Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

“Hindi… Hindi iyon totoo. Kakabili ko lang ng teddy bear—tignan mo kung gaano ito kacute! Siguradong magugustuhan niya ito.” Tinitigan ni Wyatt si Hayley. “Nandyan pa din siya, tama? Nagsisinungaling ka lang, hindi ba? Hayley—” “Tama na!” ipinikit ni Hayley ang mga mata niya. Tumulo ang luha niya. Malamig at matalim ang mga salita niya na sumaksak sa puso ni Wyatt kung saan nilamig siya. “Hindi ako nagsisinungaling. Wala na ang anak natin. Patawad, Wyatt…” Bumagsak si Wyatt sa sahig habang naghihinagpis. Namula ang mga mata niya habang namimilipit siya sa sakit sa sahig. Bumaon ang mga kuko niya sa palad at tumulo ang dugo mula dito. Nilisan na ng anak niya ang mundong ito at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang itsura niya. Ngumiti ang pamilya Lawson sa pagdurusa niya. Hindi lang sila nakikisimpatya, pero mapanghamak pa sila. “Bakit?” sigaw ni Wyatt na parang mabangis na halimaw. “Sasabihin ko sa iyo kung bakit.” Lumapit si Maya sa kanya at tinignan siya mula sa itaas. “Ito ang rurok ng career ni Hayley. Masisisra ito kapag nabuntis siya ngayon.” “Kaya hindi siya puwede magkaroon ng anak. Hindi namin ito hahayaan na maging balakid sa pagtagumpay niya, tulad mo. At isa pa—ako ang nagsama kay Hayley para magpa-abort.” Ngumiti siya ng masama. Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, mabagal na bumangon si Wyatt. Kumalma na siya, pero ang mga mata niya ay malamig. Lumapit siya at pinirmahan ang divorce agreement ng walang alinlangan. Maganda ang sulat niya. Hindi ito nababagay sa masalimuot na sitwasyon. Pagkatapos, kinuha niya ang teddy bear na tila ito ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Nasaktan si Hayley ng makita kung gaano siya naapektuhan ng sinabi niya. “Puwede kita bayaran para dito, Wyatt. Puwede mo kunin ang kahit na anong gusto mo dito sa bahay. Para naman sa pera…” Naglabas siya ng check. “Kahit magkano. Isulat mo.” Hindi masaya si Maya doon. “Paano mo iyon nasabi, Hayley? Isipin mo kung gaano kamahal ang lahat ng nandito at kung gaano kahirap ang pinagdaanan natin para makuha ang mga ito! Hindi dapat kumuha ng kahit na anong bagay ang talunan na iyan! “Tatlong taon na siyang kumukuha ng pera sa atin. Sobra sobra na ang ginawa natin para sa kanya. Hindi mo siya kailangan bigyan kahit isang kusing!” Sumimangot si Hayley. “Ma, huwag ka magsalita ng ganyan. Si Wyatt—” “Hindi ko kailangan ng mga gamit o pera. Ang gusto ko lang ay mga damit sa aparador.” Pumunta si Wyatt sa kuwarto. May aparador doon na puno ng magagandang mga damit na ginawa niya para sa kanyang anak. Siya ang nagtahi sa lahat ng iyon ng kamay. Inimpake niya ang lahat sa pagbalot sa bedsheet. Inilagay din niya ang teddy bear doon. Pagkatapos, inilagay niya iyon sa kanyang likod, buhat niya mula sa balikat. Tinignan niya ang pendant na ang itsura ay ahas—ang Snake Pendant—na suot ni Hayley. Sinabi niya, “Akin iyan. Ibalik mo sa akin.” Inalis ni Hayley ang pendant ng walang alinlangan at ibinalik kay Wyatt. Pagkatapos, inilabas niya ang kontrata para sa business deal sa Toledo Corporation. “Wedding anniversary dapat natin ngayon, kaya naghanda ako ng regalo para sa iyo. Wala na itong silbi ngayon.” Itinapon niya ang kontrata sa sahig at lumabas ng pinto, malungkot ang itsura. “Tignan mo siya, Ma. Hindi ba siya mukhang aso na natalo sa laban?” nakangiting sinabi ni Matthew. “Mukha nga!” tumawa ng malakas si Maya. Sa oras na iyon, tumigil sa entrance si Wyatt. Tinignan niya silang lahat. Pagkatapos, sinabi niya kay Hayley, “Tandaan mo ang sasabihin ko, pagsisisihan mo ito. Nangangako ako sa buhay ko na ipaghihiganti ko ang anak ko!” Nanginig si Hayley sa loob niya ng makita ang lamig ng mga mata at pagtitig ni Wyatt. “Anong kalokohan ang sinasabi niya? Sinabi niya na pagsisisihan natin ito! Hah, hindi pa ako nakakakita ng kalokohan na katulad ng sinasabi niya. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasaya na ako dahil wala na siya!” tumawa na parang baliw si Maya. Pinulot ni Matthew ang kontrata. “Sandali, hindi ba’t contrata ito para sa business deal kasama ang Toledo Corporation?” Toledo Corporation? Parehong natulala si Hayley at William doon sa nabanggit. Ang Toledo Corporation ang pinakamalaking conglomerate sa Jarilo. Bilyun-bilyong dolyar ang ininvest nito sa mga proyekto sa Yonada. Halos lahat ng kumpanya sa Yonada ay gustong gusto makipagkontrata sa kanila. Ito rin ang dahilan ni Hayley kaya siya nakipaghiwalay—gusto niyang maging handa sa pagkakaroon ng kontrata sa Toledo Corporation. “Peke siguro iyan.” Tinignan ni William ang kontrata at ngumisi. “Mukhang ang walang kuwenta mong asawa ay may abilidad, Hayley. Kaya pa niyang gumawa ng pekeng kontrata.” Sumimangot si Hayley. Ito ang regalong inihanda ni Wyatt? Sa tingin ba niya magiging masaya siya sa pekeng kontrata? Guilty ang pakiramdam niya sa divorce nila pero ngayon mukhang tama pala ang kanyang desisyon. “Well, mas okay na ngayon ang sitwasyon dahil hiwalay na kayo, Hayley. Iisip ako ng paraan para maging miyembro ka ng Jarilo Club.” Itinaas ni William ang gold-rimmed niyang salamin. Jarilo Club! Kuminang ang mga mata ng lahat ng mabanggit iyon. Ang Jarilo club ay pribadong asosasyon. Ang presidente nito ay ang kilalang si Ann Moore. Ang Toledo Corporation ay pagmamayari ng pamilya Moore, at si Ann ang may hawak sa lahat ng company projects sa Yonada. Ang mga miyembro ng Jarilo club ay kung hindi mga mayayaman, mga makapangyarihang tao, at ang mga membership nito ay isang status symbol. Para maging miyembro, kailangan mapunan mo ang mga specific requirements nila, kabilang ang pagiging single na babae. Ito rin ang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Hayley si Wyatt. “Salamat dito, Mr. Porter. Dahil tagapagmana ka ng Porterworks Corporation, siguradong marami kang koneksyon. Gaganda lang lalo ang career ni Hayley sa tulong mo.” Tinignan ng nakangiti ni Cole at Maya si William. “Libong beses kang higit na mas magaling kumpara sa walang kuwentang iyon, Mr. Porter! Kung ikaw ang pinakasalan ni Hayley sa simula pa lang, siguro siya na ang pinakamayamang babae sa Yonada!” inggratang sinabi ni Matthew. “Binobola ninyo ako.” Humble ang mga salita ni William, pero mukhang ineenjoy niya ang papuri. Sa oras na iyon, nakita niya ang magandang calligraphy artwork sa gilid ng kuwarto. Mabilis siyang lumapit at sinabi, “Ang ganda!” “Ano iyon? Pambihira! Naiwan iyon ng lalakeng iyon. Alisin ninyo! Itapon niyo na! Hindi ko gusto masira ang ambiance ng living room dahil dyan!” galit na sinabi ni Matthew. “Ito ang Rippling Spring!” nanlaki ang mga mata ni William. Ang ganda ng Calligraphy. Noong napunta ang mga mata niya sa pangalan ng author, sinabi niya, “Si Mr. Cowan ang gumawa nito!” “Sino iyon?” tanong ni Cole. “Si Mr. Joseph Cowan ay isang calligraphy master na tagong namumuhay sa Yonada,” ipinaliwanag ni William ng makita na walang alam ang pamilya Lawson. “Ang isang piraso ng gawa niya ay halos isang daang libong dolyar ang halaga sa market.” “Ano?” natanga si Maya. Nanigas si Cole habang humihigop ng tsaa. Kahit si Hayley hindi makapaniwala. “Nagbibiro ka siguro, William.” “Hindi ako nagbibiro. Ang ama ko ay vice president ng Yonada Calligraphy Assosciation, at ako rin ay miyembro. Kahit na mamahalin ang mga gawa ni Mr. cowan, walang sapat na supply para matumbasan ang demand. “Ilang araw lang ang nakararaan, isang bigating tao mula sa Shoresea City ay gumastos ng dalawang milyong dolyar para sa isa sa mga gawa ni Mr. Cowan. Dalawang salita lang ang nakasulat doon, kaya ang ibig sabihin nito ay isang milyon ang halaga ng isang salita!” Huminga ng malalim si William sa gulat, “Sandali, bakit nasa inyo ang gawa ni Mr. Cowan? At tunay pa ito.” Matapos ang matagal na katahimikan, tulalang sinabi ni Hayley, “Isinulat ito… ni Wyatt.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.