Kabanata 23
Malungkot at nakakaawang tawag ni Vincent, “Honey!”
Ngumuso si Josephine.
Mabilis na ipinasa ni Vincent kay Madison ang salansan ng mga larawan at dokumento sa kanyang kamay. Pagkatapos, dali-dali siyang pumunta sa tabi ni Josephine para ipaliwanag muli ang pagiging inosente niya.
Tiningnan ni Jordan ng masama ang mga magulang. “Baka langgamin kayo sa sobrang sweet ninyo.”
Umupo si Madison sa sopa at isa-isang tiningnan ang mga litrato.
Makalipas ang kalahating oras, natapos na niyang tingnan ang dose-dosenang mga larawan.
Nagawa ni Vincent na pagandahin ang mood ni Josephine. Tanong niya, “Nahanap mo na ba yung tao? Sino?”
Umiling si Madison. “Hindi ko siya mahanap.”
“Hindi? Imposible! Ito lang ang mga babaeng nakasalubong ko o nakilala ko nitong mga nakaraang taon. Sila lang ang nakakasalamuha ko.”
Nag-aalalang sabi ni Vincent, “Maddie, tiningnan mo ba sila ng mabuti? Sigurado ka bang wala sa kanila?”
“Wala sa kanila ang babaeng iyon kung iyon ang sabi ni Ms. Madison.” Nagtiwala si Jordan sa mga kakayahan ni Madison.
“Dad, sigurado ka bang nakalap mo ang impormasyon ng lahat ng babaeng kakilala mo?”
Naghinala si Jordan na maaaring itinatago ni Vincent ang impormasyon ng babae para protektahan ito.
Naunawaan ni Vincent ang pinagbabatayan ng mga salita ni Jordan. Sisipain na sana niya si Jordan, ngunit mabilis na umiwas ang binata.
Nagtago si Jordan sa likod ni Josephine. “Mom, tignan mo! Galit siguro si Dad kasi nahuli ko siya.”
“Honey!” Tinapunan ni Vincent ng nagmamakaawang tingin si Josephine.
Tinitigan siya ni Josephine ng ilang segundo at nagtanong, “Maddie, sigurado ka bang hindi siya kabilang sa grupo ng mga babae?”
Madiin na tumango si Madison. “Tinignan ko silang mabuti. Wala ni isa sa kanila ang may kinalaman kay Mr. Salle.”
Naniwala si Josephine kay Vincent at sa kanyang mga sinasabi. “Siguro may mga taong nakalimutan ka noong imbestigasyon?”
Nais sabihin ni Vincent na nagsagawa siya ng masusing pagsisiyasat at walang paraan na may naiwan. Gayunpaman, hindi rin siya 100% sigurado ngayon. “Ipapatingin ko sa isa pang koponan ngayon.”
Tinawagan ni Vincent ang kanyang sekretarya at inutusan itong kumuha ng bagong grupo ng mga lalaki para muling magsagawa ng mga imbestigasyon.
Makalipas ang dalawang oras, dumating ang kanyang sekretarya sa tahanan ng mga Salle na nakapormal na suot.
Kausap ni Madison si Josephine nang mag-angat ito ng tingin at makita ang sekretarya ni Vincent. Napakurap siya at tumahimik.
“Mr. Vincent, narito ang impormasyong hiningi mo. Naghanap ako ng bagong grupo ng mga tao na magsiyasat dito. Ang mga natuklasan ay halos pareho pagkatapos palawakin ang mga paghahanap.”
Kinuha ni Vincent ang mga litrato at dokumento mula sa kanya. “Mabusisi ang trabaho mo.”
Ngumiti at umiling si Camila Ortiz, ang sekretarya. Si Camila ay nasa edad 50 na. Gayunpaman, mukhang nasa bandang 30 lang siya dahil naging masipag siya sa kanyang skincare at pananatili ng pigura. Nakasuot ng magaan na makeup, maganda at elegante ang itsura niya sa suot niyang damit pangtrabaho.
“Maddie, tingnan mo ‘to.”
Kinuha ni Madison ang mga litrato at mabilis na tiningnan ang mga ito. Umiling siya sa huli. “Wala rin siya dito.”
Habang sinasabi niya iyon, ninakaw ni Madison ang sulyap kay Camila sa gilid ng kanyang mga mata.
Halatang gumaan ang loob ni Camila nang marinig ang kanyang mga sinabi. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa kanyang mga mata.
Bagama’t mabilis na lumitaw ang mga emosyong iyon sa mukha ni Camila, napansin pa rin ito ni Madison.
“Gayunpaman, alam ko na kung sino ang taong iyon.”
Nagningning ang mga mata ng mga Salle. Nakatingin silang lahat kay Madison nang may pag-asa.
Sa kabilang banda, hindi namamalayan ni Camila ang hininga at kinakabahang tumitig kay Madison.
Bumaling ang tingin ni Madison kay Camila.
Sinundan siya ng tingin ng mga Salle at nakita si Camila, na nakatayo sa gilid.
Tumalon si Jordan sa kanyang mga paa. “Siya nga! Sabi na nga ba ehh! May tinatago si Camila.”
“Mr. Jordan, hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin.” Napanatili ni Camila ang parehong inosenteng ekspresyon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Vincent. Medyo nag-alinlangan niyang tanong, “Maddie, sigurado ka bang siya ‘yon? Kasama rin sa grupo ng mga larawan ang litrato ni Ms. Ortiz...”
Si Camila ay nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ang unang babaeng tinitigan ni Vincent ay siya. Nakalagay din ang litrato ni Camila sa pinakatuktok ng grupo ng mga larawan kanina.
Sinuri ni Madison ang mga larawan at sinabing wala sa mga babae ang kahina-hinala. Kaya naman, paano niya natitiyak na si Camila nga?