Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3 Pagliligtas sa Isang Tao sa Lansangan

”Boss, napakatalas talaga ng mga mata mo! Ihahanda ko na ang pera para bayaran ang Yarwood family ngayon!” Nanatiling walang emosyon ang mga mata ni Wynter habang sinasabi niya na, "Huwag kang magmadali. Matutulog muna ako at aasikasuhin ko ‘to bukas." Maliban sa pagkita ng pera, pinaka interesado si Wynter sa panggagamot sa iba’t ibang komplikadong mga sakit. Ang mga kasong gaya ng sa Yarwood family ay maganda. Sa katunayan, siya lang ang nag-iisang may kayang humarap ng kalmado sa pagdating ng Yarwood family sa Southdale. Kung titingin sa paligid, ang lahat ng mga prestihiyosong pamilya sa Southdale ay nagmamadali. Maging ang mga pamilya na gaya ng Yates family ay abala sa pagbuo ng mga koneksyon para kang makakuha ng imbitasyon mula sa Yarwood family. Kumalat ang mga bali-balita maging sa mga ordinaryong mga residente, dahilan upang maging buhay na buhay ang buwan na ito para sa Southdale. Una, hinahanap ng pinakamayamang tao sa Kingbourne ang nawawala niyang apo na babae, at ngayon dumating naman ang Yarwood family para sa medical consultations. Sinasabi na ang maalamat na divine doctor, na kilala bilang “Dr. Miracle," ay sumulpot sa Southdale, na dahilan upang bumisita ang Yarwood family. Maraming balita ang kumakalat tungkol sa “Dr. Miracle” na ‘to, ngunit mahirap tukuyin kung ano ang totoo at hindi. Sa pamamagitan ng imbitasyon ng Yarwood family, posibleng magpakita talaga ang “Dr. Miracle" na ito… … Kinabukasan, sa may courtyard, tinanghali pa rin ng gising si Wynter. Gaya ng ibang nagtatrabaho, ayaw niyang umalis sa presko at maliit niyang bahay at malambot na kama sa isang mainit na umaga. Subalit, kailangan niyang kumita ng pera. Pagkatapos niyang maghilamos, umalis siya dala ang isang bag at walang makeup. Kumuha siya ng isang public bike upang makaiwas sa traffic sa kasagsagan ng rush hour sa umaga. “Hello, Wynter. Aalis ka?” “Umm… Oo.” Binati siya ng lahat ng nadaanan niya. Kinuha ni Wynter ang isang hotdog na binigay sa kanya ni Jacob. Nagpatuloy siya pagpedal ng walang pakialam. Hindi nagtagal, nakasabay na siya sa daloy ng traffic. Pagkaraan ng kalahating oras, sa kilalang Caesar Hotel sa Southdale, punong-puno ng mga tao ang lobby at ang mga lugar sa paligid nito. Nagtipon dito ang mga high-end na kotse sa buong Southdale. Kumpara dito, si Wynter, na nagbibisikleta, ay mukhang hindi kapansin-pansin at ordinaryo. Pagdating niya, bago pa man niya maiparada ang bisikleta niya, lumapit ang security guard na si Micah, upang paalisin siya. “Alis. Saan ba nanggaling ang isang mahirap na estudyanteng gaya mo? Hindi kami bukas sa publiko ngayon,” sabi ni Micah. Itinayo ni Wynter ang bisikleta gamit ng isang binti, tumingin siya sa mga mata ni Micah. Kalmado ang tono niya noong sinabi niya na, “Nandito ako para iligtas ang isang tao.” “Ikaw? Nandito para iligtas ang isang tao?” Humalakhak ng malakas si Micah. “Sa totoo lang, bata, hindi ka pa ganun katanda, pero napakagaling mong magyabang.” Nag-isip sandali si Wynter, ipinakita niya ang invitation page sa kanyang phone, at sinabing, “Pakiusap sabihin mo sa mga tao sa loob na dumating si Dr. Miracle upang tanggapin ang imbitasyon.” “Dr. Miracle? Kung ganun, isa rin akong divine doctor!” Galit na tumingin si Micah kay Wynter at sinabing, “Marami na akong nakitang mga imbitasyon, pero wala pa akong nakita na ipinakita ito sa kanilang mga phone na gaya mo…” Pagkatapos nun, itinaboy niya si Wynter at sinabing, “Umalis ka na. Huwag mong harangan ang daan.” Pagkatapos niyang magsalita, masayang binuksan ni Micah ang pinto para sa isang luxury car. Sinabi niya na, “Madam Gibson, Ms. Yates, nandito na kayo. Sasabihan ko agad ang mga tao sa loob at ipaghahanda ko kayo ng tsaa.” Tumango lamang ang mga tao sa loob sa kabila ng bintana, hindi sila sumagot. Samantala, tuwang-tuwa si Micah na para bang nakatanggap siya ng malaking bonus. Habang dumadaan ang kotse, sa kabila ng bintana ng kotse, tila nakilala ni Yvette si Wynter at makikita ang pag-aalinlangan sa kanyang ekspresyon. Nagtanong si Madam Gibson, “Yvette, anong problema?” Tumawa ng mahina si Yvette at sinabing, “Wala.” Sa labas ng kotse, nanatiling walang emosyon ang mga mata ni Wynter. Naglakad siya palayo ng may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya inasahan na ang isang tao na kayang magdesisyon sa buhay at kamatayan ng isang tao gamit lang ang isang karayom ay mamaliitin ng iba ng gaya nito. Sa katunayan, yung mga nakaranas ng pagkawala ng posisyon at impluwensya ay kadalasang nahaharap sa pang-aalipusta pagkatapos. Bahagyang ngumisi si Wynter. Naniniwala si Wynter na ang panggagamot sa isang sakit ay nakasalalay sa kapalaran, at hindi niya gagamutin ang mga taong makasarili. Ngayon, hindi niya pupuntahan ang konsultasyon na ito. Inilabas niya ang kanyang phone, magpapadala sana si Wynter ng mensahe na tumatanggi siya sa imbitasyon. Nang bigla siyang makarinig ng isang sigaw mula sa kabilang panig ng kalsada. “Naku, may nawalan ng malay!” Sa isang iglap, maraming tao ang sumugod papunta sa lugar. “Diyos ko! Isang bata!” “Ang putla ng mukha niya…” Nang marinig ang kaguluhan, hindi na nagdalawang isip si Wynter. Inihinto niya ang bisikleta at mabilis na naglakad patungo sa mga tao. Ang maliit na batang lalaki na nakahiga sa lupa ay nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang. Basang-basa ang noo niya na para bang pinagpawisan siya ng husto. May humablot sa isang taong nakasuot ng puting coat at sinabing, "Iho, doktor ka, tama ba? Iligtas mo ang batang ‘to!" "Hindi, hindi ko magagawa ‘yun, ma'am. Wala ang pamilya niya dito, at hindi ako mangangahas na kumilos." Umiling ang taong nakasuot ng puting coat, makikita ang inis sa kanyang mukha. "Isa pa, hindi ako manggagamot ng kung sinu-sino lang." Nang makita niya ito, nakipagsiksikan si Wynter sa karamihan ng tao. Malinaw ang kanyang boses, at ang kanyang tono ay propesyonal habang sinabi niya na, "Please tumabi kayo. Huwag niyong harangan yung hangin. Kailangan ng pasyente ng hangin para lumamig ang pakiramdam niya." Marahil dahil ito sa kanyang hindi dominanteng presensya, kaya hindi siya kinuwestyon ng mga tao pagkatapos nilang marinig ang mga sinabi niya. Nang umupo si Wynter, inabot ng mga daliri niya ang leeg ng bata. Medyo nataranta ang babae sa malapit, na si Patricia, at nagtanong, "Iha, masyado ka pang bata. Kaya mo ba siyang tulungan?"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.