Kabanata 5
Nag-aalinlangan si Winnie, pero takot siya kay Zack. Bumulong siya ng paghingi ng tawad na hindi ganoong kasinsero. Kahit si Steven ayaw na makipagtalo sa kanya.
“Ang narinig ninyo sa iba ay hindi ibig sabihin ay totoo na. Bilang matanda na, dapat may sarili kang pananaw kaysa maniwala base sa naririnig mo sa iba,” walang pakielam na siabi ni Steven.
“Sino ka ba sa tingin mo? Wala ka sa lugar para turuan ako!” galit na sinabi ni Winnie.
Tinignan siya ng masama ni Zack. “Patawarin mo sana siya, Sir.”
Sumenyas si Steven. “Tama na ang batian. Iniligtas kita, kaya dapat lang na magbayad ka.”
“Tama ka. Magkano kaya ito aabutin?”
Iniligtas siya ni Steven para lang sa pera. Wala siyang pera sa oras na nilisan niya an Qualls Residence, kaya naisip niyang humanap muna ng paraan para kumita ng pera.
“Magkano ba sa tingin mo ang halaga ng buhay mo?”
“Magandang tanon. Pero, hindi ako nagdadala ng pera sa tuwing umaalis ako. Bakit hindi mo ibigay sa akin ang contact number mo, at idedeliver ko ito sa iyo? Isulat mo ang halaga na sa tingin mo ay nararapat.”
Galante talaga si Zack.
“Wala akong tutuluyan sa ngayon, at wala din akong phone,” sambit ni Steven.
“Sugarol talaga! Hindi ka man lang makabili ng phone matapos mawalan ng malaking pera. Wala ng punto na bigyan ng pera nag katulad mo. Masasayang lang ang pera sa huli,” hamak ni Winnie.
“Huwag ka maging bastos!” sermon ni Zack. “Well, puwede ka sumama sa amin pabalik. Ibibigay ko sa iyo ang check.”
“Sige.” Inipon ni Steven ang gamit niya at naglakad pababa ng bundok.
“Ama, siguradong sinungaling siya. Nagkataon lang ang nangyari kanina,” sambit ni Winnie.
“Ang paraan ng panggagamot niya sa iyo ay kahanga-hanga. Bukod pa doon, napagalaw niya ang mga karayom gamit ang enerhiya niya. Hindi siya pangkaraniwang tao,” sambit ni Zachary.
“Imposible!” sagot agad ni Winnie.
Idinagdag niya, “Heavenly Realm Grandmaster lang ang makakagawa noon. Tignan mo siya! Mukha lang siyang pulubi na sugarol. Paano siya magiging Heavenly Realm Grandmaster?”
“Zachary, hindi ka ba nagkakamali?” tanong ni Zack.
Kumbinsido si Zack ng kaunti na sugarol siya ng sabihin ni Steven na wala siyang phone. Kahit na gaano pa kagaling ang medical skills niya, naisip ni Zack na tapos na ang usapan kung sugarol siya. Hindi na niya gusto magkaroon ng kinalaman kay Steven.
Pero, ibang usapan na ito kung isang Heavenly Realm Grandmaster si Steven. Mayroon lamang apat na grandmaster sa Levix City, at lahat sila matatanda na. Kung tunay na grandmaster si Steven sa murang edad, siguradong maganda ang kinabukasan niya. Nararapat lang na kaibiganin siya.
“Hindi ako sigurado,” inamin ni Zachary.
“Zachary, baka nagkakamali ka lang. Kung maabilidad talaga siya, hindi problema na humingi ako ng tawad sa maayos na paraan. Pero ang tawagin siyang Heavenly Realm Grandmaster ay kahihiyan para sa mga may hawak sa ganoono titulo!” wika ni Winnie.
“Tama na. Iniligtas nga naman niya ako. Aayusin natin ang lahat kapag nabayaran ko na siya.” Naisip ni Zack na hindi maaaring grandmaster si Steven. Ang Grandmaster na nasa dalawampu ang edad ay bibihira sa Southbank.
Ang akala nila nagbubulungan sila ng mahina, pero naririnig sila ng malinaw ni Steven gamit ang kanyang matalas na pandinig. Nakangiti siya at hindi na nagpaliwanag.
Sinubukan alamin ni Zack ang background ni Steven habang nasa sasakyan sila. “Mister, saang medical school ka graduate?”
“Hindi ako nag-aral sa medicine school.”
Agad na nagsalita si Winnie na nakaupo sa harap, “Bakit ka nagkukunwaring doktor? Ang kapal pa ng mukha mo na humingi ng bayad!”
Disappointed ng husto si Zack. Dahil alam niyang hindi siya nag-aral sa medical school ,anisip niya na natuto lang ng basic first aid skills si Steven at nagkataon na napagaling siya.
Sa puntong ito, ayaw na niyang makausap si Steven. Kung hindi lang dahil sa reputasyon niya at ego, sinipa na niya palabas si Steven ng sasakyan.
“May sakit ka,” sinabi bigla ni Steven.
“Ano?”
Natulala si Winnie. Nagalit siya bigla, “Iniinsulto mo ba ako? Palalabasin kita ng sasakyan!”
Sumimangot si Zack, hindi siya natutuwa. Ibinuka niya ang bibig niya at palalabasin sana ng sasakyan si Steven.
Pero huminto bigla ang sasakyan.
“Zachary, anong problema?” tanong ni Zack.
“May problema tayo,” seryosong sinabi ni Zachary.
Isang itim na van ang lumabas bigla mula sa secondary road at hinarangan sila. Kakatapos lang nila iwasan ang isa pang sasakyan na muntik na silagn banggain ng may isa pa na lumiataw. Bumangga ito sa likod ng sasakyan at nakorner sila.
Malinaw na naghahanap ng gulo ang mga taong ito.
Bumukas ang pinto ng van, at isang grupo ng mga lalakeng armado ng itim na damit ang lumabas. Inilabas nila ang mga machete nila at lumapit.
“Ms. Winnie, manatili ka as loob ng sasakyan at protektahan si Mr. Miller Senior,” sambit ni Zachary noong inalis niya ang seatbelt niya.
Mukhang hindi natinag si Zack. Kalmado niyang inutos, “Magtira ka ng isa para matanong. Alamin kung sino ang nagpadala sa kanila.”
“Masusunod.”
Lumabas ng sasakyan si Zachary, at nakipaglaban sa mga armadong lalake.
“Sino sila? Ang lakas ng loob nila na atakihin tayo sa gitna ng kalsada?” mukhang hindi nasindak si Winnie. Mukhang kumpiyansa siya kay Zachary.
Bigla niyang tinitigan ng masama si Steven.
“Isa ka ba sa kanila, hayop ka? Marahil ipinaalam mo sa kanila!”
“Hindi ko sila kilala,” sambit ni Steven.
“Malalaman natin yan mamaya. Mamamatay ka kapag nalaman namin na parte ka ng grupo nila.”
Naghihinala din si Zack na traydor si Steven, kung hindi, hindi maipaliliwanag ang ambush. Habang nagsasalita siya, naglabas siya ng baril at itinutok sa ulo ni Steven.
“Sa tingin mo ba ito ang tamang asal sa nagligtas ng buhay mo?” tanong ni Steven, kalmado siya.
Karaniwang kaalaman na mas mabilis ang baril kapag malayuan at mas mabilis ang martial arts as malapitan. Para sa isang Heavenly Realm Grandmaster, walang problema sa kanya ang distansiya.
Wala lang kay Steven ang baril ni Zack.
“Malalaman natin kung tagapagligtas kita o panganib. Naniniwala ako kay Win sa ngayon. Mukhang sinungaling ka nga,” sambit ni Zack.
Nagbigay ng babala si Zack, “Dyan ka lang kung hindi babarilin kita agad.”
Ngumiti si Steven. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata niya. Parating pa lang ang tunay na drama.
Nakikipaglaban ng husto si Zachary sa labas. Magaling siya at nakapagpatumba ng apat na lalake gamit ang iilang kilos lang. Matindi ang pinsala nila at halos mamatay na sila.
Pagkatapos, may isang middle-aged na lalake na bumaba mula sa van.
“Zachary, magaling ka,” sambit ng lalake.
“Sino ka?”
“Ako ang papatay sa iyo,” sinugod ng lalake si Zachary ng mabilis. Nagulat siya at hindi nakapaghanda.
Sa loob ng limang atake, isang malakas na tunog ang maririnig. Tumama si Zachary sa sasakyan, nayupi ang pinto at nabasag ang salamin.
“Zachary!” sambit ni Winnie.
“Mukhang seventh-grade expert siya. Umalis ka na kasama si Mr. Miller Senior!” utos ni Zachary, umubo siya ng dugo.
Hindi mapakali si Zack ng malaman ang rank ng umatake. Nataranta siya. Imposible na makatakas mula sa isang seventh-grade expert.
Sinugod ni Zachary ang lalake, pero sayang lang ang effort niya. Sinuntok siya muli ng lalake sa mukha at bumagsak siya sa sahig. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng mga labi niya. Wala na siyang lakas para lumaban.
Ang isang paa ni Nelson ay nasa ulo ni Zachary at sumigaw siya kay Zack na nasa sasakyan, “Zack, masyadong mahina ang bodyguard mo. Lumabas ka na dito ng matapos na tayo.”
“Ama, anong gagawin natin? Natalo na si Zachary. Mamamatay ba tayo?” sambit ni Winnie, puno ng takot ang boses niya.
Wala rin magawa si Zack, seryoso ang ekspresyon niya. Katapusan na niya dahil may seventh-grade expert na assassin.
“Mukhang mamamatay na tayo dito,” buntong hininga ni Zack
Sa oras na iyon, iminulat ni Steven ang mga mata niya.
“Bigyan mo ako ng isang bilyong dolyar at ililgitas ko kayo.”