Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

Isinulat ito ni Wyatt? Hindi makapaniwala si William. Maaari kayang si Wyatt ang kilalang si Joseph Cowan? “Sandali, ganoon ba talaga kalaki ang halaga ng walang kuwentang iyon? Sigurado ka ba na tamang tao ang tinutukoy mo, Mr. Porter?” tanong ni Maya. “Sigurado ako. Ang estilo at dating ay katulad talaga ni Mr. Cowan. Bukod pa doon, may pirma niya ito.” Sambit ni William. Paanong naging si Joseph si Wyatt kung bata pa siya? Tinignan niya si Hayley. “Sigurado ka ba na si Wyatt ang sumulat nito?” Tatango sana si Hayley pero naalala niya kung paano siya dapat lolokohin ni Wyatt gamit ang pekeng kontrata. May tiyansa rin na may ginawa siyang kapareho nito sa calligraphy. “Hindi ako sigurado. Sinabi ni Wyatt na siya ang sumulat, pero anong malay ko kung totoo ba ang sinasabi niya?” “Ganoon na nga. Matagal ng maganda ang sulat ni Wyatt.” Tumayo si Cole. Hindi na kinaya ni Mata na maupo lang. Nagsisi siya bigla dahil pinalayas niya agad si Wyatt. Kung maikukulong lang nila si Wyatt at pilitin siyang sumulat ng kahit na ano, makakabenta sila ng daang libong dolyar kada salita. Ang isang libong mga salita ay aabot ng isang daang milyong dolyar! “Hindi, kailangan ko siyang kaladkarin pabalik.” Kinuha ni Maya ang artwork at tinignan si Matthew. Lumabas siya ng bahay kasama ni Maya. Gusto nilang habulin si Wyatt. Sa kabilang banda, pinatay ni Cole ang sigarilyo niya matapos humithit ng isang beses. Pagkatapos, tumakbo siya sa kuwarto ni Wyatt para maghanap ng mga gawa pa niya. “Huwag kayong tumayo lang dyan! Bilisan ninyo at maghanap ng kahit na ano! Ang isang salita lang na gawa niya ay nagkakahalaga ng milyong dolyar!” pinagpawisan siya ng malamig sa pagkabalisa. Mabilis na kumilos si William matapos siyang marinig. Tinignan nila ni Cole ang mga kuwarto, binabaliktad ang lahat sa paghahanap ng artwork. Samantala, nanatiling nakatayo sa puwesto si Hayley. Hindi siya natutuwa. Kakapalayas lang nila kay Wyatt, pero ngayon, lahat sila nagkukumahog maghanap pa ng mga gawa niyang calligraphy. Nakakatawa ang sitwasyon. … Dumiretso si Wyatt sa dati niyang bahay dala ang mga damit ng anak niya. Kahit na bitter siya dahil hiniwalayan siya ni Hayley, hindi niya kinamumuhian ang babae. Ang kinamumuhian niya ay kinuha ng pamilya Lawson ang buhay ng anak niya! Hindi lang siya anak ni Hayley; anak rin niya! Anong karapatan nila para magdesisyon ng hindi siya kinukunsulta? Tatlong buwan na siyang naroroon. May buhay na siya, may tibok ang puso, may maliit na katawan, at baka nga may sarili ng isip… At ngayon, wala na siya! Matinding galit ang naramdaman ni Wyatt. Ang pamilya Lawson ay walang awang mga mamamatay tao! Kailangan niyang bumawi sa kanila. Gusto niyang mapuno ng pag-sisisi ang buhay nila sa katangahang ginawa nila ngayon! Gusto ipaghiganti ni Wyatt ang anak niya! Sa totoo lang, naisip lang niya maging pangkaraniwang tao sa nakalipas na tatlong taon. Sa kasamaang palad, natagalan bago niya napagtanto na hindi niya mapoprotektahan ang kanyang anak kung mananatili siyang ganito. Kung ganoon, mas mabuti na bumalik siya sa dati. Matapos ang tatlong taon ng pamumuhay ng tahimik, maraming mga tao na ang nakalimot sa Almighty Drakon. Hinawakan ng mahigpit ni Wyatt ang Snake Pendant na nakasabit sa leeg niya. Sa oras na sirain niya ito, makakalaya na siya mula sa Dragon Seal. Pagkatapos, makakabalik na siya sa pagiging Almighty Drakon at mamumuno sa lahat. Pero… hindi siya makapagdesisyon kung gusto niya. Nawala na ang cultivation niya, at ang internal injuries niya ay hindi pa nakakarecover. Kahit na gusto niyang sirain ang Dragon Seal, hindi siya makakapagcultivate. May sapat na lakas si Wyatt para tumalo ng pangkaraniwang tao, pero kung martial expert ang makakatapat niya, siguradong mamamatay siya. Matapos ang mahabang oras ng pag-iisip, bumuntong hininga siya. Niluwagan niya ang hawak sa Snake Pendant. Sa oras na iyon, tumunog bigla ang phone niya. Isa itong tawag mula kay Thomas Moore, ang pinuno ng pamilya Moore ng Jarilo. Siya din ay dating kaibigan ni Wyatt at ang taong nagbigay ng business deal contract sa Toledo Corporation. “Narinig ko na kakahiwalay mo lang, Wyatt. Congratulations! Magpapaputok na sana ako ng mga paputok para magdiwang!” mukhang natutuwa si Thomas. “Hayop kang matanda ka.” Ngumiti ng mapait si Wyatt. Natanggap agad ni Thomas ang balita. “Ang apo ko na si Ann ay nagkataong nasa Yonada ngayon. Gusto ko na makipagkita ka sa kanya mamaya. “Maganda siya, at ang tawag sa kanya ng lahat ay pinakamgandang babae sa Golde City. Siya rin ang reyna ng business world! Five foot—” Hindi siya pinatapos magsalita ni Wyatt. “Dumiretso ka na sa punto mo, Tom. Wala ako sa mood para sa ganito ngayon.” Natawa si Thomas, “Sige. May balita ako para sa iyo. Nakahanap ako ng 500 year old crimson mushroom. Sobrang bihira nito at siguro maibibigay nito ang gusto mo.” Kuminang ang mga mata ni Wyatt. Ang 500 year old mushroom ay sapat na para gamutin ang pinsala niya! “Didiretso ako sa Golde City ngayon.” “Kumalma ka sandali. Malaki ang ginastos ko para dito, at gusto ko ito para sa sarili ko. Paano ko ito ibibigay sa iyo ng ganoon na lang?” naging mayabang ang dating ni Thomas. “Sige, sige. Sabihin mo kung anong gusto mo.” Alam ni Wyatt na hindi siya gagawa ng bagay na hindi pabor sa kanya. Naging mabigat ang tono ni Thomas. “May problemang kinakaharap ang Toledo Corporation sa Yonada. Walang ibang makakaasikaso nito, kaya sa iyo ko lang mahihiling na asikasuhin ito. “Ang maganda kong anak ay hahanapin ka. Ibibigay ko sa iyo ang crimson mushroom kapag naayos mo na ito.” “Deal!” hindi nag-alinlangan si Wyatt. Ang crimson mushroom ay masyadong mahalaga para sa kanya. Gamit ito, magagamot niya ang lahat ng mga pinsala niya ng husto. Sa oras na mangyari iyon, puwede na niyang alisin ang Dragon Seal at simulan muli ang pagcucultivate. Paano niya maipagtatanggol ang anak niya kung wala siyang lakas? Naging desidido ang mga mata ni Wyatt noong ibinaba niya ang kanyang phone. Kahit ang mga yabag niya ay magaan. Noong dumating siya sa entrance ng neighborhood, may isang Rolls-Royce Phantom ang tumigil sa harap niya. Ang pinto ay dahan-dahang bumukas at isang mahaba at payat na binti ang lumitaw palabas.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.