Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 13 Sino si Jacqueline Conrad?

"Henry, bakit mo binigyan si mama ng ganoong karaming pera?" Maingat na tanong ni Yvonne habang pareho silang bumababa ng hagdan. Bakit siya nagbigay ng ganoong karaming pera? Ito ba ay para ipakita na siya ay nagmamalasakit sa kanya, o nasanay lang siya sa pagsukat sa halaga ng isang tao sa pera? "Walang partikular na dahilan." Ang ugali ni Henry ay nanatiling walang malasakit. Matapos mag-utos sa kanya na sumakay sa kotse at isuot ang seatbelt, pinasimulan niya ang kotse at ang kanyang mga kilay ay magkasalubong na sa buong panahon na ito. Kung titingnan ito ngayon, ang kanyang pagkilos ay talagang hindi pangkaraniwan. Sa katunayan, nagulat siya nang malaman na siya ay talagang magagalit sa isang sakim at makiling na babae tulad ni Ginang Frey. Para sa labis na pera...ibibigay niya lang ito para makabawi kay Yvonne. "Pero..." May ibang nais sabihin si Yvonne, pero nilunok niya ang kanyang mga salita kasabay ng guilt sa kanyang lalamunan nang makita ang ekspresyon ng mukha nito. Matapos makatanggap ng napakaraming pera nang walang dahilan, hindi niya alam kung paano siya makakabawi. Nang umuwi na sila, sinabi lang sa kanya ni Henry na magpahinga siya at pagkatapos ay lumabas ulit ang lalaki maya maya. Labis na nabalisa, siya ay pag-ikot ikot buong gabi sa kama, hindi makatulog. Kinaumagahan, bumangon si Yvonne mula sa kama na may mga matang puyat. Buong gabi niya itong iniisip. Mukhang mababayaran lamang niya ang pitong daang libong dolyar sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa buong buhay niya para kay Henry. “Madam, handa na ang agahan. Gising ka na ba?" Ang boses ni Sue ay nagmula sa kabilang panig ng pinto. "Sige Sue, lalabas na rin ako." Mabilis na bumangon si Yvonne, naligo at nagpalit ng damit. Sa oras na siya ay bumaba, si Henry ay nakaupo na sa hapag kainan na kumakain ng agahan. Binagalan ni Yvonne bigla ang kilos niya. Ang ugnayan sa pagitan nila ni Henry ay tila biglang nagbago mula sa ‘husband and wife’ papunta sa ‘nagpautang at may utang’, kahit na hindi pa naman talaga sila naging tulad ng isang mag-asawa. Sumulyap lamang si Henry sa itaas at hindi siya gaanong pinagtuunan ng pansin. Matapos niyang mag-agahan, tumayo siya at pinunasan ang kanyang mga kamay ng serbilyeta. "Hihintayin kita sa labas," sinabi niya sa kanya gamit ang madalas niyang mapurol na tinig. "Sige, matatapos din ako agad!" Hindi naglakas-loob si Yvonne na paghintayin siya ng sobrang tagal. Kinain niya agad ang kanyang agahan at nagmadaling lumabas. Ibinaba siya ni Henry sa parehong interseksyon tulad ng napagkasunduan dati. Mabilis na lumakad si Yvonne sa kanyang pinagtatrabahuhan at magpapunch-in na para sa trabaho nang marinig niya ang usapan ng kanyang mga kasamahan sa tabi niya. "Tingnan mo iyan, iba talaga yata ang pagkakaroon ng backing. Pinromote siya ng bagong CEO bilang secretary sa kanyang unang araw sa kumpanya. Hindi lahat ay nakakakuha ng ganyang uri ng pagtrato. ” "Hindi naman siguro ganun. Marahil siya ay mas may kasanayan sa ilang iba pang mga bagay at nakipag-hook up pala sa CEO!" Narinig ni Lynette ang tsismis at magsasalita na sana siya ng kaunting sermon sa kanila. Gayunpaman, pinigilan siya ni Yvonne nang saktong panahon. “Kalimutan mo na, Lyn! Hindi natin makokontrol ang anumang gustong sabihin ng mga tao." "Ang mga taong ‘to ang alam niyo lang magtsismisan!" Tinignan sila ni Lynette ng masama. "Tara na, kailangan nating magtrabaho kaagad." Matapos ang mahabang pananatili sa kumpanya, natural na alam niya ang politika sa opisina dito at matagal na siyang nasanay. Bumalik siya sa kanyang tanggapan at inayos ang mga dokumento na hiniling ni Henry bago ipadala ang mga ito. Mula ngayong araw na ‘to, magsusumikap siya para mabayaran niya ang kanyang utang sa lalong madaling panahon! "... Henry, ang operasyon ni Jacqueline Conrad ay naitakda na. Ikaw ba ang nag-ayos nito? Nagpadala ka rin sa assistant mo ng malaking halaga ng pera sa babaeng iyon. Iyon na ba ang kanyang kabayaran?" Kakatok pa lamang ni Yvonne sa pintuan ng CEO nang marinig niya ang pag-uusap na nangyayari sa loob. Parang pamilyar sa kanya ang boses. Ang boses na ito ... Malabo niyang naalala na narinig niya ito sa panahon ng kanilang kasal. Ano ang pinag-uusapan nila? Isang bagay tungkol sa pag-utos sa assistant niya na magpadala ng pera at maibsan ang kanyang guilt? Sino si…Jacqueline Conrad? Bakit hindi niya alam ang lahat ng ito? Pinigilan ni Yvonne ang hindi mapakali na damdamin na bumubuhos sa kanya nang idikit niya ang tainga sa pinto, sinusubukan na pakinggan nang mas mabuti ang pag-uusap. Gayunpaman, biglang bumukas ang pinto at nawalan siya ng balanse. Hindi handa si Yvonne at nahulog pasulong sa gulat. Hinawakan siya ng mga makapangyarihang braso sa kanyang sandali ng panganib at narinig niya ang isang palabiro na boses na nagmumula sa itaas. “Bakit ka nandito, sister-in-law? Nakikinig ka ba sa amin?" "H-Hindi, hindi ako…" Namula si Yvonne sa pagtawag sa kanya na 'sister-in-law' at nagmadali para bumangon. "Huwag mo na akong tawaging ganyan!" Ang taong nasa harap niya ay walang iba kundi ang mabuting kaibigan ni Henry, si Shane Summers! Kinakabahan siyang sumulyap sa paligid at guminhawa nang malaman na walang ibang tao sa kanilang paligid. Sa kabutihang palad, hindi nailantad ang kanyang pagkakakilanlan. Napatawa si Shane sa kanyang kaba. Alam niya ang pagkatao ni Yvonne, higit pa o mas kaunti. Hindi siya ang tipo ng babae na gugustuhin ni Henry. Sa katunayan, pinakasalan lang niya ito dahil pinili ng lolo niya si Yvonne para sa inosenteng pagkatao nito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.