Kabanata 8 Mag-isa Lamang
Sa ospital...
Nagsagawa ang doktor ng isang physical exam kay Yvonne na may seryosong mukha. "Miss Frey, malamang matagal ka nang may gastric problem, di ba? Sa kabutihang palad, hindi ito masyadong seryoso. Pagtuunan mo lamang ng pansin ang diet mo."
"Siguro kaya biglang sumumpong ngayong gabi dahil hindi ka kumain sa tamang oras. Ano nga pala ang nakain mo ngayon Miss Frey?”
Ano ang kinain niya ngayong araw? Si Yvonne ay tumingin kay Henry ng may halong hiya. Kabadong kabado kasi siya simula nung tanghalian at at nag-overtime pa siya. Paano naman siya magiging nasa mood na kumain ng kahit ano?
"Doc, mayroon bang treatment para permanenteng gumaling ang mga gastric problem?"
Sumimangot si Henry, medyo naguilty siya sa ilang kadahilanan nang tumingin siya sa maputlang mukha ng babae.
"Medyo mahirap iyon." Umiling ang doktor. "In any case, ang gastric problem mo naman ay hindi gaanong seryoso, Miss Frey. Siguraduhin mo lang na mapapanatili mo ang isang healthy diet at kumain ka sa tamang oras. Gagaling ka rin."
Binigyan ng doktor si Yvonne ng ilang mga payo, pagkatapos ay sinabi sa kanya na magpahinga doon habang hiniling niya sa nurse na kumuha siya ng ilang mga gamot.
Pagkasara pa lang ng pintuan ng ward, naging masigla ang kapaligiran.
Ikinuyom ni Yvonne ang kanyang mga kamay at tiningnan ang madilim na langit sa labas ng bintana. "Sinabi ng doktor na kailangan ko pang kumuha ng IV drip mamaya. Hindi ako makakauwi nang maaga, kaya pwede ka nang mauna kung gusto mo."
"Ayos lang. Maghihintay lang ako dito."
Hindi nagpakita ng sobrang ekspresyon si Henry sa kanyang mukha habang hinugot niya ang isang upuan mula sa tagiliran at inilabas ang kanyang telepono, na parang magtatrabaho doon.
Bagaman hindi siya nag-alok ng anumang mga salita ng aliw, hindi mapigilan ni Yvonne ang ngiti sa mukha nito habang nakatingin sa gilid ng mukha ni Henry.
Nilaro niya ang kanyang manggas habang nag-aalangan, pagkatapos ay nagtamo ng lakas ng loob na bumulong, "Sa totoo lang, palagi kong hinahangad na may sumama sa akin sa ospital tuwing masama ang pakiramdam ko dati."
Ngayon...hindi na niya kailangan mag-isa.
Inangat ni Henry ang kanyang ulo para tumingin sa kanya. Ang ilaw sa kwarto ay naging sanhi ng paglabas ng mukha ni Yvonne na mas maputla pa. Ang nakalantad niyang leeg ay mukhang napaka payat.
Sa anumang dahilan, naramdaman niya na parang may kumurot sa kanyang puso.
Ang kakaibang pakiramdam ay ikinasimangot niya, pero hindi niya ito maintindihan.
Binasa ni Yvonne ang ekspresyon ng mukha ni Henry na tila ito ay naiinis. Kaya't mabilis siyang nagpaliwanag sa takot, "Please huwag kang magalit! Hindi ko sinasadya na punahin ka, ano lang kasi…"
Nabigo lang siya na kontrolin ang emosyon niya ...
Mula noong araw na ikinasal sila, nilinaw ni Henry na wala siyang nararamdaman para sa kanya at walang mangyayari sa pagitan nila.
"Magpahinga ka muna," malamig na sinabi ni Henry at mas malalim na kumunot ang noo nang mapansin niya kung paano niya sinubukang ibahin ang pag-uusap.
"Si-Sige..."
Hindi na naglakas-loob si Yvonne na magsalita sa takot na baka magkamali pa siya. Masunurin niyang ipinikit ang mata at sinubukang magpahinga.
Matapos ang isang mahabang araw sa trabaho, mabilis siyang nakatulog sa kama ng ospital.
Isinantabi ni Henry ang kanyang trabaho at pinanood ang pagtulog ni Yvonne na may mapagalalang mga mata.
Si Yvonne Frey ay isang magandang babae sa kanyang paningin.
Siya ay maputi, may maliit na mukha, at may isang matangos na ilong. Bagaman hindi sobrang nakakabighani ang kagandahan niya, kwalipikado pa rin siya bilang isang maganda at kaibig-ibig na babae.
Hindi lamang iyon, pero ang kanyang mga mata ay palaging maliwanag tuwing siya ay tumingin sa kanya ...
Rrrriiiing!
Biglang nag-ring ang phone niya.
Lumabas si Henry sa ward at sinagot ito. "Ano ‘yun?"
"Sir, sinabi ng doktor na lumalala ang kondisyon ni Miss Conrad. Dapat siyang maghanda para sa operasyon anumang oras ngayon. Kailangan niyo na pong gawin ang desisyon niyo sa lalong madaling panahon."
Naging seryoso ang mukha ni Henry sa pagiging urgent ng boses ng kanyang assistant. "Sabihin mo sa doktor na bibigyan ko siya ng sagot bukas."
"Copy, sir."
Binaba niya ang tawag, pagkatapos ay tumingin kay Yvonne mula sa pintuan na may isang masalimuot na mukha.
Halos nakalimutan na niya ang tungkol sa babaeng ito. Bumalik lang siya para sa isang bagay.
Kaya lang, hindi niya masabi sa kanya kung ano ang nasa isip niya tuwing sinasalubong siya ng makikinang na mga mata nito.
Kahit na, ang bagay na ito ay kailangang lutasin!