Kabanata 14 Si MR. Summers ay Masyadong Gwapo
"Sister-in-law, ikaw…"
"Yvonne Frey, anong ginagawa mo sa labas?"
Ang malamig at hindi kanais-nais na boses ni Henry ay tumunog sa loob ng opisina!
Hindi niya inaasahan na mangangahas si Yvonne na makipag-flirt sa ibang tao sa harap niya!
Binigyan na niya ito ng isang pahiwatig nang sila ay nasa labas ng istasyon ng pulisya noong nakaraan, pero ang babaeng ito ay tila hindi talaga nagseseryoso!
Kahit na mag-asawa lamang sila sa pangalan, wala ba siyang kamalayan ng isang babaeng may asawa?
"W-Wala!" Bumalik sa katinuan si Yvonne at mabilis na inilayo ang sarili kay Shane. Sumulyap siya sa kanya nang paumanhin, pagkatapos ay ipinasa ang mga dokumento sa kanyang kamay kay Henry agad-agad.
"Mr. Lancaster, ito ang lahat ng impormasyong nacompile ko. Mangyaring tingnan niyo na lang. Kung wala nang iba pa, babalik na po ako sa opisina ko."
Binalikan ni Henry ang dokumento at naging maasim ang mukha. "Sigurado ka bang nacheck mo ang mga dokumentong ito?"
"Opo, nacheck ko na silang lahat." Nagulat si Yvonne. "Mayroon bang problema, Mr. Lancaster?"
"Kung ganon dapat mo talagang icheck uli ang mga ito!" Sinara ni Henry ang file. "Ang kontrata sa Chromatic Entertainment ay hindi pa opisyal na nilagdaan dahil pinaplantsa pa natin ang mga detalye, pero minarkahan mo ang dokumento bilang completed? Ni hindi mo maingat na chineck ang mga detalye! Paano kung magkaroon ng problema sa account ng kumpanya sa paglaon?"
"Pa-pasensya na po, Mr. Lancaster! Ichecheck ko ulit sila! " Namutla si Yvonne at kukunin na pabalik ang lahat ng mga dokumento.
"Sandali."
Pinigilan siya ni Henry, saka sumenyas sa desk ng opisina gamit ang kanyang baba. "Asikasuhin mo din ang mga dokumento sa mesa."
Iyon ang lahat ng mga kontrata na nilagdaan.
Dahil sa kapabayaan ng dating namamahala sa itaas, karamihan sa kanila ay hindi nauri nang maayos. Kinukuha niya ang opurtunidad na ito para ayusin din silang lahat.
"Lahat din ng mga ito?"
"Oo. Ano pang tinatayo-tayo mo dito? " Sumimangot si Henry sa kanya.
"Pero Mr. Lancaster, maraming mga dokumento dito. Hindi ako sigurado kung gaano katagal ang kakailanganin ko para matapos silang lahat nang mag-isa…"
"Hindi ba ang dami mo ngang oras na para makinig sa usapan ng iba? Bakit ka biglang masyadong busy para sa mga totoong gawain? Siguro hindi mo na kailangang bumalik sa trabaho bukas."
"...Naiintindihan ko."
Nasamid si Yvonne sa sarili niyang mga salita at ibinaba ang ulo. Sumulong siya at mabilis na inilayo ang lahat ng mga dokumento. "Matatapos ko kaagad sila, Mr. Lancaster." Ano ang gagawin niya kung mawalan siya ng trabaho bago maibalik kay Henry ang pitong daang libong dolyar na inutang niya?
"Watch your step, sis-in-law."
Tutulungan ni Shane si Yvonne nang makita niya ang malaking tumpok ng mga dokumento sa kanyang mga kamay, pero nakikita niya ang mukha ni Henry na nagiging mas madilim sa gilid ng kanyang mata.
Tinaas niya ang kanyang kilay at isinara ang pinto ng opisina matapos mapanood ang pag-alis ni Yvonne, pagkatapos ay dahan-dahang nagbuhos para sa sarili ng isang tasa ng tsaa. "Henry, sana hindi ako pinaglalaruan ng aking mga mata, pero nagkamali ka ba ng pagkakaintindi sa nangyari kanina at nagselos ka?"
"Pwede ba wag ka ngang puro imagination diyan? Hindi ako interesado sa mga kababaihan na walang gaanong utak."
"Ganoon ba?" Makahulugang tanong ni Shane. "Kung talagang hindi mo siya gusto, bakit mo siya pinananatili sa tabi mo at pinili mo pa siyang assistant mo? Hindi ko lang magets ang mga kilos mo."
Mahinang humirit si Henry. "Masyado ka rin bang maraming oras ngayon para magbigay ng pansin sa isang nobody?"
"Isang nobody?" Inulit ni Shane ang mga salita ni Henry, pagkatapos ay biglang ngumiti. "Wala akong panahon para pakialaman ang mga bagay na ito. Gusto ko lang ipaalala sa iyo na maging maingat ka sa mga gagawin mo, baka pagsisisihan mo sila sa hinaharap."
"Alam ko."
Dinilayan ni Henry ang kanyang mga mata at malabo na nakikita ang opisina ng assistant sa mga blinds.
Iniwan ni Yvonne ang pintuan na bukas at inaayos ang mga dokumento, mukhang nababagabag. Ang kanyang magagandang kilay ay mahigpit na pinagtagpi.
Hindi kabigha-bighani ang kanyang mukha, pero ang kanyang magandang kutis ay attractive sa kanyang mga mata.
Bahagyang nagdilim ang mukha ni Henry nang maalala niya ang kanyang hindi pangkaraniwang pag-uugali ngayon lang. Imposibleng mapaibig siya sa ganitong klaseng babae!