Kabanata 1
“Magpa-divorce na tayo.”
Ang gwapo ngunit aroganteng lalaki ay tumingin sa maliit na babae sa kaniyang harapan nang may blankong mukha.
“Ako na ang magbabayad sa sustento,” walang bahala nyang sinabi. “Kung kailangan mo ng pera, trabaho, o ng isang mahusay na doktor para sa iyong ina, ibibigay ko ang mga ito sa ‘yo.”
Pilit na nilabanan ni Rose ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
Noong tumakas ang fiancée ni Ares sa araw bago ang kanilang kasal, napilitan silang maghanap ng pansamantalang pamalit na ikakasal para lamang maibigay sila sa mga paparazzi at labasan ng mga midya.
Naniniwala siya na natanggap na ng babae ang kaniyang papel, upang makilala bilang Mrs. Ares. Gayunpaman, alam ng babaeng si Rose, na ang rason kung bakit siya pumayag ay upang maibigay ang kaniyang pagmamahal sa lalaki na tila kayang magtagal hanggang sa susunod na habang-buhay.
Ngunit kahit kailan ay hindi alam ng lalaki kung gaano siya minamahal ni Rose.
“Hindi kita pinakasalan para sa pera,” bulong ni Rose. Ang tindi ng kaniyang pagmamahal para sa lalaki ay nagbigay-buhay sa pagkawalan ng respeto sa kaniyang sarili.
Ang malalim at kalmadong mga mata ng lalaki ay tila nagtataka.
Kung nagpakasal ang dalawang estranghero, ano pa ba ang rason kung hindi ito pera?
“Nawawala na ang pasensya ko. Kung wala ka nang iba pang sasabihin, sasabihin ko na sa aking abogado na ibigay sa iyo bukas ang mga papeles para sa ating divorce.” Uminom ang lalaki ng kape sa huling pagkakataon bago siya tumalikod at umakyat sa taas.
Napatingin si Rose sa tasa ng kape, ang maamo nyang mukha ay unti-unting nagkakaroon ng bakas ng galit.
Sa pagtagal ng hangin, nag-iiwan ng marka ang mga pato!
Buong-puso minamahal ni Rose ang lalaki. Hindi niya ito titigilan nang ganoon lamang kadali.
Pagkatapos ng kalahating oras.
Sa ikalawang palapag.
“Asawa ko!” Maamong tawag ni Rose, habang mahinhin na nakatayo sa pintuan.
Si Jay, na siyang nakatitig sa isang dokumento, ay nagulat sa salitang “asawa”, at siya ay agarang napatingin. Tinitigan niya si Rose.
Sa isang taon nilang pagkakasal, pinagbawalan niya ang babae na tawagin siyang asawa. Masunurin naman ang babae sa buong taon na iyon. Hindi niya talaga inasahan ang biglaang tapang ng babae sa paglapit ng kanilang divorce.
“Bakit?”
“Pumapayag ako sa divorce,” anunsiyo ni Rose. “Ayoko ng bahay o ng anumang pera. Ngunit gusto ko ng anak.” Kahit na nagsalita nang mahina, ramdam ni Jay ang pagka-desidido sa kaniyang mga salita.
Ang kaniyang mga mata ay nanlaki sa gulat. ‘Mukhang may nagiging matapang, huh,’ sabi niya sa kaniyang isipan.
“Ikaw at ako? Hindi mangyayari,” dumura siya, ramdam ang pandidiri sa kaniyang tinig.
Kinalkula ni Rose ang oras na lumipas at ang dami ng nilagay niya noong nilagyan niya ng gayuma ang kaniyang kape. ‘Dapat ay tatamaan na siya ng gayuma anumang oras ngayon, hindi ba?’
“Mag-asawa naman tayo,” sabi niya. “Kung maghihiwalay din naman tayo, sa tingin ko ay mayroon dapat akong makuha mula rito!” Umayos ang tindig at titig ni Rose. Ang mahinhin niyang dating ay napalitan ng katapangan.
Tumaas ang kilay ni Jay. ‘Aba, aba, aba, mukhang lumalabas na ang tunay na anyo ng tupang ito.’
“Rose, ‘wag mo na akong pahirapan pa. Sigurado akong sapat na para sa iyo ang sustento. Kapag nasobrahan ka sa kasakiman, baka wala kang makuhang—“
“Ginoong Aros, sinabi ko na nga sa iyo na hindi ito tungkol sa pera.” Muling sabi ni Rose. Mas nagmukhang determinado ang kaniyang mga mata, habang ang mga ito ay nakatitig sa kaniya. “Ngunit may gusto akong hiramin mula sa iyong katawan.”
“Ano?” Napakunot ang noo ni Jay, halatang unti-unti nang nawawalan ng pasensya. Sa sandaling ito, ang kaniyang katawan ay tila nag-iinit nang walang dahilan.
“Rose, ginayuma mo ba ako?” Agad na mayroong napagtanto si Jay at ang kaniyang gwapong mukha ay nangulubot, tila parang mga niyebeng ngayon lamang natunaw matapos ang maraming taon.
Si Rose ay kalmado at nanatiling tahimik. Hindi niya ito kinumpirma ngunit hindi niya rin ito itinanggi. Pagkatapos noon, itinikom niya ang kaniyang bibig at unti-unting hinubad ang kaniyang mga damit hanggang sa hubo’t hubad na siya. Nang dahan-dahan, nilapitan niya si Jay at pumatong sa kaniyang katawan...
Malinaw na gustong lumaban ni Jay, ngunit hindi niya malabanan ang pag-udyok ng kaniyang katawan at napilitan na yakapin si Rose.
Ang mga demonyong nagtatago sa kaniyang katawan ay kumawala upang dalhin siya mula sa kadiliman patungong kalangitan.
At sila ang gabing madilim ay magkapatong nilang hinarap.
...
Pagdating ng umaga, ang unang mga sinag ng bukang-liwayway ay tumagos sa kayumangging mga kurtina at tumama sa marmol na sahig ng kuwarto.
Sa higaan, binuksan ng lalaki ang nanlalabo niyang mga mata. Ang kaniyang gwapo’t makinis na mukha ay nagpapakita ng malakas na dating.
Ang mapusok ngunit makatindig-balahibong pangyayari kasama si Rose kagabi ay binaha ang kaniyang isipan at agad na napabangon si Jay Ares.
Binuklat niya ang kumot at nakakita ng ilang patak ng dugo na bumakas sa puting mga tela. Ang mga ito ay tila namumulaklak na mga lotus, mapang-akit at tila nakapaganda, namumulaklak sa harap ng kaniyang mga mata.
Mapapansin ang matinding galit sa kaniyang mukha.
Puta. Napaglaruan ba siya?
Ang kaniyang makinis at pantay na mga binti ay pumatong sa sahig. Matapos niyang magsuot ng bathrobe, mayroon siyang hindi sinasadyang matabig mula sa mesa sa tabi ng kaniyang higaan patungo sa sahig.
Pinulot ito ni Jay. Ito ay isang debit card at isang papel na may magandang sulat.
“Ang pera sa loob ng debit card ay ang bayad para sa kagabi. Pantay na tayo ngayon! Paalam!”
Ang nakatatakot na mukha ng gwapong lalaki ay tila naging mas katakot-takot.
“Rose!” Ang kaniyang galit na boses, na parang isang malinaw na nota mula sa isang cello, ay niyanig ang buong gusali na parang isang apoy.
Akala ba ng babae na iyon na ang kaniyang katawan ay bayaran?
Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na gamitin ang kaniyang pera upang insultuhin siya!
Ang payat na mga daliri ni Jay ay bumuo ng isang kamao, sa punto na ito ay nagsimulang mamuti sa higpit.
“Rose, ipagdasal mong hindi na kita makikita muli!”
...
Sa isang tagong narerentahang bahay sa silangang bahagi ng siyudad.
Nakahiga si Rose sa isang malambot na sofa, kinagat ang mansanas sa kaniyang kamay, at nanood sa telebisyon.
Ang nagsasalita ay may hawak na isang walang kulay na litrato ni Rose at inanunsyong:
“Si Lady Rose ng Pamilya Ares ay tumakas sa kanilang tahanan noong nakaraang araw. Wala pang nahahanap na mga surveillance tape na nagpapakita ng kasalukuyan niyang lokasyon. Wala ring mga tala ng pagpasok niya sa anumang mga hotel sa siyudad. Kung may sinumang mayroong impormasyon about sa kaniyang kinaroroonan, maaari kayong tumawag sa numero ng aming programa. Ang makapagbibigay ng kaniyang lokasyon ay mabibigyan ng isang milyong dolyar.”
Pagalit na ibinato ni Rose ang natira sa kaniyang mansanas sa telebisyon.
“Hindi pa ako patay,” pagalit niyang sinabi. “Anong ibig sabihin nito, Jay Ares? Bakit ka gagamit ng isang pampatay na litrato sa paghahanap ng isang nawawalang tao?”
Pagkatapos noon ay tumawa siya. “Kung gusto mo ako habulin, subukan mo na lang ulit sa susunod na buhay!”
Sumigaw si Rose nang may kumpiyansa habang hinihimas ang kaniyang mukha na ibang-iba mula sa kaniyang litrato sa telebisyon.
Ang natatanging alam ni Jay tungkol sa kaniya na siya ay anak ni Royan at siya ay lumaki sa isang nayon sa kabundukan. Sa buong oras na iyon, minaliit siya ni Jay at kinilala siya bilang isang ignorante at malaswang probinsyana.
Gayunpaman, ang hindi niya alam ay dalawang buhay na ang kaniyang naranasan.
Sa nakaraan niyang buhay, siya ay kilala bilang si Angeline, isang kilalang istudyanteng may karangalan at ang pinakamatandang anak na babae ng Pamliya Severe, nag isa sa apat na maharlikang mga pamilya sa Swallow City, hindi lamang siya isang talentadong istudyante sa Cyber Security Department ng First Academy, ngunit siya ay ipinanganak rin nang may bakal na kutsara sa kaniyang bibig at maraming nalalaman na mga kasanayan na nagbibigay benepisyo sa isang babae mula sa isang mayamang pamilya.
Ang kaniyang kasanayan sa makeup ay walang palya; kaya niyang magpanggap bilang ibang tao.
Bago pa man siya umalis sa mansyon ng Ares, nagpalit siya ng kaniyang itsura at maingat na iniwasan ang lahat ng mga kamera sa mga nakapaligid na mga villa.
Bakit niya padadaliin para kay Jay na hanapin siya?
Pagkatapos ng sampung buwan.
Nagbigay-buhay si Rose sa tatlong kaaya-ayang mga sanggol sa kaniyang nirentahang silid.
Siya ay natulala nang tignan niya ang kaaya-aya niyang mga sanggol sa kanilang kuna, dalawang lalaki at isang babae.
Sa nakalipas na sampung buwan, ang paghahanap sa kaniya ay hindi kailanman natigil.
Ang lalaking kasing mapagmalaki ni Jay Ares ay hindi kailanman sa kaniyang buhay na sasabihin sa publiko na siya ay napaglaruan.
Kung siya ay mahuhuli ni Jay, alam ni Rose na iyon na ang katapusan para sa kaniya. Duda siya na maglalaho ang galit ni Jay sa kaniya kahit na siya ay ipakain sa mga pating.
Ngayon na mayroon nang mga anak na kailangan niyang bantayan, imposible na para sa kaniya ang mabuhay nang nagtatago.
Pinag-isipang maigi ni Rose at napagdesisyunan niya. Tiisin niya ang sakit ng pakikipaghiwalay sa kaniyang minamahal upang mabuhay siya nang mapayapa.