Kabanata 496
“Mahusay nga siya, pero medyo nalilito pa rin siya.” nagbuntong hininga si Tang Ruochu.
“Bakit mo naman nasabi?”
“Dahil may gusto si Xiaoxiao kay Shengyao.”
Halata sa tono niya na hindi siya natutuwa. Lumingon si Lu Shijin para tumingin sa kanya. “Hindi ba’t normal para kay Xiaoxiao na magkagusto kay Shengyao? Bakit parang hindi ka masaya?”
“Syempre hindi ako masaya!” tinikom ni Tang Ruochu ang mga labi niya. “Tulad ng sinabi mo, masyadong mapaglaro si Shengyao. Ayaw niya makadena sa isang tao lang. Ayos lang kung gusto siya ni Xiaoxiao, pero nagpapanggap lang sila na magkasintahan. Hindi ba’t gumagawa lang si Xiaoxiao ng gulo para sa sarili niya?”
Dahil nag aalala si Tang Ruochu sa matalik na kaibigan niya, hinimas ni Lu Shijin ang likod ni Tang Ruochu. Sinabi niya ng mahina, “‘Wag mo na masyadong isipin; hayaan mo na lang ang tadhana. Walang tiyak sa mga relasyon. Malay mo, mahulog si Shengyao para kay Xiaoxiao.”
“Mahirap mangyari ‘yun!” muling nag buntong hininga si Tang Ruoch
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link