Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Noong pinulot ni Wyatt ang Emerald Pendant at tumayo ng dahan-dahan, naramdaman ng lahat na may kakaiba sa kanya. Kinilabutan ang mga gangster sa paligid niya. “Atakihin mo siya, Bob! Tignan mo kung anong ginawa niya sa akin!” itinuro ni Matthew ang namamaga niyang mukha. “Sugod!” tinignan ni Bob si Wyatt bago sumenyas. “Subukan ninyo!” sa oras na iyon, isang boses ng babae ang narinig nila. Mabilis na pumasok si Ann sa apartment. May kasama siyang dalawang bodyguards. Mabilis ang tibok ng puso ni Matthew. Nakita niya kung gaano siya kaganda, at ang magagandang mga binti niya ay nakadagdag sa rason kung bakit siya naakit. “Asikasuhin ninyo ito para kay Mr. Coleman.” Sumimangot si Ann sa eksena sa harap niya. Ang isa sa mga bodyguard niya ay lumapit at inasikaso ang mga gangster. Kahit si Bob nasampal bago umalis. Bilang isang tao na ang trabaho ay protektahan ang tagapagmana ng pamilya Moore, maabilidad ang bodyguard niya. Sumingkit ang mga mata ni Wyatt. Hindi ko inaasahan na tutulong si Ann para asikasuhin ang sitwasyon. Gayunpaman, nabasag na ang Snake Pendant at naalis na ang Dragon Seal. Wala ng magpapabago sa bagay na nagbalik na ang Almighty Drakon. Tinignan ni Ann si Maya at Matthew. “Wyatt, ang dalawang ito ay…” Bago pa makapagsalita si Wyatt, sumigaw ng matinis si Maya, “Naiintindihan ko na! Kaya pala ang bilis mo sumangayon sa hiwalayan, Wyatt. Nagkataon na may babae ka na! Itong pokpok—” Sinampal siya ni Ann bago siya nakapagpatuloy. Paano niya magagawang tumayo lang habang may umiinsulto sa kanya? Malinaw na makikita ang bakat sa mukha ni Maya. Sumigaw ng malakas si Maya. “Ang lakas ng loob mo na saktan ako? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang nanay ni Hayley Lawson! Patay ka sa akin! Patayin mo sila, Matt! Ipaghiganti mo ako!” “Ang lakas ng loob mo saktan ang nanay ko, ikaw na babae ka? Ikaw ang may gusto nito!” Sinugod ni Matthew is Ann. Puro dugo pa din ang mukha niya. Pero bago pa siya makalapit kay Ann, ang isa sa mga bodyguard niya ay sinipa siya palayo. Bumagsak siya sa pinto. Matibay ang pinto kaya nayupi ito. Habang nasa sahig siya, humiyaw siya sa sakit. Marahil nabali ang braso niya. “Mga halimaw kayo!” itinuro ni Maya si Ann at pagkatapos si Wyatt. Sumigaw siya at sinabi, “Ang anak ko ay si Hayley Lawson. Hindi ko kayo palalampasin, lalo na at ginawa ninyo ito sa anak ko!” “Sampalin siya hanggang sa matuto siya.” Masama na nga ang mood ni Ann sa simula pa lang. Paano niya hahayaang sigawan siya ni Maya ng ganoon na lang? Lumapit ang mga bodyguard at susundin na dapat ang utos ni Maya na parang mga robot. Wala silang pakielam mapalalake o babae ang target nila. “Kalimutan mo na. Palampasin mo na sila,” biglaang sinabi ni Wyatt. Sumenyas si Ann. “Maghintay lang kayo!” kahit na talo siya, nananakot pa din si Maya. Tinulungan niya si Matthew na tumayo at kinuha ang calligraphy artwork bago umalis. “Iwan mo ang artwork,” malamig na sinabi ni Wyatt. “Ano? Hindi pa sapat na gulpihin mo si Matt? Ang lakas ng loob mo na kunin ang pagmamayari ng pamilya ko?” nagbago ang ekspresyon ni Maya. Suminghal si Wyatt. Siya ang gumawa ng artwork. Kailan ito naging pagmamayari ng pamilya Lawson? Hindi mali na sabihin iyon noon, pero hiwalay na sila ngayon ni Hayley. Kahit na maganda siya, desididong tao si Ann. Kung hindi, hindi niya kakayanin ang pagmanage sa kumpanya tulad ng Toledo Corporation. Isang tingin lang mula sa kanya, lumapit ang bodyguard at kinuha ang artwork mula sa kamay ni Maya. “Ganito pala gusto mo, huh? Sige. Maghintay ka lang. Nangangako akong maghihiganti ako para dito!” galit na sinabi ni Maya. “Sampalin siya!” noong sinabi ito ni Ann, mabilis na umalis si Maya kasama si Mattew. Isang sulyap lang sa calligraphy artwork, at nagbago bigla ang ekspresyon ni Ann. Gulat niyang sinabi,”Hindi ba’t gawa ito ni Mr. Joseph Cowan? Tunay ba ito? Hindi ako makapaniwala na nasa babaeng iyon ang tunay na gawa niya!” “Akin iyan.” Iniabot ni Wyatt ang kamay niya. “Hindi!” inilapit ni Ann ang artwork sa dibdib niya. Malakas siya at mapagmataas kanina. Ngayon mahinhin na siya. Ang maganda niyang mga mata ay tila nagmamakaawa kung saan ang kahit sinong lalake ay susunod sa kagustuhan niya. Mula sa paningin niya, ang alam niya ay mayroon lamang isang artwork si Thomas mula kay Joseph. Inilagay niya ito sa study room niya na tila mahalaga itong kayamanan, pero hindi mabait ang nakasulat doon. Sinulat ni Joseph, “Hayop na matanda.” Kahit na ganoon, pinahahalagahan ito ng sobra ni Thomas. Kumpara sa artwork na mayroon siya, ang “Rippling Spring” ay mas maganda at elegante. Sinabi ni Ann, “Bibilhin ko ito mula sa iyo. Sabihin mo kung magkano.” Hinahatak pa niya ang kamay ni Wyatt habang kinukumbinsi siya, “Sige. Sa iyo na.” Walang masabi si Wyatt. Ibibigay niya na lang ang artwork para kay kapakanan ni Thomas. Natuwa si Ann. Mabilis niyang ibinulsa ang artwork, itinabi ito malapit sa puso niya. “Hindi ba’t pumunta ka dito kasi kailangan ninyo ang tulong ko?” tanong ni Wyatt. “Oo nga pala. Kahapon, ilang mga empleyado ng Toledo Corporation ay nagdusa ng matinding sakit ng tiyan matapos kumain sa cafeteria, at hindi pa sila gumagaling hanggang ngayon. “Hindi alam ng mga doktor kung anong problema sa kanila na tila ba may kakaiba silang sakit na nakuha. Ang mga empleyadong iyon ngayon ay walang mga malay at mukhang mamamatay na din sila… “May mahigit sa isang dosenang mga buhay ang kailangan iligtas. Kapag namatay silang lahat, malaking krisis ang kakaharapin ng Toledo Corporation.” Ikinunsidera ni Wyatt ang sitwasyon. “Dalhin ninyo ako sa kanila.” Maliban sa abilidad niya sa martial arts, doktor din si Wyatt. Kahint na nawala ang cultivation niya, medical expert pa din siya. Siya at si Ann ay dumating sa pinakamagaling na ospital sa Yonada, ang Hearthstone Hospital. Ipinatayo ito ng pamilya Moore. Dalawang malaking tao na nakasuot ng itim na suit ang nakabantay sa labas ng ICU ward. Pinigilan ng isa sa kanila is Ann. “Isinama na ni Mr. Moore si Dr. Hugh Coulson, ang pinakamagaling na doktor sa Yonada, para tignan ang mga pasyente, Ms. Moore. Hindi mo na kailangan pumasok doon.” “Nasaan si Dr. Coulson?” tanong ni Ann. “Ginagamot na nila ang mga pasyente gamit ang acupuncture. Kasama niyang umiinom si Mr. Moore sa lounge ngayon.” Tinignan ni Ann si Wyatt. “Gusto mo ba pumasok doon at kumustahin sila?” Tiningan ni Wyatt ang mga pasyente mula sa bintana. Sumimangot siya ng kaunti. “Oo.” “Tumabi kayo!” tinignan ni Ann ang mga bodyguard. “Nagbigay ng utos si Mr. Moore na walang makakapasok dito, Ms. Moore. Huwag mo sana kami pahirapan…” sagot ng bodyguard, nahihirapan magdesisyon. Sinampal siya ni Ann. “Tumigil ka!” Umatras ang parehong bodyguard at yumuko. Noong pumasok si Wyatt sa ward, nakita niyang mahigit sa 13 pasyente ang naroroon. Itim na enerhiya na pumupulso ang nasa dibdib nila, at mukha silang nahihirapan. Inalis ang mga damit nila at may mga karayom sila sa dibdib. “Anong nangyayari dito?” malagim na tanong ni Ann. Sinabi ng isa sa mga bodyguard, “Nalason sila sabi ni Dr. Coulson, kaya nag acupuncture siya para alisin ang lason.Sinabi niya na dapat manatili itong nakatusok ng dalawang oras para masigurong maaalis ang lason. Binalaan din niya kami na huwag hawakan ang karayon—” Bago siya matapos magsalita, nagbago ang ekspresyon niya. Bigla lumapit si Wyatt at inalis ang mga karayom sa dibdib ng pasyente!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.