“Wala ka na do’n. Basta padalhan mo na lang ako ng pera ngayon. Kailangang-kailangan ko na!” Mariin na sabi ni Jason na naubusan na ng pasensya.
Sumingkit ang mga mata ni Yvonne dahil sa pagsusupetya. “Hindi kita bibigyan ni sinkong duling hangga’t di mo sinasabi kung para saan?”
Hindi naman talaga niya ito mabibigyan kahit singkong duling kahit pa sabihin nito kung para saan ito. Wala na kasi talaga siyang pera.
“Bakit ba ang kulit mo? Hindi ba sabi ko kailangang-kailangan ko na? Bakit ba ang dami mong tanong?!” Sigaw ni Jason dahil sa pagmamatigas ni Yvonne.
Hinigpitan ni Yvonne ang kapit sa kanyang cellphone at nagpupuyos na rin siya sa galit. “Mahirap ba ang tanong ko? Dapat ko lang naman malaman kung saan mo ginagamit ang mga perang binibigay ko sa’yo! Ni ayaw mo nga sabihin kung para saan eh, kaya bakit kita bibigyan?”
“Eh kasi kapatid kita. Kaya dapat lang na binibigyan mo ako ng pera. Tandaan mo ako lang ang anak na lalaki sa pamilya natin. Kakailanganin mo ako para