Kabanata 9 Gumawa ng Apo Sa Lalong Madaling Panahon
Sa paggising ni Yvonne, ang IV catheter ay tinanggal na mula sa likuran ng kanyang kamay.
Pinunasan niya ang kanyang mga mata at nakita ang pagpasok ng doktor. "Doc, sa tingin ko ayos na ako ngayon. Kailan ako madidischarge?"
"Mukhang hindi pa pwede. Sinabi sa akin ni Mr. Lancaster na nais niyang manatili ka sa ospital ng ilang araw pa para sa imonitor. Maaari ka lamang mapalabas matapos naming matiyak na ang gastric problem mo ay talagang isang gastric problem lamang. "
"Nasaan na po siya ngayon?"
Gulat na napaupo si Yvonne. Kung mananatili siya sa ospital para sa maobserbahan, kailangan niyang mag-sick leave sa trabaho.
"Umalis na si Mr. Lancaster. Ipinaalam niya sa akin na babalik siya bukas. Miss Frey, sa palagay ko mahalaga ang concerns niya. Ang mga gastric problem ay maaaring magkakaiba nga kalubhaan. Magiging mabuti para sa iyo na ma-checknatin ito nang maayos."
Nagbigay ng payo ang doktor, pagkatapos ay lumabas dahil may isang nurse na naghahanap sa kanya.
Dahil hindi makalaban si Yvonne sa kagustuhan ni Henry, nahiga lang siya sa kama ng ospital at nakatulog muli.
Pagkagising niya kinaumagahan, may narinig siyang kaguluhan sa labas bago pa siya makakain ng agahan. Sa pagkabigla niya, bumalik siya sa ilalim ng kanyang kumot at humiga sa kama.
Nang bumukas ang pinto, binuka niya ang kanyang mga mata at kumilos na para bang kakagising lang niya. Gayunpaman, hindi si Henry ang pumasok. Ang kanyang grandfather-in-law!
“Grandpa! Bakit kayo nandito?"
Huminto si Yvonne sa pagpapanggap at bumangon mula sa kama habang pinapanood ang pagpasok ni Master Lancaster kasama ang ilang tao sa likuran niya. Dumating pa sila na nagdadala ng mga regalo para sa kanya.
"Umupo kayo rito, Grandpa."
Sa kabila ng mabait na ngiti sa mukha ni Master Lancaster, hindi mapigilan ni Yvonne na makaramdam ng kaba habang hinugot niya ang upuan sa tabi ng kanyang kama.
"Naku ‘wag mo akong alalahanin. Umupo ka rin, Yvonne.”
Ngumiti si Master Lancaster habang may tumulong sa kanya sa kanyang kinauupuan. "Narinig ko na na-ospital ka kagabi, kaya't nilinaw ko ang pag-utos sa kusina na gumawa ng masustansiyang pagkain para madala ko ito at dalawin kita. Anong nararamdaman mo ngayon?"
"Mabuti naman po, Grandpa. Hindi niyo naman po kailangang personal na bisitahin pa ako, kahit tawag lang po ayos na."
"Oh, paano ko naman magagawa iyon?" Sinabi ni Master Lancaster habang nahuhulog ang kanyang tingin sa kanyang tiyan. "Ano ang pakiramdam mo pagkatapos magpahinga sa ospital ng isang gabi? Nakakaramdam ka ba ng pagkahilo o anumang paglilihi?" nag-aalala niyang tanong.
"A-Ano po?" Natigilan si Yvonne sa mga tanong. Nasa ospital lamang siya para sa gastric problem. Bakit biglang itanong sa kanya ng matandang lalaki ang mga katanungang ito?
“Bakit kasi hindi ka maingat, apo? Kailangan mong bigyang-pansin ang iyong diet sa oras na ito!” sabi ng matanda na may labis na pag-aalala. Malamang ay ipinapalagay niya na buntis si Yvonne matapos marinig na siya ay na-ospital kagabi.
Nang makita na siya ay nalilito pa rin, binigyan siya ng isa pang paalala ng matanda. "Kailangan mong sabihin sa doktor kung nakakaramdam ka ng anumang ‘di komportable sa katawan! Huwag mong pahirapan ang aking apo sa tuhod!"
Apo sa tuhod?
"Umm... Grandpa, sa palagay ko nagkamali kayo. Pinasok ako sa ospital dahil sa gastric problem, hindi po dahil sa buntis ako. ”
Isa itong awkward na hindi pagkakaintindihan!
Minsan lang may nangyari sa kanila ni Henry, kaya paano siya madaling magbubuntis? Kahit rin magbunga ‘yun, ‘di siya makakaramdam ng sintomas nang ganito kaaga!
"Hindi ka buntis?" Ang ngiti sa mukha ng matanda ay agad na nawala. "Pinasok ka lang sa ospital dahil sa gastric problem at hindi pagbubuntis?" naiinis na tanong niya.
"Grandpa?"
Nagkataong bumalik si Henry mula sa pagbili ng agahan sa labas at nagulat ng makita ang kanyang lolo dito. "Bakit kayo nandito?"
"Bakit, hindi ba ako pwedeng mapunta dito?!" Agad na naging madilim ang mukha ng matanda. "Tingnan niyo nga ang sarili niyo! Tatlong taon na kayong kasal at wala pa kayong anak! Plano mo ba akong mamatay sa galit?! "
Ang mga magulang ni Henry ay pumanaw noong bata pa sila, kaya't si Master Lancaster ay naiwan na lamang sa kanyang apo. Kung hindi sila makakagawa ng isang tagapagmana sa lalong madaling panahon, sino ang magpapatuloy sa pamilyang Lancaster?
"Grandpa, hindi mo mapipilit ang isang bagay tulad nito. Ipaplano namin ito sa hinaharap." Inilapag ni Henry ang agahan sa mesa at pinakalma ang matanda.
"’Di ba, Yvonne?" Tumingin siya sa direksyon ni Yvonner at sa unang pagkakataon ay magiliw na nakipag-usap sa kanya.
“Ha? O-Opo, Lolo. Magpaplano na rin po kami malapit na." Pinilit ni Yvonne na sakyan ang usapan habang namumula ang pisngi.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya ni Henry sa kanyang pangalan.
"Hmph!" Agad na nakita ni Zachary Lancaster ang kanilang mga trick. "Sige, maghihintay ako! Huwag kayong magtatangka na pumasok sa Lancaster Estate kung hindi niyo ako mabibigyan ng magandang balita ha!"
"Makakaasa po kayo, Grandpa." Lumapit si Henry at tinulungan ang matandang lalaki na bumangon. "Bakit hindi kayo umuwi at magpahinga muna? Ang hangin sa ospital ay hindi maganda para sa mga may edad tulad niyo."
"Tama po, master. Bumalik muna tayo." Isang matandang mayordoma ang lumapit at kinumbinsi siya. “Tignan niyo, bumili si sir ng agahan at naghihintay na kumain kasama si madam. Huwag na po tayong manatili at makaabala pa sa kanila."
"O siya sige." Ang ekspresyon ng matanda ay lubos na nakapagrelaks nang marinig iyon. "Tandaan niyo ang sinabi ko ngayon lang! Huwag niyo subukang di ako pansinin pati ang paalala ko!" Nagsalita siya ulit sa harap nila bago siya umalis.
Mabilis na naisara ulit ang pinto. Nakahinga nang maluwag si Yvonne pero nakaramdam din siya ng gulo sa isip nito lang.
Kung hindi siya magkaanak sa hinaharap...Paghihiwalayin ba sila ni Master Lancaster?