Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2 Nagtago Siyang Maigi

"Bukas, sa community square, magbibigay ako ng acupuncture treatment para sa lahat,” kalmadong sinabi ni Wynter. “Huwag niyong kalimutan na timplahin ang gamot. Huwag kayong magpuyat sa kakanood ng mga drama. Hindi naman tatakbo yung palabas sa TV.” Sa panahong ito, ang pinakasikat na palabas sa Harmony Community ay isang courtroom drama, at masyadong nahuhumaling dito ang mga matatandang residente ng lugar. Medyo nakonsensya sila dahil sa paalala ni Wynter. Sabi ng matanda, “Matutulog na tayo pagsapit ng alas dyis simula ngayon." Dati, mahirap isipin na makikinig at susunod sa isang tao ang grupo ng matatandang residente na ito. Marami sa kanila ang may mga pambihirang achievement, at maging ang mga pagkakakilanlan nila ay nanatiling kompidensyal. Ang direktor ng komunidad, si Dom Fisher, ay matiyagang naghintay para sa pagbabalik ng henyong doktor. Ngayon, sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag at sinabing, “Dr. Miracle, binantayan ko ang bahay mo. Hindi ko hinayaan na may makalapit dito." “Salamat sa pagbabantay sa bahay ko," magalang na sinabi ni Wynter. Binigyan niya siya ng mga prutas. Masayang tinanggap ni Dom ang mga ito at sinabing, “Hindi mahirap na magtrabaho para sayo, Dr. Miracle. Hindi ka naman na aalis ulit, hindi ba?" Ang mga taong ito ay hindi madaling mapahanga sa isang maliit na direktor ng isang komunidad na gaya niya. “Oo." Kinuha ni Wynter ang mga susi at sinabing, "Hindi na ako aalis.” Masayang sinabi ni Dom, "Magandang balita ‘yan! Dr. Miracle, mag-ayos ka na. Hindi na kita aabalahin sa ngayon. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako.” Tumango si Wynter. Pag-alis ni Dom, ginamit ni Wynter ang mga susi upang buksan ang kandado. Mukhang lumang-luma na ang kandado, at tila walang espesyal dito. Subalit, pagkatapos niyang buksan ang unang kandado, isang LCD keypad ang sumulpot sa harap niya. "Would you like to enable iris recognition?" Sumagot si Wynter, “Oo." "Iris recognition is in progress. Please wait..." "Iris recognition completed." “Welcome home, master," isang maginoong electronic na boses ang nagsalita. Matagal itong hindi nagamit. Kasabay ng isang click, kusang bumukas ang bakal na gate. Agad na naging maliwanag ang loob nito. Sa bookshelf na may taas na dalawang metro, mayroong mga libro tungkol sa medisina ar pati na rin mga iba’t ibang klase ng mga bote at mga garapon na naglalaman ng mga halamang gamot. Maraming mga halamang nakatanim sa mga paso sa sala, karamihan sa mga ito ay mga halamang gamot, at may pangalan ang bawat isa sa mga ito. Sa gitna ng sala ay makikita ang isang angas na kulay itim at pulang motorsiklo—ang discontinued na BMW Tomahawk. Naglakad si Wynter at kumuha siya ng bote ng tubig mula sa fridge. Iinom na sana siya at manonood ng paborito niyang drama. Ang kanyang phone, na naka-charge sa may mesa, ay tumunog at narinig ang natatangi nitong ringtone. "Quinnell the Rich, wake up and take cases! Quinnell the Rich, wake up and take cases!" Noong tumunog ito sa ikatlong pagkakataon, pinindot ni Wynter ang buton at sinagot niya ito, “Magsalita ka." "Boss, mayroong malaking kaso sa Southdale. Interesado ka ba?” Uminom ng tubig si Wynter at sinabing, “Anong klaseng kaso?" "Hinahanap ng pinakamayamang lalaki sa Kingbourne ang nawawala niyang apo. Ang sabi niya nasa Southdale siya at madali lang mahanap. Simpleng trabaho lang, at malaking pera ang makukuha mo.” Humikab si Wynter at sinabing, “Hindi ako interesado." “Teka! Boss, sandali lang! May iba ka pang magugustuhan!” Napakamasigasig ng boses mula sa kabilang linya. “Isa rin itong malaking kaso!” Tamad na inangat ni Wynter ang kanyang baba at sinabing, “Sige, magpatuloy ka.” “Hinahanap ka ng Yarwood family muila sa Sorzada City. Nag-alok sila ng ten million dollars na reward para sa consultation fee. Basta’t may taong makakapagbigay ng impormasyon patungo sayo, mayroon ding pabuya. Malaking pera ‘to!” “Ganun sila kabait?” Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Wynter. Marahan niyang tinapik ang kanyang phone. “Ipadala mo sa’kin ang impormasyon. Titingnan ko ‘to.” “Sige!” Sa sumunod na sandali, ang mga floor-to-ceiling window ay naging mga projection screen, pinapakita nito ang impormasyon. Ang Yarwood family ay isang sinaunang pamilya na nabuhay sa loob ng napakaraming henerasyon. Kailanman ay hindi sila tumigil sa pagprotekta sa bansa. Sa pagkakatanda ni Wynter, dati silang nakatira sa Homeland Security Estate. Dagdag pa dito, nagpadala ang Yarwood family ng mga imbitasyon sa maraming mga sikat na doktor para sa isang one-week consultation period, at gaganapin ito sa Caesar Hotel. Ang layunin nito ay upang malaman kung sino ang may kakayahang gamutin si Dalton Yarwood, ang pinuno ng Yarwood family. Para naman sa impormasyon tungkol sa sakit, maikli lang ito. Nabanggit lang dito na maraming taon nang nanghihina si Dalton, at hindi magandang ipaalam sa publiko ang mga detalye tungkol dito. Tila hindi ganun kasimple ang mga bagay. Inunat ni Wynter ang kanyang mga binti at sinabing, “Kukunin ko ang kasong ‘to.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.