Kabanata 4
Nagkibit balikat si Steven matapos marinig ang paghingi ng matanda ng tawad. Nakaluhod pa din siya sa puntod ng mga magulang niya habang lumalapit si Zack kasama ang bodyguard at si Winnie.
“Ama, walanghiya siya. Hindi mo alam. Adik lang siya sa pagsusugal. Hindi lang siya puro utang, pero inaresto din siya dahil sa drugs. Dahil dito, itinigil ng pamilya Lurk ang engagement sa pagitan ng anak nila. Kung hindi dahil kay Marrie na magaling, marahil naubos na niya ang yaman ng mga magulang niya.
“Napatay na rin siya sana ng mga loan shark kung hindi dahil sa proteksyon ni Marrie!
“Sa tinign ko iniinsulto niya si Marrie dahil hindi siya willing magbigay ng pera para sa drugs at sugal. Wala siyang kuwenta.”
“Paano mo ito nalaman?” tanong ni Zack.
“Kakilala ng pamilya natin si Marrie kaya ilang beses ko na siyang nakausap. Gustong-gusto ko siya. Naparito ako para makakuha ng chismis tungkol sa pamilya Lewis.”
“Si Marrie… narinig ko din ang tungkol sa kanya. Magaling siya. Pero, huwag ka madamay sa kanila,” utos ni Zack.
Dahil sa abilidad ni Steven bilang master sa Heavenly Realm, narinig ng malinaw ni Steven si Winnie.
“Well, well, Marrie! Ginawa mong martyr ang sarili mo habang sinisira ang reputasyon ko? Walang awa ka talaga!” bulong niya. Nakasarado ang mga kamao niya habang iniisip ang nasira niyang reputasyon.
Hinihiling niya na sana maturuan niya ng leksyon si Marrie para mailabas ang galit niya.
Naupo siya ng matagal sa puntod bago siya tumayo at umalis. Sa mga oras na ito, narinig niya ang takot na sigaw ni Winnie.
“Ama, anong problema? Gumising ka!”
Ginamit niya ang kanyang Double Pupil Technique at nakitang bumagsak sa sahig si Zack. Gamit ang zoomed vision niya, nakita niya na maputla si Zack at bumubula ang bibig. Kinukumbulsyson din siya.
Natulala si Winnie at bodyguard niyang si Zachary Jennings sa biglaang nangyari sa kanya.
“Bilisan mo at dalhin sa ospital ang ama ko!” utos ni Winnie, nahimasmasan siya agad.
Binuhat ni Zachary si Zack sa likod niya at tumungo sa parking lot.
“Kailangan ninyo ng tatlumpung minuto bago makarating sa ospital. Kapag hindi siya nagamot sa loob ng sampung minuto, mamamatay siya,” sambit ni Steven noong dinaanan siya.
“Kalokohan! Hindi ka naman doktor. Anong alam mo?” nagalit si Winnie.
“Hindi ako doktor, pero maalam ako sa medisina. Ako lang ang makakapagligtas sa kanya ngayon,” kumpiyansang sinabi ni Steven.
“Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang adik sa sugal. Alam ko ang tunay na kulay mo.” Kinamumuhian ni Wiinie si Steven. Humarap siya kay Zachary. “Tara na.”
“Bigyan mo ako ng tatlong minuto. Gawin ninyo kung anong gusto ninyo gawin sa akin kung hindi ko siya maililigtas. Kung hindi, siguradong mamamatay siya bago siya dumating sa ospital.”
Napatigil sila sa sinabi niya,
“Ms. Winnie, subukan ba natin?” tanong ni Zachary matapos makita kung gaano kakalmado si Steven.
“Hindi natin dapat isugal ang buhay ng ama ko sa sugarol, hindi ba? Hindi ako puwede magloko sa kundisyon ni Ama.” Hindi naniniwala si Steven kay Winnie.
“Sinabi ko na ang gusto ko sabihin. Nasasaiyo na kung maniniwala kayo o hindi.” Naglakad pababa ng bundok si Steven.
“Zachary, tara na! Hindi tayo puwede mag-aksaya ng oras,” udyok ni Winnie.
Nagdesisyon si Zachary. Pinigilan niya is Steven.
“Papayagan kita. May tatlong minuto ka lang. Kapag nabigo ka, babaliin ko agad ang leeg mo!”
Ngumiti si Steven. Walang laban sa kanya si Zachary kung magtutuos sila.
“Zachary—” sinubukan ni Winnie na pigilan siya.
“Ms. Winnie, papatayin ko ang taong ito kapag may masamang nangyari kay Mr. Miller Senior, pagkatapos ay magpapakamatay ako. Ngayon, dapat tayo sumugal sa kanya.”
Inihiga niya si Zack sa sahig.
“Idapa ninyo siya at alisin ang pang itaas.”
Kahit na nakuha ni Steven ang abilidad ni Joseph, unang pagkakataon niya ito na gagamot ng pasyente. Kinakabahan siya ng kaunti, naglabas siya ng mga gintong karayom.
Nahanap niya ang mga acupoints, at ipinasok ang limang gintong karayom ng iba-iba ang haba sa acupoints ni Zack. Ang Haven Needle Technique ay ipinasa ni Joseph sa kanya, ang teacher niya. Bilang technique mismo ng Master Sage of Medicine, malahimala ang epekto nito sa pagbibigay buhay sa patay.
Mahinhin na inayos ni Steven ang mga karayom ng taas baba. Si Zachary na nakabantay ng mabuti ay napansin na hindi nahawakan ni Steven ang mga karayom. Pero, nagawa niyang ikilos ang mga ito.
Nagulat si Zacharay at naisip, “Minamanipula niya ang mga karayom gamit ang enerhiya? Isa siyang Heavenly Grandmaster!
“Pero imposible. Mukhang nasa dalawampu pa lang ang edad niya. Paano siyang nakarating agad sa Heavenly Realm?”
Dahil maabilidad din siya mismo, dalawang dekada si Zachary na nag-ensayo bago nakarating sa sixth-level professional. Nahihirapan siyang maniwala na si Steven na bata pa, ay isang Heavenly Realm Grandmaster.
“Tapos na ang tatlong minuto. Bakit hindi pa gumigising ang ama ko? Sinungaling ka!” sigaw ni Winnie. “Zachary, patayin mo siya!”
“Tumahimik ka!” sagot ni Steven. “Bakit ka nagmamadali? Wala pang tatlong minuto.”
“Ikaw!” galit na galit si Winnie. Ang lakas ng loob niya na pagalitan siya?
“Kumalma ka, Ms. Winnie,” sinabi ni Zachary.
“Sige! Tatlumpung segundo na lang. Tignan natin kung paano mo dedepensahan ang sarili mo mamaya.”
Habang nakatitig si Winnie at binibilang ang oras, nagsimula si Steven na bawiin ang mga karayom.
“Bakit hindi pa gumigising ang ama ko, sinungaling ka!” sigaw ni Winnie.
Sa oras na iyon, umubo ng ilang beses si Zack. Nagising siya.
Hindi makapaniwala si Winnie at Zachary.
“Ama, nagising ka na din sawakas! Kumusta pakiramdam mo?” tinulugan agad ni Winnie tumayo si Zachary.
“Nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko kanina. Anong nangyari?” tumayo si Zachary, maganda ang pakiramdam niya.
“Biglaan ka nagkaroon ng myocardial Infarction,” anunsiyo ni Steven.
Inalala ni Zachary ang nangyari, at natutunan niya na iniligtas ni Steven ang kanyang buhay.
“Salamat dahil isinantabi mo ang galit mo para iligtas ako. Hindi ko inaasahan na may kahanga-hanga kang medical skills sa murang edad. Nabigo kami na maappreciate ka,” sambit ni Zack, puno ng pasasalamat ang ekspresyon niya.
“Kahanga-hangang abilidad? Sa tingin ko sinuwerte lang siya. Hinimatay ka lang siguro, at hindi ito malaking bagay. Nagkataon lang na nagkaroon siya ng benepisyo sa maliit na bagay,” hamak ni Winnie, galit siya. Hindi siya makapaniwala na ang sugarol na si Steven ay may taglay na medical skills.
“Well, wala akong pakielam sa tingin mo sa akin. Pero ang tingin mo ba sa problema sa kalusugan ng ama mo ay wala lang?” sagot ni Steven.
“Ang lakas ng loob mo!” galit siyang dinuro ni Winnie. Mukhang handa na siyang sunggaban siya anumang oras.
“Tumahimik ka!” sigaw ni Zack. “Humingi ka ng tawad ngayon din!”