Kabanata 12
“Hayaan mong magpahinga ang bata. Mag-usap tayo sa labas.”
Naglakad palabas si Cyrus nang nasa likod ang mga kamay, na ikinagulat ng lahat.
"Nagkamali ba sila ng diagnosis? Baka hindi talaga yun rabies?”
Natalo na naman si Benedict. Sa isang milyon na nabawas sa bank account niya, nakaramdam ng matinding kabiguan.
Sarkastikong nagkomento si Thomas, "Mr. Wright, bilang may-ari ng isang clinic, di mo ba alam ang rabies? Tignan mo ang kabilang surgical table. Nilagari ang ulo ng asong ulol at tinanggal ang utak nito. Maaaring isa tong sinaunang pamamaraan, tulad ng paggamit ng lason para labanan ang lason?"
Kahit na ang ganitong paraan ng panggagamot ay naitala sa mga sinaunang tekstong medikal mahigit 1800 taon na ang nakalilipas, kadalasan ay hindi ito nagtatagumpay kapag ginamit ito ng mga sumunod na henerasyon.
Si Rachel na natulala ay hindi na makangiti. Sinundan niya si Cyrus sa banyo at pinanood siyang maingat na maghugas ng kamay.
Tinanong niya siya, "Paano mo ito nagawa?"
Tiningnan siya ni Cyrus sa salamin at sumagot, "Dadami pa ang tanong mo sa hinaharap, pero wala akong planong bigyan ka ng anumang sagot."
"Naging mayabang ka."
"Nagustuhan mo ba?" Ngumisi si Cyrus.
Lumapit si Rachel, tumayo sa likod ni Cyrus, at bumulong, "Ang isang basurang tulad mong dinuduro ng libo-libo at biglang nanalo ng dalawang beses ay walang masyadong timbang. Maswerte ka lang."
Hinawakan siya ni Cyrus at nagtanong, "Kung ganun, sinusubukan mo na naman ba akong akitin?”
Sumimangot si Rachel, "Hmph, hindi maaasahan ang swerte. Mahirap ka pa rin."
"Hindi ganito kadali para sa aking kumita ng pera. Magsimula tayo sa pagkolekta ng mga utang mula kina Sean at Mr. Wright," kampanteng sabi ni Cyrus.
Paglabas niya, nakita ni Cyrus si Sean na itinulak ang two million debt acknowledgment document sa mga braso ni Zoey.
Galit na sabi niya, "Mababawi ko yan balang araw."
"Hindi, wala kang pagkakataong manalo laban sa'kin. Kahit ang tatay mo ay di yun kayang gawin,” deklara ni Cyrus.
"Basura ka lang. Ang lahat ng shares ng pamilya ko sa Herbal City ay napanalunan ko mula sa'yo.”
Halos lamunin na ng galit si Sean.
Matapos matagumpay na mailagay si Cyrus sa isang mahirap na sitwasyon, muntik nang mapasakamay niya si Zoey. Gayunpaman, nagbabalik si Cyrus.
Kasama ang halagang napanalunan niya kay Benedict, nanalo si Cyrus ng tatlong milyon sa loob lamang ng dalawang araw.
Pagtingin kay Benedict, sinabi ni Cyrus, "Ngayon, ikaw naman.”
"Hindi kapanipaniwala ang swerte mo." Galit na iniabot ni Benedict ang 500 thousand na cash kay Cyrus.
"Huwag kang umiling, tanda. Magsisimula pa lang ang magagandang araw mo. Simula pa lang to." Tumawa si Cyrus.
Tiningnan ni Zoey ang debt acknowledgment document at halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Lumapit si Cyrus, "Wala na akong utang. Kumain na tayo."
Habang pinagmamasdan ang matangkad at magandang pigura ni Zoey, nakaramdam si Sean ng kirot sa kanyang puso.
Galit niyang sinigawan si Cyrus, "Cyrus, gago ka, mawawalan ka ng ibang pagpipilian kundi kamatayan. Sigurado akong makukuha ko ang asawa mo."
...
Sa Jorsproburgh Hospital, nasa isang meeting si Frederick kasama ng senior management.
Sumugod ang anak ni Frederick na si Cecilia nang mukhang naguguluhan.
"Cecilia, bakit ka nagmamadali? Tignan mo ang itsura mo. Ikaw ang vice president," sumbat ni Frederick.
"Dad, gumaling na po ang bata," hinihingal na sabi ni Cecilia.
"Sinong bata?"
"Yung bata, yung apo nung matandang babae, yung may rabies."
Dinala ng matandang babae ang bata sa kanilang ospital kaninang umaga, at alam ng buong ospital ang tungkol sa kasong ito.
Naawa ang lahat sa batang hirap na hirap.
Nailigtas sana ang kanyang buhay kung naibigay nang mas maaga ang bakuna.
Kawawa rin ang matandang ginang, halos mabulag sa mga luha sa mga mata niya.
Gayunpaman, para sa isang nakamamatay na karamdaman, nanlumo ang lahat at ayaw nila siyang lokohin na maniwalang may pag-asa pa.
Kumaway lang si Frederick at nagsabing, "Kalokohan. Bumalik ka na sa trabaho. Huwag mong istorbohin ang meeting namin."
"Totoo yun; nakaadmit na siya sa ospital natin para magpagaling," giit ni Cecilia.
Bilang matinong babae, hindi magbibiro si Cecilia sa mga ganitong bagay.
Nagulat din ang iba pang executive sa mga sinabi niya habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala, at sinabihan siya, "Ms. Lopez, magpatuloy ka."
Sa pagtataka, nagtanong si Frederick, "Aling ospital ang nagpagaling sa kanya? Bakit nila siya dinala rito para gumaling?"
"Nagamot siya sa Innerzen Medical Center."
"Imposible. Alam ko ang level ng skill nila."
Bilang isang mahalagang tao sa medical community ng Jorsproburgh, madalas bumisita si Frederick sa Innerzen Medical Center.
Madalas silang maglaro ng ilang round para makipagpalitan ng kaalaman sa medisina, ngunit hindi siya kailanman nahumaling dito at hindi siya naabalang mawalan ng ilang daang libong dolyar.
Sa isang hawi ng nakatali niyang buhok at mga kamay na nakasuksok sa puting coat niya, sinabi ni Cecilia, "Ang totoo, si Cyrus ang nagpagaling sa kanya."
"A-aling Cyrus?"
"Sino pa ba? Ang walang kwentang asawa ni Zoey, si Cyrus."
Nagbago nang husto ang mukha ni Frederick; napatayo siyang bigla at sumigaw, "Imposible!"
"Nasa 10th floor siya ng inpatient department. Ikaw mismo ang tumingin sa kanya,” mungkahi ni Cecilia.
Umalis si Frederick, at sumunod din ang iba pang mga executive.
Kung totoo ito, sapat na ito para gumawa ng kasaysayan at yanigin ang Jorsproburgh.
Sa ward, nakakunot ang noo ng attending physician habang hawak ang reseta na isinulat ni Cyrus.
Hindi isang doktor sa ospital si Cyrus. Dapat bang sundin ang reseta niya?
Gayunpaman, napakalaking tagumpay kung kaya niyang magpagaling ng rabies. Hindi sila naglakas loob na kalimutan ito.
Nang makitang papasok si Frederick, nagmadaling lumapit ang attending physician.
Isinantabi siya ni Frederick at hinawakan ang pulso ng bata para tingnan ang pulso niya.
Nanlaki ang mga mata niya at nanginig ang bibig niya.
Inalalayan ni Cecilia ang matandang babae na maupo at tinanong, "Madam, ano po ang pangalan ng gumamot sa apo mo?"
“Dr. Johnson ang tawag sa kanya, isang naghihimalang doktor. Dahil alam niyang isa lang akong janitor, hindi siya naningil nang kahit isang sentimo."
"Ano? Wala siyang kinuhang pera?"
Nagsimulang tanungin ni Cecilia ang lahat ng bagay sa buhay.
Paanong hindi hihingi ng pera si Cyrus, na nabubuhay sa kahirapan at nalulunod sa utang?
"Oo."
Pinakalma ni Frederick ang mga emosyon niya at kasing kulay ng atay ng baboy ang mukha niya.
Tanong niya, "Madam, yung Dr. Johnson na binanggit mo, ano ang buong pangalan niya?"
"Sa tingin ko tinatawag siya ng lahat na Cyrus Johnson. Sabi nila, gastador daw siya. Baka bulag lang ang mga taong iyon."
"Hmph, wala lang siya kundi isang gastador," agresibong sagot ni Frederick.
Agad na hindi natuwa ang matandang babae.
Mabilis siyang tumayo at galit na tinuro si Frederick, "Sa anong dahilan mo iniinsulto ang nagligtas sa buhay ng apo ko? Siya ang tunay na sagisag ng isang mahabaging doktor. Maalaga siya tulad ng isang magulang."
"Ang mahalaga lang sa inyo ay kumita ng pera sa mga pasyente. Kung kaya nitong magligtas ng buhay, kailangan ko pa bang maglibot para humingi ng tulong para sa apo ko?"
Naiwang tulala si Frederick sa sagot niya at lumabas siya nang mukhang bilasa.
Inutusan niya si Cecilia, "Pumunta ka sa bahay ni Zoey at alamin mo kung paano ito nagawa ni Cyrus."
"Hindi ba maling bisitahin sila pagkatapos natin silang itaboy?" Nag-alinlangan si Cecilia.
"Ayos lang. Gusto niyang dumalo sa birthday celebration ng biyenan niya at interesado siyang makipag-negosyo sa atin. Pwede tayong makipagnegosasyon gamit iyon,” paniniguro ni Frederick.
Minaneho ni Cecilia ang Audi A8 niya papunta sa Herbal City ng Jorsproburgh at nagkataong nakasalubong niya si Phoebe na pumunta rito para maningil sa utang.
"Walang hiya ka. Gusto mo na namang manghiram ng pera sa tatay ko," saway ni Phoebe pagkapasok na pagkapasok niya.
Natural siyang mapagmataas.
Habang kumakain sina Zoey at Cyrus, hindi sumagot si Zoey sa kapatid niya dahil wala siyang balak na bayaran ang 200 thousand dollars.
Ayon sa dibisyon ng ari-arian ng ama niya, dapat ay mayroon siyang hindi bababa sa 30 milyon.
Ngunit sa sitwasyon ng pamilya niya, kapag binayaran niya itong 200 thousand dollars, wala siyang makukuhang kahit isang sentimo sa hinaharap.
Inilapag ni Cyrus ang mga kubyertos niya at sinabing, "Zoey, bayaran mo ang utang mo sa tatay mo."
"Wag kang mangialam,” iritadong sambit ni Zoey.
"Magtiwala ka sa'kin, hindi naman biglaang mawawala ang papa mo sa ngayon. Kaya huwag na nating pasanin ang utang na ito. Kung ano man ang nararapat na mapunta sa'yo sa hinaharap, sisiguraduhin kong mababawi mo ang lahat ng iyon," payo ni Cyrus. .
Sinimulan na ng stepfamily ang pag-angkin sa kayamanan ng pamilya, na inaasahan ang napipintong pagkamatay ng matandang father-in-law.