Kabanata 2
Susuntukin na sana ni Kaz si Lindsay, nang ang mga titig ni Perseus ay namula na parang apoy, isang palatandaan ng kanyang galit. Agad niyang inangat ang kanyang binti at buong lakas na sinipa si Kaz sa dibdib.
Ang lakas ng sipa ni Perseus ay nagpadala kay Kaz, isang napakalaking bigat na 220 pounds, na tumalsik pabalik. Tumama siya sa patyo kasabay ng malakas na kalabog.
Mga matang nagliliyab sa galit, si Perseus ay nagpakawala ng marahas na enerhiya. Higit siyang sabik na pinatahan ng pula ang bayan mula sa dugo ng mga tulisan.
“Perseus, huwag kang lumaban! Nakalimutan mo na ba ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan?” Nagmamakaawa si Lindsay na may tonong nababaliw habang pinipigilan niya si Perseus gamit ang buong lakas na natitira sa kanya.
Saka lang noon pinakalma ni Perseus ang kanyang sarili bago dahan-dahang iniunat ang kanyang mga kamao. Hindi niya kayang panoorin si Lindsay na tumutulo na naman ang luha niya dahil sa kanya. Kasabay nito, kailangang naroroon siya para suportahan ang nawasak niyang pamilya.
Ang kanyang pangunahing priyoridad ngayon ay upang malaman kung anong nangyari sa mga Caitford.
At saka, nasaan si Rochelle? Bakit hindi siya binanggit ni Lindsay?
“Malakas ang loob mo, ha! Sinaktan mo talaga ako!”
Si Kaz ay tinulungan ng kanyang mga tauhan. Unti-unting tumulo ang dugo sa sulok ng kanyang bibig. Sumirit siya sa sakit, nakakaramdam ng pagduduwal na namumuo sa tuwing humihinga siya.
“Sabihin mo sa amo mo na babayaran ko ang bawat sentimo na utang ng pamilya ko sa kanya. Pero bilang kapalit, babawiin ko ang bawat utang mo sa pamilya ko!” Hirit ni Perseus, ang kanyang tingin ay nagyeyelo at matalim.
“Heh! Malakas talaga ang loob mo, ha! Maghintay ka lang!”
Nang matapos na si Kaz sa pananakot kay Perseus, siya at ang kanyang mga tauhan ay tumakas pabalik sa kanilang van at nilisan ang lugar.
“Mom, ang daming nangyari sa pamilya natin sa nakalipas na tatlong taon. Hindi po ba kayo binisita ni Roch? Hindi ba niya kayo tinulungan?”
Sa wakas ay sinabi ni Perseus ang tanong na iyon sa sandaling nawala ang mga hindi kanais-nais na tulisan.
Nililigawan niya na si Rochelle mula pa noong hayskul sila. Pareho silang nasa matatag na relasyon. Ang dahilan kung bakit nakulong si Perseus ay dahil ipinagtanggol niya ang pagiging dalisay ni Rochelle mula sa pananakit ng manyak noong mga medical intern pa sila.
Isa pa, si Rochelle ay nagmula rin sa mayamang pamilya. Ang kanyang mga magulang ay pangunahing nakatuon sa paggawa at pangangalakal ng mga kagamitang medikal. Para sa kanya, ang pagkuha ng trabaho ay paraan upang maranasan ang buhay ng mga karaniwang tao. Meron naman siyang buwanang allowance na hindi bababa sa 200,000 dolyar, pagkatapos ng lahat.
Bakit hindi niya tinulungan ang pamilya ni Perseus sa oras ng kanilang pangangailangan?
“Perseus, si Rochelle... ay hindi angkop para sa’yo,” nagmamadaling umiwas ng tingin si Lindsay habang nauutal.
“Anong problema niya, Mom?” Napagtanto kaagad ni Perseus na may mali. “Isa pa, si Dad ay mahusay na doktor na may prehistiyosong reputasyon dito sa’tin. Gaano man tayo kahirap, hindi naman tayo dapat mangutang sa mga loan shark para lang mapagamot ang sakit ni Vincent, diba?”
“Matagal nang nawala sa atin ang clinic, Perseus.”
Nang mapagtanto na hindi na niya maitatago ang katotohanan, pinili ni Lindsay na umamin sa lalaki.
“Ano? Wala na ang clinic natin? Bakit?”
Labis na nagulat si Perseus sa balita. Ang Caitford Clinic ay ipinasa mula sa henerasyon ng kanyang lolo, ibig sabihin ay umiral na ito sa loob ng isang siglo.
Kung tutuusin, ang klinika ay legacy na ng mga Caitford. Paano ito mawawala?
“Inagaw ni Rochelle sa atin.”
“Si Roch? Bakit?” Pinanlakihan ni Perseus ang kanyang mga mata bago umiling dahil hindi siya makapaniwala.
Paliwanag ni Lindsay, “Mga isang buwan pagkatapos ng pagkakakulong mo, binisita kami ni Rochelle. Sinabi niyang buntis siya sa anak mo at gusto niya ng sustento mula sa amin.
“Masasabi ng tatay mo na buntis si Rochelle. Inalala niya kung gaano na katagal ang relasyon ninyo, kaya ibinenta niya ang clinic sa halagang 300,000 dollars. Pagkatapos, ibinigay niya ang pera kay Rochelle.
“Akala namin ganoon kalaki ang utang ng pamilya natin sa kanya. Kung tutuusin, iskandaloso ang pagkakakulong mo.”
“Buntis siya?”
Napataas ang kilay ni Perseus sa rebelasyon. Nagsimulang dumaloy ang enerhiya sa kanyang mga ugat habang hindi niya namamalayan na ikinuyom niya ang kanyang mga kamao.
Wala na siyang ibang gusto kundi ang pumatay ng mga tao ngayon.
Ang totoo ay hindi kailanman nakipagtalik si Perseus kay Rochelle. Masyado niya itong iginagalang para gawin ang anumang bagay sa babae.
Sa tuwing lumalabas sila, nililimitahan niya ang kanyang pagpapakita ng pagmamahal sa paghawak sa kamay at paghalik. Aba, hindi pa nga niya nakikitang hubo’t hubad si Rochelle, kaya paano nito maipagbubuntis ang kanyang anak?
Hindi siya makapaniwala na ginawa siyang tanga.
“Oo.” Napabuntong-hininga si Lindsay. “Pagkalipas ng isang taon, pumunta kami sa kanyang bahay upang bisitahin ang sanggol, tapos sinabi niya sa amin na nalaglag pala...”
“Mrs. Caitford? Mrs. Caitford, nakauwi ka na ba?” isang malinaw na boses ang biglang umalingawngaw.
Lumingon si Perseus upang makita ang kislap ng berde papunta sa looban. Pakiramdam niya ay parang pamilyar ang pigura.
“Nasa loob ako ng bahay, Camie. Pasok ka.”
Nakilala agad ni Lindsay ang may-ari ng boses. Agad niyang pinapasok sa bahay ang babae.
“Camilla? Ikaw ba yan?”
“Ikaw si Perseus? Naka... Nakalabas ka na sa kulungan?”
Natigilan si Camilla Wagner na tumitig kay Perseus saglit. Nalaglag ang panga niya nang una niya itong makita.
Tumango si Perseus bilang tugon. Medyo pamilyar siya kay Camilla.
“Oo, kakalabas ko lang sa kulungan. Kumusta...”
Magkaklase sina Perseus at Camilla mula noong hayskul at nasa unibersidad sila. Nang makapagtapos sa unibersidad, pinili ni Camilla na magtrabaho sa ibang ospital. Hindi inaasahan ni Perseus na bibisita ang babae sa Skyview Acres sa oras na ito.
“Perseus, kailangan mong magpasalamat nang maayos kay Camilla, okay?” Sabi ni Lindsay habang inaabot ang isang basong tubig kay Camilla. “Siya ang tumulong sa amin sa oras ng aming pangangailangan sa nakalipas na tatlong taon. Salamat sa kanyang mga koneksyon sa kanyang ospital, nakakuha kami ng malaking diskwento para sa mga bayarin sa medisina ni Vincent.”
“Salamat.”
Sa wakas, naramdaman ni Perseus ang init na bumaha sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan na tutulungan ni Camilla ang mga Caitford.
Kung tutuusin, magkaribal sila sa akademya mula pa noong high school, parehong nag-aagawan para sa valedictorian. Lumalim ang kanilang tunggalian.
“Naku, wala iyon. Sinusubukan kong tumulong kapag kaya ko.”
Hinawa ni Camilla ang kanyang mahabang buhok, ang kanyang mga pisngi ay kulay rosas na ngayon.
Sa totoo lang, napakaganda niya. Ang kanyang mahabang berdeng dress ay nagdagdag ng dampi ng alindog ng dalaga, ngunit hindi nito maitago ang kanyang hubog na pigura. Isang pares ng dimples ang makikita sa kanyang hugis pusong mukha, kaya ang kanyang ngiti ay mukhang kaibig-ibig at inosente.
Gayunpaman, nabaling ang atensyon sa sandaling iyon, hindi napansin ni Camilla ang isang pulang imbitasyon na nalaglag sa sahig sa sandaling itinaas niya ang kanyang kamay.
Yumuko si Perseus para pulutin ito. Isang pamilyar na mukha ang nakatitig sa kanya nang buksan niya ang imbitasyon.
“Perseus, ahh...”
Sinubukan ni Camilla na agawin ang imbitasyon nang mapansin ang hindi maipintang ekspresyon ni Perseus.
Ang larawan sa loob ay nagpapakita ng nakangiting babae, ang mga braso ay nakayakap sa isang lalaki. Ito ay si Rochelle, na nakakapit sa walang iba kundi si Gilbert Martin—ang pervert binugbog ni Perseus tatlong taon na ang nakalilipas.
Hindi makakalimutan ni Perseus ang kanilang mga mukha.
“Ikakasal na ba sila?” Garalgal ang boses niya, may halong galit.
Napilitan si Perseus na sayangin ang tatlo sa pinakamagagandang taon niya sa kulungan dahil kay Rochelle. Gayunpaman, ginugol ng babae ang mga taong iyon sa pag-agaw sa klinika ng mga Caitford, iniiwan silang nalunod sa kanilang mga krisis.
Hindi maikakailang responsable si Rochelle sa naging sanhi ng kasalukuyang kalagayan ng kahirapan ng mga Caitford.
“Perseus, huwag kang malungkot. Hindi naman karapat-dapat si Rochelle sa’yo.”
Nakita rin ni Lindsay ang imbitasyon sa kasal. Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, “Sa taong nakulong ka, nakatanggap kami ng tatay mo ng ilang mga tsismis.
“Isang taon na ang nakalilipas, nasaksihan ng tatay mo habang may nilalakad siya si Rochelle na sumakay sa kotse ng isang lalaki. Mukhang malapit sila sa isa’t-isa.”
“Mom, ayos lang ako.” Pilit na ngumiti si Perseus. “Hindi ako malungkot dahil sa kanya. Kinamumuhian ko lang ang sarili ko dahil nabulag ako ng pag-ibig at nagdulot ako ng labis na pag-aalala sa inyo ni Dad. Nagdusa ang buong pamilya dahil sa’kin. Kasalanan ko ang lahat ng ito.”
Pangako niya, “Pero huwag kang mag-alala, Mom. Nakabalik na ako. Mula ngayon, magtratrabaho ako nang husto para suportahan ang pamilyang ito para ibigay sa’yo at kay Dad ang mga buhay na nararapat sa inyo.”
“Masaya akong nakabalik ka na. Parte ng buhay ang pagkakamali. Alam kong malalagpasan mo ito,” aliw na sabi ni Camilla.
Kanina, nabalitaan ni Camilla mula sa kapitbahay na may ilang tao na pumasok sa tirahan ng mga Caitford, kaya dali-dali siyang pumunta sa abot ng kanyang makakaya sa pag-asang matutulungan niya si Lindsay.
Ngayong nakabalik na si Perseus, ayaw na niyang manghimasok pa. Umalis siya pagkatapos makipagpalitan ng mga numero sa lalaki.
“Mabait na babae si Camie. Malaki ang naitulong niya sa amin nitong mga nakaraang taon,” puna ni Lindsay habang paalis si Camilla.
“Mom, magpahinga ka muna dito sa bahay. May bagay lang ako na aasikasuhin.”
Si Perseus ay labis na nabalisa ngayon. Kailangang-kailangan niyang gumawa ng isang bagay para mailabas ang kanyang pagkabigo.
“Malapit na magtanghali. Ano itong ‘bagay’ na kailangan mong asikasuhin? Kumain ka man lang muna bago lumabas.”
“Hindi, salamat. Kailangan kong maghanap ng trabaho,” pagsisinungaling ni Perseus.
Sa totoo lang, hindi niya kailangan ng trabaho, dahil sa kanyang mga kakayahan. Ang talagang hinahanap niya ay ang katotohanan.
Bakit nagsinungaling si Rochelle sa kanya? Bakit magpapakasal kay Gilbert ang babaeng iyon? At kailangan ding makipagtuos kay Tom Dawson.
Ang mga loan shark ay walang takot na sumalakay sa Skyview Acres—hindi nila alam na si Perseus ang Prison King.