Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Buhay IslaBuhay Isla
Ayoko: Webfic

Kabanata 5

Lumingon si Ryan sa kanya, nagtatanong, “Wala ka na bang ibang magawa? Hindi ba’t nasiyahan ka na sa pagsubok sa’kin kagabi? Anong sinusubukan mong gawin ngayon?” “Ah? Napansin mo pala? Akala ko naitago ko nang mabuti.” Medyo nagulat si Nina. Inis na tinuro ng lalaki ang isang matulis na bato sa buhangin. “Sana man lang pinalitan mo ng mas maliit-liit na bato kung palihim mo akong aatakehin, ano? Mapapatay ako ng ganiyang kalaki na bato ehh. Tsaka ang higpit ng hawak mo kagabi, na nagpasakit ng ulo ko. “Kahit hindi naman mababa ang self-esteem ko, kilala ko ang sarili ko. Kapag nilapitan ako ng babae, malamang na meron siyang ibang motibo.” Lumapit ang babae, ipinatong ang kamay sa balikat nito, at sinabing, “Pogi, huwag mong masyadong maliitin ang sarili mo. Okay ka naman ehh. “Ngayong ikaw lang ang lalaki dito. Magiging masarap ang buhay mo sa hinaharap. Wala na akong planong atakehin ka. Tara, silipin natin ang soon-to-be ex-wife mo.” Tumayo siya, hinila nang husto ang mga braso nito para patayuin ito, at naglakad pasulong. Inakala ni Ryan ay isip-bata at walang kwenta ang kanilang inaasal. Sa kasalukuyang sitwasyon, mas mahalaga para sa kanila na makahanap ng pagkain at tubig at magtayo ng mga pansamantalang tirahan. Hindi niya kinaya ang simoy ng dagat kagabi. Kung matulog siya sa tabi ng apoy habang mahigpit ulit na hinahawakan ni Nina, hindi siya makakatulog. Pero sa hindi malamang dahilan, nang maisip niya ang sakit at pagkairita ni Yasmine, hindi niya maiwasang matuwa. Marahil ito ay ang kanyang aktwal na kalikasan–tao rin siya. Pinagtaksilan siya ng babae, kaya normal lang sa kanya ang makaramdam ng galit at gustong maghiganti dito. Matapos ang mahabang paglalakad ay nakarating na rin sila sa dalampasigan kung saan naroon si Yasmine at ang iba pang mga babae. Bago lumapit si Ryan, nakita niya ang mga ito na nakahandusay sa dalampasigan mula sa malayo. “Tulad ng inaasahan, mga babae talaga, kahit kailan. Kahit nasa harap na nila ang dagat at mga puno ng niyog ang nasa likod nila, magugutom pa rin sila. “Pero iba naman kung susunod sila sa’yo. Kumain ako kagabi ng kalahating isda at ilang kabibe, nakainom pa ako ng buko juice kinaumagahan. Kaya, baka ordinaryo lang ka sa Cascadia noon. Pero sa islang ito, magiging sikat ka.” Kumpiyansa na ngumiti si Nina, saka inabot at hinawakan ang braso ng lalaki. Bilang modelo, matangkad siya. Kahit na 5’8” talampakan ang lalaki, halos kasing tangkad niya lang ito. Ang kanyang balingkinitang mga binti ay partikular na kapansin-pansin. Marahan na hinawakan ni Nina ang braso ni Ryan, buong kumpiyansa na naglakad papunta doon. Si Sherry ang unang nakakita sa kanila. Tumayo siya, kumunot ang noo, at malungkot na nagtanong, “Nina, bakit mo siya kasama?” Matapos marinig ang kanyang mga sinabi, ang iba ay tumayo. Napatingin si Yasmine kay Nina na nakahawak sa braso ni Ryan na may nakakaakit na ngiti. Naging malungkot din siya at nagalit. “Bakit ko siya kasama? Hindi pa ba obvious?” Matamis na ipinatong ni Nina ang ulo sa balikat ni Ryan. Isang dalaga ang tumingin sa kanya nang may pagkadismaya. “Bale, nawala ka buong gabi kagabi para lang makisama sa bayolenteng lalaking ito? Alam mo bang nag-alala kami sa’yo at matagal ka naming hinanap? Akala namin may nangyari na sa’yo!” Itong dalagang ito ang umiyak kagabi at nagpatameme kay Ryan. Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang Eloise Zimmer, isang kolehiyala na nag-aaral ng vocal music. “Ryan, sa tingin mo magseselos ako? Nagkakamali ka. Noon pa man ay mababa ang tingin ko sa’yo. Ganun pa rin ang iniisip ko ngayon. Iisipin ko lang na asal bata ka at walang kwenta sa kinilos mo.” Malamig na tinignan ni Yasmine si Ryan na may kasamang dismaya. “Mali ang hula mo. Ako ang pumilit sa kanya na pumunta dito. Ikaw ang soon-to-be ex-wife niya, tama? Sa totoo lang, bulag ka siguro para iwan siya. Sobrang pinasaya niya ako kagabi. “Ngayon lang ako nakakakilala ng ganitong klaseng lalaki. Dapat kitang pasalamatan. Kung hindi dahil sa kawalang puso at pagtataksil mo, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makasama siya.” Matamis na yumakap si Nina sa bewang ni Ryan. Nanlamig agad si Yasmine, napatingin kay Nina. “Model ka diba? Hindi ko lang maintindihan. Hindi siya gwapo, walang pera, at walang kwenta. “Anong nakita mo sa kanya? Posible kayang pokpok ka lang at hindi mo mapigilan ang sarili mong makipagtalik sa kahit na sinong lalaki?” Napatingin si Ryan kay Yasmine, kinamumuhian niya ito. Labis niyang pinagsisisihan ang pagpapapakasal sa babaeng ito. Hindi lang hindi nagalit si Nina, lumaki pa ang ngiti niya. Kakila-kilabot ang hitsura niya, habang sinasabi kay Yasmine, “Hindi ko rin maintindihan ‘yang kokote mo. Umaasa pa ba kayong lahat at naghihintay sa rescue team para iligtas tayo? Sumuko na lang kayo. Hindi darating ang rescue team. Baka hindi man lang nila mahanap ang islang ito. “Dahil may kakaibang magnetic field sa parteng ito ng dagat na maaaring magdulot ng malfunction ng radar at mechanical instruments. Kung pinagdududahan ninyo ang mga salita ko, pag-isipan ninyong mabuti kung bakit tumama ang barko sa mga reef at lumubog. “Narinig ko ang usapan ng captain at chief officer. Bago lumubog ang barko, nawalan na sila ng pag-asang mabuhay.” Pagkasabi niya noon ay biglang nagbago ang ekspresyon ni Yasmine at ng iba pang babae. Pinagmasdan ni Ryan ang kanilang mga reaksyon, pagkatapos ay lumingon kay Nina, iniisip niyang malupit ang babae. Agad niyang winasak ang lahat ng kanilang pag-asa sa pagsampal sa kanila ng katotohanan! “Hindi, imposible yun! Nina, nagsisinungaling ka sa amin diba? Nagsisinungaling ka!” Agad na bumagsak si Eloise, na sinisigawan si Nina sa desperasyon. Ang iba ay nagpakita rin ng mga ekspresyon ng takot, pag-aalala, at kaba. “Walang magbabago kahit hindi ninyo paniwalaan. Alam ninyo ba kung bakit ako pumunta kay Ryan at sumama sa kanya? Siya lang ang lalaki sa islang ito. Mabubuhay lang ako sa pagsunod sa kanya. Lahat naman kayo nagugutom, diba? “Kumain ako ng inihaw na isda at kabibe at uminom ng buko juice kasama si Ryan kagabi. Oo, ang ibig kong sabihin ay ang mga buko na tumutubo sa tuktok ng 30 talampakang puno ng niyog sa likod ninyo. “Umakyat ang lalaki ko at pinitas sila. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa kanya makakaligtas tayo sa disyertong isla na ito.” Nang matapos magsalita si Nina ay hinawakan niya ang braso ni Ryan at buong pagmamalaki na naghanda para umalis. Agad namang nabalisa si Yasmine na mabilis na sumigaw, “Ryan, hindi pa tayo hiwalay! Legal na asawa mo pa rin ako! Gusto ko ring kumain ng inihaw na isda.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.