Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15 Kilalang-kilala Mo Ba Siya?

"Yvonne, hanggang kailan mo pa kailangan magtrabaho sa mga dokumentong ito? Pasado alas dose na! Bumaba muna tayo para mag-lunch?" "Hindi, hindi pwede eh." Napaangat ang ulo ni Yvonne habang hinihimas ang mga namamagang braso nito at tinignan si Lynette sa ibabaw ng mga tambak na dokumento sa mesa niya. “Mayroon pa akong ganito karaming mga dokumento para icheck, Lyn. Kung hindi ko sila matatapos ngayon, sigurado na kailangan kong mag-overtime ngayong gabi hanggang sa kung anong oras nanaman." Kung mag-oovertime siya hanggang sa madaling araw ng gabi, marahil ay hindi siya makakakuha ng taxi pauwi at baka matulog sa opisina. "Bakit napakarami ng mga dokumento na yan?" Sumimangot si Lynette. "Kailangan mo bang tapusin lahat sa loob ng araw na ito? Diyos ko! Sino naman ang kayang makatapos nito? Bakit parang walang awa si Mr. Lancaster?" "Hindi ko rin alam..." singhal niya. "Sinabi ko naman sa’yo mula sa simula pa lang na si Mr. Lancaster ay hindi madaling pakisamahan. Napakahigpit din niya sa paggawa ng mga bagay at hindi pwedeng ang anumang mga pagkukulang. Sa kanya, ang paghandle perfectly ng lahat ng mga gawain ay responsibilidad na dapat tuparin ng lahat ng mga empleyado. Wala siyang pakialam kung pagod ka na o hindi pa." Napakahina ng pagsasalita ni Yvonne, natatakot na marinig ito ng mga tao sa tanggapan ng CEO. "Talaga?!" Nanlaki ang mata ni Lynette. "Buti na lang hindi ako napili noon. Kung hindi, siguro namatay na ako sa pagod!" Matapos sabihin iyon, tumingin siya ng maingat na sulyap sa tanggapan ng CEO bago bumulong, "Yvonne, ilang araw lang nung naging assistant ka niya. Bakit parang alam na alam mo ang pagkatao ni Mr. Lancaster?" Nawalan ng masasabi si Yvonne. Nang sinusubukan lamang niyang maghanap ng dahilan para maiayos ang mga bagay, nakarinig siya ng mga paggalaw sa labas ng pintuan. Sinundan niya kaagad ang ingay ng kanyang tingin at nakita lamang si Shane na lumalabas mula sa tanggapan ng CEO, na tumatawag sa isang tao sa kanyang telepono. Tiningnan niya siya ng may sobrang interes at nagtaka si Yvonne kung narinig niya ang pag-uusap nila. Nang makita ang sitwasyon, mabilis na dumulas si Lynette sa labas ng kanyang tanggapan sa takot na malagot nanaman sila sa boss. Nagmasid si Shane sa kanyang pag-alis nang naguguluhan, pagkatapos ay pumasok sa tanggapan ni Yvonne. “Sis-in-law, mukha ba akong multo? Bakit umalis kaagad ang kaibigan mo nung makita niya ako?" "Hindi naman siguro!” Hindi mapigilan ni Yvonne na makonsensya matapos ang tsismis tungkol kay Henry kanina at hindi sinasadyang sinubukang ipaliwanag ang kanyang sarili. "Baka nahiya yung kaibigan ko dahil masyadong gwapo si Mr. Summers, kaya't tumakas siya." "Talaga?" Lumawak ang ngiti sa mukha ni Shane. Nagmula sa isang mayamang pamilya, si Shane ay nakatanggap ng maraming mga papuri sa mga nakaraang taon. Gayunpaman walang kasing direkta tulad ni Yvonne, kaya't nabigla siya nang kaunti. Napansin ni Yvonne ang hindi pangkaraniwang ekspresyon ng mukha ni Shane, pagkatapos ay agad na napagtanto na may sinabi siyang mali at nagpanic. “T-teka, ano, kalokohan lang ang sinasabi ko! Please wag mong seryosohin, Mr. Summers!" Pinahirapan ng maraming mga dokumento sa kanyang mesa buong umaga at lihim na sinasabi ang ilang masasamang bagay tungkol kay Henry sa kanyang matalik na kaibigan, nakakita lamang siya ng isang basta-basta na dahilan para maiayos ang mga bagay sa takot na malaman ni Shane ang tungkol sa kanilang pag-uusap. Hindi niya inaasahan na lalala pa ang mga bagay! Ilang beses pa lang nagkita sina Yvonne at Shane. Talagang masyadong rash ang pananalita niya sa isang tao na medyo hindi niya kilala. "Ayos lang. Alam kong nagbibiro ka, sis-in-law. ” Ngumiti si Shane sa kanya. "Hindi mo kailangang maging stranger sa paligid ko. Matagal ko nang kilala si Henry. Dahil asawa ka niya, ikaw ang sis-in-law ko." "G-Ganon ba ...?" Nakahinga siya ng maluwag, pero medyo nanlalabo ang kanyang mga mata. "Buweno, hindi ako sigurado kung gaano pa ako katagal magiging sis-in-law mo…" "Ano ang pinagsasabi mo, sis-in-law?" "Hindi, wala." Umiling si Yvonne at itinago ang nararamdaman. Lumawak ang ngiti ni Shane nang makita ang reaksyon ni Yvonne. Itinapon niya ang isa pang sulyap sa tanggapan ng CEO saka sinabi, "Ay tama, narinig kong ang iyong kumpanya ay nag-organisa ng welcoming party para kay Henry. Pupunta ka diba?" "Welcoming party?" Sumulyap sa kanya si Yvonne. Mayroon nga palang ganoong bagay. Dahil nabili ni Henry ang kumpanya, natural na mag-oorganize ng dating top management ng welcoming party. Alam na ng lahat sa kumpanya ang tungkol dito at inimbitahan din ni Henry ang ilang mga kaibigan para sa mga hangaring panlipunan. "Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako." Tiningnan niya ang mga dokumento sa mesa niya na may sakit sa ulo. Paano niya dadalhin ang kanyang sarili sa pagdalo sa isang pagdiriwang kung hindi niya matapos ang kanyang trabaho? Tila naunawaan ni Shane ang kanyang mga paghihirap at umalis nang hindi nagtanong pa.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.