Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 593

Inubos kaagad nila Avery at Tammy ang mga pagkain nila dahil wala silang balak na magtagal pa doon. “Avery, tara! Gusto mo bang mag shopping? Sasamahan kita.” Umiling si Avery. “Sobrang nabusog ako kaya medyo inaantok ako.” “Ihahatid nalang kita sa inyo.” Kinuha ni Tammy ang kanyang bag at umikot siya para alalayang tumayo si Avery. Dahil dun, hindi napigilan ni Avery na matawa. “Ano ka ba! Hindi mo naman ako kailangang alalayan. Kaya kong maglakad mag isa.” “Gusto lang naman kitang alalayan.” Hinawakan ni Tammy ang tiyan ni Avery. “Medyo malaki na nga siya. Maluwag lang kasi yung damit mo kaya hindi masyadong halata, pero kapag hinawakan mo, ang laki laki. Parang pakwan!” “Maliit na pakwan.” Natatawang sagot ni Avery. “Bakit may nakita ka na bang malaking pakwan? Pwede na nating makita ang mukha ng baby, diba?” “Hmm. Nakita ko na noong nag pacheck up ako sa Bridgedale.” “Sinong kamukha ng baby?” Medyo matagal bago sumagot si Avery. “Kamukha niya yung sarili niya.” “Babae

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.