Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2 Eastbay

Pagkatapos ng pagtitipon, hinatid ni Emelie ang bawat isa sa mga panauhin nila papunta sa kanilang mga sasakyan bago siya sumandal sa isang poste, nanginig siya habang pinagpapawisan siya ng malamig. Hindi niya matukoy kung ano ang pinagmumulan ng matinding sakit na kumakalat sa kanyang katawan. Nabura na ang kanyang lipstick, dahilan upang makita ang namumutla niyang mga labi. Napansin ng driver ni William ang kondisyon niya. Alam niya ang relasyon nila Emelie at William. Nagmamadali niyang sinabi, "Ms. Hoven, gusto mo bang maunang sumakay sa kotse?” Tumango si Emelie, at umupo siya sa backseat. Pagkaraan ng dalawang minuto, muling bumukas ang pinto ng kotse. Lumapit si William sa kotse kasama ang isang dalaga. Sasakay na sana siya sa kotse ngunit napahinto siya nang makita niya si Emelie na naghihintay sa loob ng kotse. Sumimangot siya, nainis siya na sumasakop ng espasyo si Emelie. Agad na binuksan ng babae ang pinto ng passenger side, at mahinang sinabi na, “Mr. Middleton, sa harap na lang ako uupo." Isinara ng malakas ni William ang pinto ng kotse at sinabing, “Unahin mong ihatid pauwi si Daphne Bowen." Ipinikit ni Emelie ang kanyang mga mata, hinang-hina siya. Hindi maganda ang naging epekto ng pag-inom ng alak, lalo na’t apat na araw pa lang ang lumipas mula nang makunan siya. Nang huminto ang kotse sa isang lumang apartment complex, ginising ni William si Emelie. "Mukhang napakadilim at hindi ligtas ang eskinitang ‘to. Samahan mo si Daphne paakyat.” Malaki at bilugan ang mga mata ni Daphne, kumikislap ang mga ito kahit sa ilalim ng madilim na ilaw ng sasakyan. "Hindi na kailangan, Mr. Middleton. Pagod na pagod si Ms. Hoven, at hindi naman na malayo ang lalakarin ko. Kayang-kaya ko na ang sarili ko.” Bumaba siya mula sa kotse habang nginingitian niya si William sa may back seat ng may ningning sa kanyang mga mata. "Mr. Middleton, pakiusap ihatid mo pauwi si Ms. Hoven. Goodnight.” Tumigil sa pagsimangot si William at tumango siya. "Sige, goodnight.” Hindi nagsalita si Emelie. Subalit, hindi hinatid pauwi ng driver si Emelie. Siya ang confidant ni William, isang tingin lang mula kay William ang kailangan niya para maintindihan kung ano ang gusto ni William. Nagmaneho siya patungo sa Eastbay, kung saan nakatira si William. Magkasama silang pumasok sa bahay. Bago pa mabuksan ni Emelie ang ilaw, idiniin siya ni William sa may pinto, at hinalikan ang kanyang mga labi. Natulala sandali si Emelie, pagkatapos ay agad niyang hinawakan ang mga kamay ni William, at inilihis niya ang ulo niya. “Sandali… Masama ang pakiramdam ko ngayon.” Makikita ang pagkadismaya sa mukha ni William at wala siyang balak na itago ito. "Sige, umuwi ka mag-isa," sabi niya habang naglalakad siya papunta sa dining room. Binuksan ni Emelie ang ilaw at nakita niya si William na kumuha ng bote ng tubig mula sa fridge, at tumingala siya upang uminom. Gumalaw ang kanyang Adam’s apple, kaakit-akit ito, at mature. Si William, ang tagapagmana ng Middleton family ng Capebatt City, ay walang kapantay sa lahat ng aspeto. Dinadala lang niya si Emelie sa Eastbay kapag kailangan niyang punan ang mga pisikal niyang pangangailangan, na napagkasunduan nila dahil “iniligtas” niya siya tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi umalis si Emelie ngunit sa halip ay lumapit siya kay William, at sinabing, "Kung talagang kailangan mo, bakit hindi mo niyaya si Daphne kanina? Interesado ka sa kanya, hindi ba?” Hindi ito itinanggi ni William, hindi mabasa ang kanyang ngiti. "Napansin mo?” Paanong hindi niya ito mapapansin? Tahimik na tanong ni Emelie, "Kailan pa nagsimula… ang arrangement na ‘to? At ano namang papel ang ibinigay mo sa kanya?" Bahagyang naging malumanay ang kanyang boses nang mabanggit si Daphne. "Nakilala ko siya sa Capebatt University ilang araw na ang nakakaraan. Isa siyang art student, masyado siyang inosente. Sa ngayon, magtatrabaho siya bilang sekretarya ko." Hindi napigilang tumawa ni Emelie. Habang nasa ospital siya at nagpapagaling matapos siyang makunan ilang araw pa lang ang nakakalipas, may inuwi na agad na university student si William. Marahan niyang hinipo ang kolyar ng damit ni William gamit ng kanyang daliri, kumikislap ang mga mata niya na mapaglaro. “Nakakatuwa ang mga university student, ano? Napaka-fresh at madaling turuan." “Ayos lang siya." Hinawakan ni William ang baba ni Emelie, dumampi ang hinlalaki niya sa kanyang mga labi. Nagpatuloy siya ng may paos na boses, "Pero hindi lahat ng tao pwedeng hubugin ng gaya mo…”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.