Kabanata 1
“Mag-impake ka na, at lumayas ka sa pamamahay ko!” sigaw ni Yanny Qualls sa oras na nakatapak siya sa basement na tinutuluyan ni Steven Lewis.
Nililinis niya ang sahig habang nakaluhod noong pumasok siya, hubo’t buad. Hindi siya tumingala sa kanya, nanatili siyang tahimik at naglilinis.
Sinipa siya ni Yanny at gumulong siya sa sahig.
“Kinakausap kita, bulag na hayop! Bingi ka na ba?”
Nahirapan tumayo si Steven. Dahil tuluyan siyang bulag, hindi niya alam si Yanny, na may taglay na ganda na magpapahiya sa mga artista, ay nag-eenjoy sa paglalakad sa tinutuluyan ng pamilya Qualls ng hubo’t hubad.
“Aalis ako, pero kailangan ko kunin ang pagmamayari ko,” sambit niya.
“Anong iyo? Ang mata mo? O ang shares mo sa Stellar Group?” natawang sinabi ni Yanny. “Baliw ka na. Wala kang pagmamayari. Amin na ngayon ang Stellar Group.
“Kahit ang buhay mo kami ang nagmamayari. Dapat magpasalamat ka dahil pinapalayas lang kita at hindi pinapatay.”
Sumimangot si Steven, nakasarado ng mahigpit ang mga kamao niya.
Si Marrie Qualls ay tumakas patungo sa Levix City, kasama ang anak niya, si Yanny Qualls. Lumipas ang mga araw na naghihirap sila. Dahil wala silang aasahan, naakakit ng hindi inaasahang atensyon ang ganda ni Marrie. Ang nanay ni Steven, si Ophelia Stone, ay iniligtas sila mula sa sexual assault at pinatuloy sila sa kanilang bahay. Inalok pa niya ng trabaho si Marrie sa Stellar Group.
Pinaulanan ni Ophelia ng kabaitan si Marrie, at tinrato siyang sariling dugo. Pinalaki siya ng mabuti para makuha niya ang posisyon bilang vice president ng Stellar Group, at ipinagkatiwala sa kanya ang mga mahahalagang responsibilidad.
Namatay sa aksidente ang mga magulang ni Steven dalawang taon na ang nakararaan. Bago sila namatay, ipinagkatiwala nila ang kumpanya at si Steven kay Marrie.
Nagtiwala ng buo si Steven sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman, nagkataong masamang tao pala siya. Inalis niya ang mga taong sagabal sa kumpanya at inasikaso ang lahat ng kontra, hanggang sa naging resulta ay napasakanya ang shares ni Steven. Sa huli, nakuha ang shares niya mula sa kanya.
Pero hindi pa ito ang pinakamalalang mangyayari. Inalis ni Marrie ang cornea ng mga mata niya para ilipat kay Yanny noong nagkaroon ng pinsala ang mga mata niya. Naging bulag na siya simula noon, at ikinulong siya ni Marrie sa bahay nila.
Habang nakakulong sa basa at madiliim na basement na parang hayop, halos mamatay na siya habang iniinda ang walang tigil nilang pang totorture at pamamahiya.
“Bakit? Galit ka? Gusto mo ako gulpihin?” ngumiti si Yanny at humakbang palapit. Inihanda niya ang kanyang sarili at galit na sinabi, “Sige, halika dito! Hayop kang bulag ka!”
“Ipakita mo sa akin ang tapang mo!” sinampal niya ng malakas si Steven habang nagsasalita.
Nagsimula siyang mag-aral ng taekwondo sa murang edad, at nasa fifth degree black belt na siya ngayon. Walang laban si Steven sa kanya kahit na hindi siya bulag. Naging personal na punching bag siya sa dalawang taong nakalipas habang nasa basement siya.
Madalas siyang ginugulpi ng husto, kung saan nababalian pa siya ng buto kung minsan.
“Isa ka talagang talunan! Hindi mo ako matatalo kahit na bigyan pa kita ng pagkakataon. Ano pa ang silbi mo na mabuhay? Dapat mamatay ka na!”
Nakaramdam ng galit si Steven ng dumugo ang gilid ng labi niya. Ang galit na matagal na niyang pinipigilan sa nakalipas na dalawang taon ay kumawala, kung saan sinuntok niya si Yanny.
Hindi inaasahan ni Yanny ang masunuring si Steven at duwag ay biglaang lalaban. Nagulat siya sa suntok niya na tumama sa kanyang dibdib.
Natulala si Steven. Pakiramdam niya malambot ang tinamaan niya.
Naoverwhelm si Yanny sa sakit ng dibdib niya.
“Hayop ka!” sigaw niya ng matinis, sinipa siya ng malakas sa ulo.
Matinding sakit ang naramdaman ni Steven kung saan nahilo siya. Bumagsak siya sa sahig at tinapaktapakan ni Yanny ang liokd niya. Tinapakan niya ng madiin ang kanang kamay niya sa sahig.
Sumigaw siya ng malakas ng madurog ang buto niya doon.
Galit pa din si Yanny. Walang tigil niyang ginulpi si Steven, halos mawalan siya ng malay. Duguan na siya.
“Tama na! Balak mo ba siyang gulpihin hanggang mamatay?”
Nagpakita si Marrie sa basement, malakas ang dating niyang marangal. Kahit na maganda si Yanny, hindi siya maikukumpara kay Marrie.
Labing limang taong gulang lang si Marrie ng isilang niya si Yanny. Sa edad na tatlumput apat, mas mukha siyang kapatid ni Yanny kaysa nanay. Nahigitan ng mature na karisma ni Marrie ang kabataang ganda ni Yanny.
“Ma, anong punto na itago siya dito ng dalawang taon? Akala ko mas mabuti na mamatay na lang siya. Nandidiri ako sa tuwing nakikita ko siya,” reklamo ni Yanny habang hinahatak ang braso ni Marrie.
“Hindi siya puwede mamatay ngayon! Masisira niya ang reputasyon ko. Kung hindi, matagal ko na sana siyang pinatay.”
Madiin at may awtoridad ang boses ni Marrie.
“Ma…” nagmakaawa si Yanny.
“Tama, tawagin mo si Mr. Lloyd para gamutin siya ngayon. May nangyari sa kumpanya, kailangan ko ng umalis,” sambit ni Marrie.
“Okay,” naiinis na sagot ni Yanny, nakasimangot siya.
Bumalik siya sa basement sa oras na nakaalis na si Marrie. Tumawa siya ng malakas at galit na sinabi, “Gusto ka mabuhay ng nanay ko, pero ang gusto ko ay kabaliktaran. Walang silbi ang mabuhay ang isang katulad mo!”
Kinaladkad niya ang katawan ni Steven at dinala sa living room, nag-iwan siya ng duguang marka sa pagkaladkad sa kanya.
“Heidi, linisin mo ang bahay. Hindi ko gusto na may matira dito sa mga gamit niya. Lunurin mo siya sa ilog kapag madilim na sa labas!” utos niya.
“Ms. Yanny, hindi po ba’t sinabi ni Madam na hindi siya maaaring mamatay?” tanong ni Heidi.
“Sundin mo na lang ang utos ko. Ako ang magiging responsable sa mangyayari,” galit na sagot ni Yanny, malinaw na hindi siya natutuwa.
Kinaladkad ni Heidi si Steven at ipinasok siya sa sasakyan. Habang gabi at malakas ang ulan, nagmaneho siya patungo sa Levix River at inabandona siya sa malalim na ilog.
Tumaas ang tubig dahil sa malakas na ulan, ang agos ng ilog ay naging rumaragasa. Sa huli, napunta as pampang si Steven. Salamat sa malamig na ulan, nagising siya at nasindihan ang kagustuhan niyang mabuhay.
Gumapang siya sa putikan, at napagod ng makarating sa abandonadong simbahan. Habang nakahiga siya sahig, nararamdaman niyang unti-unti na siyang mamamatay.
Galit na sumigaw si Steven, “Bulag din ba ang mga diyos?”
“Bakit kinakarma ng masama ang mabubuting mga tao? Namatay ang mga magulang ko sa aksidente kahit na napakabait nila, pero ang masasamang mga Qualls ay nagtatagumpay sa buhay! Hindi ako sangayon dito!
“Pambihira naman talaga, bakit kayong mga diyos ay hindi patas!”
Maririnig ang nakabibinging tunog ng kulog. Nakakatakot ito, tulad ng galit ng mga diyos habang tumatama ito sa puno sa labas, at nasunog ito.
“Sige, hinahamon ko kayo! Tamaan ninyo ako kung malakas ang loob niyo!” pulang pula sa galit ang mga mata ni Steven atang ekspresyon ng mukha niya ay nalukot habang nakatingin siya sa kalangitan. Mahina ang boses niya kahit na galit na galit siya, mukha siyang nakakaawa.
Kumislap ang kidlat at dumagungdong nag kulog. Ang abandonadong simbahan ay mukhang tutumba na sa lakas ng bagyo.
Hindi na kinaya ni Steven. Bumigat ang mga talukap ng mata niya at naging magulo ang isip. Nagdilim ang paningin niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Sa oras na ito, may matandang lalake na nagpakita sa simbahan mula sa likod ng estatwa.
“Ang kalangitan ay tunay na walang puso at bulag. Mukhang ikaw ay isang tao na masalimuot ang tadhana,” buntong hininga niya at sinimulan tignan ang pulso niya para makita kung buhay pa si Steven. Nakita niyang mahina ang tibok ng puso niya, at tinignan niya ang kanyang mga mata.
Tumawa ng malakas bigla ang matanda.
“Ipinanganak siya ng dalawa ang pupils?
“Well, mukhang hindi pa talaga tunay na bulag ang mga diyos! Sinong mag-aakala na makakaengkuwentro ko ang Iridium bago ako mamatay! Ipapasa ko sa iyo ang lahat ng nalalaman ko at bibigyan ka ng magandang pagkakataon!” sambit ng matanda.