Kabanata 10 Ayaw Magka-anak sa Kanya
Ang kanilang kasal ay pinagpasyahan ng lolo ni Henry...
Gayunpaman, nilinaw sa kanya ni Henry sa araw na iyon na hindi niya pinaplano ang pagkakaroon ng isang anak.
Paglingon niya, nakita ni Henry si Yvonne na nakaupo sa kama na may naguguluhang ekspresyon sa mukha. Hindi mapigilan ng puso niyang umiling. "Huwag mag-alala tungkol sa pagkakaroon ng anak. Ako nang bahala dun."
Siya na ang bahala? Paano niya binabalak na asikasuhin ‘yun? Napatingin sa kanya si Yvonne. Nagbago ba ang isip niya at handa na ngayong magka-anak?
"Iiwan ko ‘tong agahan mo dito. Sabi ng doktor na kumain ka sa tamang oras. Darating si Sue mamaya. Mauna na muna ako dahil may mga bagay pang dapat asikasuhin sa kumpanya."
Tila hindi interesado si Henry na ipagpatuloy ang paksang ito at pagkatapos ay umalis din matapos sabihin ang mga bilin niya.
Naupo si Yvonne sa kama habang nalilito, habang ang sakit sa kanyang puso ay naging mas matindi...Para pa rin niyang sinabi kay Yvonne ang parehong bagay - ayaw niyang magkaroon ng anak kasama niya.
......
Matapos manatili ng ilang araw pa sa ospital para sa mga obserbasyon, sa wakas ay sumang-ayon ang doktor na palabasin siya matapos kumpirmahing ito ay banayad na gastric pain lamang.
Sa mga sumunod na araw, hindi na siya muling binisita ni Henry.
Ang relasyon sa pagitan nila ay tila bumalik sa dati.
“Madam, nakabalot na ang bag mo. Bababa ako at ipaalam sa drayber ngayon." Lumabas si Sue sa ward dala ang isang duffle bag.
Hinugasan ni Yvonne ang kanyang mukha bago bumaba. Nasa pintuan lang siya ng elevator nang may biglang humawak sa braso niya. Tumalikod siya at sinalubong ang balisang mukha ng kanyang ina.
“Ma? Bakit ka nandito?"
"Pumunta ako dito para hanapin ka! Gaano karaming pera ang meron ka ngayon? Ilabas mo agad lahat!" Inabot ng kanyang ina ang kanyang handbag habang sinasabi iyon.
Nagulat si Yvonne at mabilis niyang inilabas ang wallet niya. "Ma, anong nangyayari?"
"’Yung kapatid mo may nabanggang kotse ng sinuman, at yung may-ari humihingi ng kabayaran!"
"Ano?!" Nagulat si Yvonne. "Kumusta si Jason? Nasugatan ba siya? "
"Mabuti na siya, pero nangangailangan siya ng pera. O, mayroon ka bang sapat na pera sa card na ito? Dalii, pumunta ka doon at magwithdraw ka ng pera."
Iniwasan ng kanyang ina ang mga mata ni Yvonne at mabilis na binigyan siya ng kaunting pagtulak.
Wala ring oras si Yvonne para magtanong pa at nagtungo lamang sa lobby sa ibaba para magwithdraw pera mula sa kanyang atm card.
Nasa kanyang card ang kanyang suweldo at mayroong ilang libong dolyar dito.
Inilagay ni Yvonne ang lahat ng pera sa kanyang pitaka at babalik na sana siya sa ina nang may umagaw sa kanyang handbag!
Ilang saglit pa bago niya mapagtanto na siya ay ninanakawan! “Bag ko! Kinuha niya ang bag ko!"
"Bakit ka nagsisisigaw lang! Habulin mo siya! " Naiinip ang nanay niya at itinulak siya nito para tumakbo.
Mabilis na hinabol ni Yvonne ang magnanakaw, pero napakabilis ng kanyang mga paa at napakalayo sa kanya.
Pinagmasdan niya ang tulisan na tumatakbo sa kabila ng kalsada at papasok na sa isang eskinita nang biglang may lumabas para pigilan siya. Hinawakan ng lalaki ang braso ng magnanakaw, pagkatapos ay inipit ito sa lupa!
"Wow, ang tapang mo naman para magnakaw nang ganito kaliwanag!"
Ang lalaki ay lubos na may kasanayan. Walang kahirap-hirap niyang napasubsob ang magnanakaw habang ang labi nito ay nakakulot sa isang hindi kanais-nais na ngiti.
Mabilis na tumakbo si Yvonne sa kanila para bawiin ang kanyang handbag. Matapos matiyak na wala sa mga nilalaman nito ang nawala, nakahinga siya nang maluwag. "Maraming salamat po, sir!"
"Huwag mong isipin ang tungkol dito."
Inangat ng lalaki ang kanyang ulo at binigyan siya ng ngiti. Sa ilalim ng kanyang bangs ay isang pares ng mga mala-hugis na almond na mga mata, na may isang nakakaakit na nunal sa ilalim ng isa sa mga ito.
Si Yvonne ay medyo nabighani sa mga matang ‘yun bago napagtanto na kailangan niyang tawagan ang mga pulis.
Nang malaman ng tulisan ang kanyang gagawin, mabilis siyang humingi ng awa. "Naibalik naman yung gamit mo, kaya pakawalan niyo na lang ako! Hindi ko na ito uulitin!"
"Ngayon mo narealize ang pagkakamali mo? Saka bakit mo inagaw ang bag ko ha?” Galit na galit si Yvonne na gusto niyang suntukin ang magnanakaw. "Mukha ka namang pwedeng makakuha ng trabaho. Bakit mo kailangang magnakaw ng isang tao malapit sa ospital? Alam mo bang magagamit ang perang ito para makapagligtas ng buhay?! "
Sinipa niya ang tulisan ng ilang beses dahil sa galit.
Si Elliot Taylor ay medyo nagulat sa mga kilos niya, pero ang labi nito ay mabilis na kumulo sa interes habang naiisip niya sa sarili na nakilala niya ang isang medyo nakakainteres na babae.
Ang babaeng ito ay laging sisiguraduhin na hindi siya maiisahan.