. “Mali ang ginagawa mo, Dr. Coulson.” “Ano? Ang lakas ng loob mo na pagdudahan ako?” galit na sambit ni Hugh. Itinuro niya si Wyatt, “Nagliligtas na ako ng mga tao simula ng maging doktor ako. Ikaw—” “Hindi ko pinagdududahan ang mga nakamit mo. Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi nalason ang mga taong ito. Sila ay—” “Kalokohan!” sigaw ni Hugh. “Dalhin siya sa mga pulis! Sinusubukan niyang patayin ang mga tao dito!” Gusto lumapit ng dalawang bodyguard pero pinigilan sila ng mga tao ni Ann. Sinabi niya, “Si Wyatt ang doktor na dinala ko para tignan ang mga empleyado, Dr. Coulson.” “Ms. Moore!” dito lang napansin ni Hugh si Ann. Nagsalubong ang mga kilay niya at sinabi, “Makinig ka sa akin, kailangan siyang ipaaresto agad. Kung hindi, mamamatay ang mga tao dito!” “Ano…” naisip ni Ann ang sinabi sa kanya ni Thomas. Kahit na pakiramdam niya padalos-dalos si Wyatt, sinabi pa din niya na, “Magtiwala ka sa kanya.” “Ikaw—” nagalit muli si Hugh. “Anong nangyayari dtio?” isang middle-aged na lalake ang pumasok sa ward. Malakas ang dating niya nagmumula lamang sa mga taong makapangyarihan ang posisyon. Siya ang tito ni Ann, si Weston Moore, ang isa sa mga miyembro ng pamilya Moore. Noong nakita siya ni Hugh, tila ba nakakita siya ng tagapagligtas. Mabilis siyang lumapit at sinabi ang mga “krimen” ni Wyatt. “Arestuhin siya!” nagalit din si Weston. “Magtiwala ka sa akin, Tito Wes. Magagamot sila ni Wyatt,” sambit ni Ann. Malamig siyang tinignan ni Weston. “Sinasabi mo ba na doktor siya, pumasok na lang dito ng walang sabi-sabi at inalis ang mga karayom? Bukod pa doon, mukhang baguhan lang siya. Anong alam niya sa medisina? “Si Dr. Coulson ay kilalang miracle doctor sa Yonada. Bakit mo pinipili magtiwala sa isang baguhan kaysa sa kanya?” “Isipin mo ang mga buhay na mamamatay kapag nagkamali ka dito, Ann. Kapag dumating ang tamang panahon, malalagay sa peligro ang estado mo sa pamilya, lalo na ang matawag pa ang sarili mo na namumuno sa business natin sa Yonada! Timbangin mo mismo ang maaaring epekto nito!” Nanginig si Ann pero pinilit pa din niyang sumagot ng galit. “Magtitiwala ako sa Wyatt, Tito Wes!” Hindi na hinintay ni Wyatt na magsalita si Weston. Sinabi niya, “May dalawa pang pasyente na may karayom na hindi pa naaalis. Hindi magtatagal at malalaman natin kung sino ang mali at tama.” Tumabi siya at inihanda ang lifeforce niya, naghahanda para sa panggagamot na mangyayari. Kahit na inalis na niya ang Dragon Seal, hindi mababago ang bagay na nawala ang cultivation niya. Kahit gaano kahirap niyang gawin, ang magagamit lang niya ay kaunting life force. Pero, sapat na ito para gamutin ang mga pasyente. Sa oras na iyon, may naging problema. Ang mga pasyente na may karayom pa ay nagsimulang manginig sa sakit. Ang itim na enerhiyang pumupulso sa dibdib nila ay nagsimulang kumilos papunta sa ibang parte ng katawan nila. Lumakas ang tunog ng mga gamit na nagbabantay sa mga vitals nila. “Anong…” nagbago ang ekspresyon ni Hugh at Weston. Bulag sila kung hindi pa nila nakikita ang mga senyales na lumalala ang kundisyon ng mga pasyente. Sa kabilang banda, ang mga pasyenteng inalisan ni Wyatt ng karayom ay mukhang stable ang kundisyon. Hindi natuwa si Weston. “Anong nangyayari, Dr. Coulson?” “Ito… hindi ito dapat nangyari. Nalason sila, at ginamit ko ang pinakamagandang lunas para alisin ang lason. Paano ito lumala? Dapat gumaling sila.” Hindi maintindihan ni Hugh ang sitwasyon. “Bakit hindi pa ninyo inaalis ang mga karayom?” bigla iminulat ni Wyatt ang mga mata niya. Mabilis na lumapit si Ann at inalis ang mga karayom sa natitirang dalawang pasyente. Hindi nagtagal, kumalma sila. Ang itim na enerhiyang kumakalat at unti-unting bumalik at naipon sa dibdib nila. Pinatunayan nito na tama si Wyatt. Namula sa kahihiyan ang mukha ni Hugh. Noong tumayo si Wyatt, sinabi niya, “Pakiusap umalis kayo. Magsisimula na ako sa panggagamot sa kanila.” Suminghal si Weston at tinignan ng malamig si Hugh. Matapos umalis ang lahat, isinarado ni Ann ang pinto at mga kurtina. Nagtanong siya, “Anong problema sa kanila, Wyatt?” “Maghanda ka ng garapon para sa akin. Makikita mo din ang nangyayari sa kanila.” Kumuha ng silver na karayom si Wyatt at nilapitan ang unang pasyente. Ginamit niya ang lifeforce niya at naglagay ng mga karayom sa pasyente. 37 na karayom ang nilagay mula sa CV17 hanggang sa GV 24. Pagkatapos, may kakaibang eksena na nangyari. Ang itim na enerhiyang naipon sa dibdib ng mga pasyente ay nalipat sa mga karayom na inilagay ni Wyatt. Tumigil ito ng dumating na sa philtrum. “Labas,” sigaw ni Wyatt. Noong pinitik niya ang kanyang daliri at nagpasok ng karayom sa ilong ng pasyente, itim na linta ang lumabas mula sa ilong. Two inches ang haba nito at mabuhok. May kakaibang pattern sa likod nito, base sa pakiramdam na dating nito, masama itong nilalang. Nakakadiri ito, at lumabas sa ilong ng pasyente. Pakiramdam ni Ann masusuka siya. Binuksan ni Wyatt ang garapon at inilagay sa loob ang linta. Pagkatapos, inulit niya ito sa natitirang labing dalawang mga pasyente. Napalabas ang mga linta sa katawan ng mga pasyente bago inilagay sa garapon. Isinara ng mahigpit ni Wyatt ang garapon. “Ano ang mga bagay na ito?” natanga si Ann. “Makamandag na mga linta.” Sumimangot si Wyatt. “At may dala silang heart-devouring venom, na isa sa pinakamatinding klase. Ang mga linta ay tutungo sa dibdib at unti-unting kakainin ang puso ng biktima, hanggang sa maubos ito at mamatay na lang sila. “Nakakatakot naman!” kinilabutan si Ann. “Pero bakit may makamandag na mga linta sa katawan ng mga empleyado?” “Hindi sila nagmula sa kawalan. Marahil may lihim na gumawa nito at naghahanap gulo para sa Toledo Corporation!” sambit ni Wyatt, malalim ang paghinga niya. Naubusan siya ng lakas matapos gamutin ang maraming pasyente ng isang bagsakan. Malagim ang itsura ni Ann. Kinilabutan siya habang iniisip na may mga masasamang mga tao na may kakayahang gawin ang masasamang mga bagay ng palihim. Sinong nakalaban nila para ganito ang maranasan nila? Matapos ang kalahating minuto, itinuro niya nag garapan at sumigaw, “Wyatt, tignan mo!” Tumingin doon si Wyatt. Ang labing tatlong mga linta ay umayos at mababasa ang kakaibang formation ila. Parang hawig sa salitang “Die” ang nakasulat.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.