Kabanata 2
Nakatanggap si Jay Ares ng isang hindi inaasahang regalo. Isang bagong-silang na sanggol.
Nang tingnan niya nakabalot na sanggol na umiiyak sa gutom, tila nabalutan ng yelo ang gwapong mukha ni Jay.
“Nasaan ang ina ng batang ito?” Pagalit niyang tanong, halata sa kaniyang mga mata ang inis.
Ang lakas naman ng loob ng babaeng iyon na kuhain ang kaniyang binhi at iwasan ang responsibildad ng pag-aalaga ng isang bata?
“Paumanhin, ginoo,” sabi ng tagadala. “Ang ina ng batang ito ay namatay na sa ospital, dahil sa dystocia.”
Natigilan si Jay at natahimik. Inabot siya nang ilang segundo bago niya ito mapagtanto, at ang apoy sa kaniyang mga mata ay mayroong halong pagdududa. “Patay?”
Seryosong tumango ang tagadala, inilabas ang kaniyang selpon, at ipinakita kay Jay ang litrato ni Rose na tila patay na.
“Ginoong Ares, ito ang litrato ni Rose na kinuha namin. Maaari naming itong ipadala sa iyo kung gusto mo—"
Mabilis na sinuri ng mga mata ni Jay ang selpon. Ang babae sa litrato ay malaki at ang kaniyang namamagang mukha ay kasing putla ng multo. Ang kaniyang matumbok na mga mata ay mulat na mulat, tila nakatitig sa kamera.
Kung hindi ito si Rose, eh ‘di sino?
Nang makita ni Jay, si Jay na mayroong OCD, ang litrato ng patay na Rose, ang lahat ng simpatya at awa sa kaniyang loob ay naglaho.
“Hindi! Sabihin mo sa akin, saan siya ililibing?”
“Sa numerong 674 sa Mountain’s Fork Cemetry.”
Humigpit ang hawak ni Jay sa bata at dali-daling pumasok sa bahay.
Sa kalapitan, pinanood ni Rose sa bintana ng kaniyang kotse ang pagpasok ni Jay sa loob ng bahay. Mapapansin ang inis sa kaniyang mga mata.
Kahit ang balita ng kaniyang pagkamatay ay hindi naapektuhan ang kalmadong ekspresyon ni Jay.
Marahil kaya lamang niya nagawang lokohin si Jay na siya ay patay na dahil kahit kailan ay hindi siya nito minahal.
Ang kaniyang pagnanais sa lalaki sa wakas ay naglaho na, panghabang-buhay.
Kung ang matindi niyang pagmamahal ay hindi kayang pasukin ang puso ni Jay, bakit pa siya magpapaka-tanga?
...
Pagkatapos ng limang taon.
Sa labas ng paliparan ng capitolyo.
Itinulak ni Rose ang kaniyang bagahe sa kaniyang harapan. Siya ay mayroong kasuotang sumbrero, isang pares ng salamin, at isang itim na maskara.
Ang kaniyang maliit na mukha ay bahagya lamang na makikita, binibigyan siya ng isang katawa-tawang itsura.
Sa likod niya ay dalawang magagandang mga bata.
Ang limang taong mga bata ay mas matangkad pa sa kanilang mga ka-edad.
Ang lalaki ay may suot na pulang kasuotan na mayroong itinahing pakpak sa mga balikat nito, kapares ng itim na pantalon at itim na mga sapatos na Nike. Ang scooter na kaniyang sinasakyan ay tila sinasabayan ang paggalaw ng kaniyang katawan.
Ang babae sa tabi niya ay mayroong buhok na nakatali sa dalawang gilid. Siya ay mayroong kulay-rosas na bestida, at ang kaniyang mukha ay kasing kinis at putla ng isang diwata mula sa isang istoryang pantasya.
Ang mga batang ito ay maaaring maihalintulad sa mga prinsipe at prinsesa mula sa isang anime.
Habang sila ay naglalakad, nakakuha sila ng maraming atensyon at papuri mula sa mga taong kanilang nadaraanan.
“Wow, ang gaganda ng lahi! Mga batang artista ba sila?”
“Gaano rin kaya kaganda ang kanilang mga magulang para magbigay-buhay sa ganiyang kagandang mga bata?”
Sina Robert at Rozette ay sanay na sa ganitong mga eksena; sila ay umaayos pa nga ng tindig kapag hiniling ito ng mga tao sa kanila. Ang mga napapadaan ay nahuhumaling sa kanilang magagandang litrato pati na rin ang kanilang kaaya-ayang ugali kapag sila ay nakakahalubilo sa iba.
“Ako si Robert, ang nakatatandang lalaki.”
“Ako si Rozette, ang mas nakababatang babae.”
“Nang marinig ni Rose na nagpapakilalang muli ang kambal, hindi na siya makapagtiis. Matapos niyang maglakad papunta sa harap, tumalikod siya upang pagalitan sila.
“Robbie! Zetty! Ilang beses ko na ba kayong sinasabihan tungkol sa mga nangunguha ng bata! Gusto niyo bang madakip? Bakit niyo binibigay ang mga pangalan niyo sa mga hindi niyo kakilala? Mamamatay ba kayo kung hindi nila alam ang inyong mga pangalan?”
Dali-daling naglakad ang dalawang bata upang habulin ang kanilang ina. Tumingin ang batang lalaki sa kaniyang ina at ngumuso. “Mommy, bakit mo binabalot ang sarili mo nang ganiyan? Ikaw ba si Belikov?”
Si Rose ay bahagyang nahiya. Pinili niya ang ganoong paraan ng pananamit dahil siya ay nag-aalala na baka siya ay makilala ni Jay.
Ito ay dahil dinaya niya si Jay noong nakaraang limang taon at pineke pa ang kaniyang pagkamatay. Kung siya ay biglang lilitaw nang buhay sa kaniyang harapan, malamang ay papatayin siya nito gamit ang kaniyang dalawang mga kamay.
Ang kaniyang ina ay may matinding sakit at hinihiling na makita ang kaniyang anak na babae at kaniyang mga apo sa huling pagkakataon. Kung hindi dahil dooon, hindi kailanman ilalagay ni Rose ang kaniyang sarili sa panganib sa pagbalik niya sa pamilyar na siyudad na ito.
Walang bahalang sinabi ni Rose, “Bakit ba? Ang tawag dito ay fashion. Ito ang pinakabagong sikat ngayon.”
Nang mapagtanto niyang itinanggal ng kaniyang kambal ang kanilang mga salamin, nagalit si Rose sa mga ito, “Isuot niyo ang inyong mga salamin.”
Bumuntong-hininga ang dalawang bata at isinuot ang kanilang mga salamin.
Ang nakatatandang lalaki, si Robbie, ay nagmukhang maliit na binata nang siya ay magmalaki. “Buti na lang maganda ‘to sa paningin ni Mommy.”
Napabuntong-hininga si Rose nang makita niya na ang kanilang mga salamin ay suot nilang muli at natakpan ang kakila-kilala nilang mga mata.
Ang mga mag-ina ay mayroong magkakaparehong mga salamin, naghawak-kamay sila at magkakatabing naglakad palabas ng paliparan.
Habang siya ay naglalakad, binigyan ng leksyon ang kaniyang mga anak. “Mukhang hindi sapat ang mga bantay natin. Ang daming masasamang tao sa paligid, kaya ‘wag kayong lalayo sa akin, ah...”
Samantala, sa labasan ng paliparan.
Si Jay ay naglakad patungo sa direksyon ni Rose. Nang makita ang matangkad at payat na lalaki, si Rose ay natulala.
Ang puso ni Rose ay muntik nang lumabas sa kaniyang dibdib... Dali-dali niyang dinagdag, “Lalo na ang mga lalaking mukhang aso sa magagarang mga damit. Malay niyo? Kahit na maganda ang kaniyang kasuotan, maaaring siya ay isang halimaw sa ilalim ng mga kasuotan na iyon. Tignan niyo ang lalaking iyon. Kahit na mukha siyang mayaman at elegante, baka siya ay isang malupit na tao. Puwede ring isang nandadakip ng tao. Kapag nakakita kayong muli ng lalaking tulad niya sa susunod, siguraduhin niyong lumayo, ah. Kuha?”
Habang dali-daling naghahanap si Rose ng paraan upang iwasan si Jay, bigla itong napatingin sa kaniya at ngumiti nang malawak.
Si Rose ay agad na nanigas sa kaniyang kinatatayuan, ang kaniyang katawan ay tila hindi makagalaw.
Ang kaniyang isipan ay paikot-ikot. ‘Hindi, hindi ito maari. Nagbago ba si Jay sa limang taon ng pagkawala ko? Ang napakalamig niyang mukha... ay ngumingiti?’
‘Para sa akin?’
‘Marahil pagkatapos ng limang taon ng pagkakawalay, sa wakas ay napagtanto na niya kung ano ang nawawala sa kaniya?’
“Jay!” Isang mahinhin na boeses ng babae sa kaniyang likuran ang mabilis na sinira ang kaniyang pantasya.
Lumakad palagpas si Jay kay Rose. Ang kalmado niyang mukha ay panandaliang nagpakita ng kaunting inis—kailangan pa niyang gumilid dahil sa tatlong nakaharang sa kaniyang daanan.
Mahinang bumuntong-hininga si Rose, bakit naman ngingiti ang lalaking ito sa kaniya?
Dati pa man ay kinaiinisan na siya ni Jay.
“Mommy, mukhang mabuting tao naman ang lalaking iyon. Paano kaya siya magiging manggagamit ng tao...” Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki sa pananabik at pagkamangha, tila ginagawa siyang mas maganda.
“Ano naman? Hindi mo basta-basta mahuhusgahan ang isang libro sa kaniyang balot,” bulong ni Rose.
Mabilis niyang hinila palayo ang kaniyang mga anak.
Paglabas niya ng paliparan, hindi mapigilan ni Rose na tumingin sa huling pagkakataon sa kaniyang likuran. Nakita niya na buong-pusong nakangiti si Jay sa magandang babae.
Pinilit pa ni Jay na kuhain ang kaniyang bagahi, ang maamo at mabait na parte niya na hindi pa kailanman nakikita ni Rose.
“Kalokohan!” Pagalit na bulong ni Rose sa kaniyang sarili.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nakita ni Jay sa malaki-dibdib na babaeng iyon. Iyon ang mga taong kailangan alagaan nang mabuti at kasing marupok ng porselana, mababasag sa sandaling sila ay mahawakan.
Ngunit siguradong hindi sila maikukumpara sa madiskarteng si Rose, na kayang gawin ang lahat ng klase ng mga bagay. Hindi siya natatakot na marumihan ang kaniyang mga kamay, siya ay isang mabuting asawa na kayang magtrabaho rin sa labas, kaya niyang dalhin ang kaniyang mga anak at palakihin ang mga ito nang mabuti. Sa lahat-lahat, siya na ang mahihiling ng kahit na sino bilang asawa at manugang.