Kabanata 5
Naging kakaiba ang mga tingin sa mukha ng iba pang mga Locke.
Magkasing-edad lang sina Jason at Jordan at nagkakasundo. Hinila ng una ang huli at tinanong na may mahinang boses, “Nasiraan ba ng bait ang tatay mo dahil sa sobrang asar niya kay Madison?”
“Ano bang alam mo?” Inilibot ni Jordan ang kanyang mga mata kay Jason, kaya hindi na nakaimik ang isa.
Nilampasan na ni Vincent si William para sabik na sabik na lapitan si Madison. “Maddie, pwede ka bang sumama sa’kin sa ospital para makipagkita sa asawa kong si Josephine?”
Kumunot ang noo ni Madison. Nagmamadaling dagdag ni Vincent, “Hindi mahalaga kung anong kahihinatnan nito basta’t handa kang sumama. Ikaw pa rin ang magiging tagapagligtas ng pamilya namin.”
“Oo! Basta sumama ka, Madison, ginagarantiya kong nasa panig mo na ako habangbuhay. Kung sinuman sa Riverview ang maglalakas-loob na apihin o tulak-tulakin ka, makakaharap nila ako at ang pamilyang Salle.” Tinapik ni Jordan ang kanyang dibdib.
Hindi maintindihan ng pamilyang Locke kung anong nangyayari, ngunit nanatiling walang pakialam ang ekspresyon ni Madison. “Wala lang naman ako kung hindi isang regular na streamer.”
Hindi naintindihan ni Vincent ang ibig niyang sabihin, pero naintindihan naman ni Jordan. Agad niyang inilabas ang kanyang phone at sinabing, “Pareho ka naming ifa-follow ng tatay ko. Kung kinakailangan, pwede kitang bilhan ng subscribers at followers.”
“Hindi. Hindi na iyon kakailanganin. Gusto ko lang ng mga manonood na tunay na tumatangkilik sa livestreams ko.”
“Naiintindihan ko.” Nag-follow na si Jordan sa account ni Madison. Iniabot pa niya ang kanyang phone para ipakita sa dalaga. “Huwag kang mag-alala. Nangangako akong panonoorin ko lahat ng livestreams mo simula ngayon!”
Saka lang tumayo si Madison. “Tara na nga.”
Hindi pa naiintindihan ng mga Locke ang sitwasyon nang sinundan na ni Madison sina Vincent at Jordan sa kanilang sasakyan at umalis.
Matagal na natulala si Jason. Pagkatapos, tinanong niya, “Anong ibig sabihin ni Mr. Salle, Dad?”
Hindi rin maintindihan ni William.
Si Rebecca lang ang nag-iisip sa sinabi ni Jordan. Nilinaw niya na tatayo ang pamilyang Salle para kay Madison.
…
Sinabi nina Vincent at Jordan kay Madison ang tungkol sa sitwasyon ni Josephine White habang papunta sa ospital. Mahina ang kalusugan ni Josephine mula nang ipanganak si Jordan, ngunit mas malala ang mga bagay nitong mga nakaraang taon. Kinailangan niyang gumugol ng ilang panahon sa ospital taun-taon.
Sa pagkakataong ito, gayunpaman, ang sitwasyon ay tila mas malala kaysa dati. Biglang nahimatay si Josephine noong isang linggo, ngunit sinabi ng mga doktor na walang kakaiba sa kanyang kondisyon. Hindi nila matukoy ang dahilan ng kanyang pagkahimatay.
Kumuha din si Vincent ng ilang kilalang eksperto ng mystic arts para suriin siya. Ang ilan sa kanila ay gumawa ng mga spells, at ang ilan sa kanila ay sinubukang ipatawag ang kanyang kaluluwa. Sinubukan na nila ang lahat, ngunit nanatiling walang malay si Josephine.
Pagkalabas na pagkalabas ni Madison ng elevator, itinuro niya ang kwarto na pahilis sa kanilang kaliwa. “Diyan ba ang ward ng asawa mo?”
Si Josephine ay ipinasok sa pribadong ospital na meron lamang sampung kwarto bawat palapag. Lahat sila ay para sa mga VIP na pasyente, at ang bawat silid ay mukhang pareho mula sa labas.
Masiglang tumango si Jordan at sinabing, “Oo. Iyan na nga. Mukhang may kaunting alam ka nga, kung tutuusin!”
Sinamaan siya ng tingin ni Vincent pero lihim siyang napahanga kay Madison.
Para kay Madison, ang tanging nakita niya ay kwartong nababalot ng madilim na enerhiya samantalang ang iba ay wala.
Nang itulak nila ang pinto sa kwarto ng ospital, nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madison. Hindi lang death energy ang nasa kwarto—meron ding bahagyang gintong liwanag. Halos hindi na ito makita dahil nabuo ang manipis na layer sa katawan ni Josephine.
“Anong nakikita mo, Maddie?” tanong ni Vincent.
“Nawala ang kaluluwa niya.” Tumayo si Madison sa tabi ng kama.
Nadurog ang puso ni Vincent.
Dagdag pa ni Madison, “Medyo nakakalito ang sitwasyon.”
Nakakalito? Bakit naman? Mahirap bang hanapin ang kaluluwa ni Josephine?
Magsasalita na sana siya nang sumimangot si Madison at medyo hinahamon ang sarili, “Wala akong sapat na spiritual energy ngayon, kaya’t maaari na lamang akong umasa sa pagguhit ng mga anting-anting para ipatawag ang kanyang kaluluwa. Ang problema ay wala akong anumang talisman paper o cinnabar.”
Nakahinga ng maluwag si Vincent. Naisip niya na ang problema ay malaki.
“Bibili ako ngayon,” sabi ni Jordan. “Anong klaseng kailangan mo? At may kailangan ka pa ba?”
“Kunin mo na lang yung regular na talisman paper at cinnabar. Kailangan ko rin ng mga insenso.”
“Sige.” Tumakbo siya para kunin ang mga gamit.
Pansamantalang tanong ni Vincent, “Sigurado ka bang kaya mo, Maddie?”
“Oo.”
Bahagyang kumalma si Vincent nang marinig iyon. “Salamat sa Diyos at pinaalala mo sa’kin kahapon. Pagdating namin ni Jordan sa ospital, isang nurse intern ang magtuturok kay Josephine ng maling gamot. Sabi ng doktor, mamamatay na sana si Josephine.”
Walang makakaisip kung gaano sila natakot ni Jordan kahapon. Kung ilang segundo lang sila nahuli, lagpas na sana ang mga bagay sa punto ng walang balikan. Batay lamang doon, si Madison ang palaging magiging tagapagligtas ng pamilyang Salle.
Maya-maya, bumalik si Jordan dala ang mga gamit. Bumili siya ng tig-isang kahon ng talisman paper, cinnabar, at insenso.
Sinuri sila ni Madison at nakitang lahat sila ay may magandang kalidad.
“Pwede na ba tayong magsimula?” Medyo natuwa si Jordan. Narinig lang niya noon ang tungkol sa mga bagay na ito. Kaya naman, ito ang unang pagkakataon niyang masasaksihan ang mangyayari. Siya ay nasa yugtong iyon kung saan siya ay kalahating naniniwala at kalahating hinahamak ang mga bagay na ito.
Tumango si Madison bilang pagsang-ayon at kumuha ng talisman paper. Pinagdikit niya ang hintuturo at gitnang mga daliri bago isawsaw sa cinnabar at gumuhit sa papel.
Mabilis at makinis ang kanyang mga kilos. Nang matapos siya, kumikinang sa ginto ang papel na anting-anting.
Hinawakan ni Jordan ang braso ni Vincent sa pagkabalisa at sinabi, “Nakita mo ba iyon, Dad? O namamalik-mata ako?”
“Tumahimik ka!” Mas nabalisa pa si Vincent kaysa sa kanya pero nagawa niyang magpakita ng mahinahong hitsura.
Dinala ni Madison ang anting-anting kay Josephine at inilagay ito sa dibdib nito. Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong patpat ng insenso at bahagyang pinasadahan ng mga daliri ang mga dulo, sinisindihan ang mga ito.
Nanlaki ang mga mata ni Jordan sa puntong ito, at hindi niya maiwasang mapapanganga. Ito ay kamangha-mangha! Pakiramdam niya ay nanonood siya ng pelikulang may special effects.
Lumutang sa labas ng bintana ang usok na parang may sariling kamalayan. Mahinang tinawag ni Madison ang isang pangalan, ngunit hindi nagbago ang usok. Masyadong mababa ang kanyang spiritual energy para magkabisa ang spell.
“Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Pamilya niya kayo, kaya dapat sumagot siya kapag tinawag ninyo siya,” sabi niya.
Hinawakan ni Vincent ang mga patpat ng insenso, nalilito ang pakiramdam. “Paano ko gagawin?”
“Tawagin mo ang pangalan niya at hilingin mo sa kanya na bumalik.”
“Josephine! Josephine White! Bumalik ka!” Tumawag si Vincent.
Tumabi sa kanya si Jordan at sinabing, “Mom, bilisan mo at bumalik ka!”
Biglang tumigil si Vincent. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang unti-unting lumutang pabalik sa kwarto ang usok na lumayo na. Dumiretso ito sa kama at huminto sa tabi nito. Tapos, naglaho ito.
“Tapos na,” sabi ni Madison.
Lumapit si Vincent sa kama at tumingin sa ibaba para makitang bahagyang kumikibot ang mga daliri ni Josephine. Hinawakan niya ang kamay ng babae.
Tumakbo si Jordan sa kanila, namumula ang mga mata. “Mom!”
Dahan-dahang iminulat ni Josephine ang kanyang mga mata. Yayakapin na sana siya ni Jordan nang itulak siya ni Vincent.
Natigilan siya at napaawang ang labi habang nakatingin sa mga magulang na mahigpit na nakahawak sa isa’t-isa. Pinagpag niya ang hindi umiiral na alikabok sa kanyang damit at naglakad papunta sa gilid ni Madison, mukhang naiilang. “Uh, dapat okay na ang mom ko ngayon, tama?”
Medyo nakakailang ang pakiramdam na nasa tabi niya si Madison ngayong naging tagapagligtas ito ni Josephine. Kung aalalahanin, ilang beses niya itong pinag-initan sa nakaraan.
“Hindi, hindi pa.”
Natahimik si Jordan. Sinusubukan lang niyang makipag-usap. Bakit siya nakakuha ng ganoong kahindik-hindik na sagot?