Kabanata 8
Habang nakahiga siya sa kama ng pinakamagarbong presidential suite ng The Golden Age of Youth Hotel, hindi makatulog si Alex.
Ang nangyari ngayong araw ay masyadong hindi kapani-paniwala.
Hindi niya inaasahang may itinatagong malaking lihim ang kanyang ama, ang Thousand Miles Conglomerate, ang pinaka-makapangyarihang underworld sa California.
Totoo kayang ang sanhi ng kanyang kamatayan ay dahil sa aksidente sa kanilang sasakyan?
O hindi kaya’y may mga bagay akong hindi alam?
Sa gitna ng hatinggabi, nang sa wakas ay nakatulog na siya nang mahimbing, nagising siya ng kanyang alarm. Bumangong siya at nagmadaling pumunta sa ospital.
Sa huli, pagdating niya sa ospital, nakita niya ang ilang doktor na nakapalibot sa kama ng kanyang ina. Kasama sa kanila ay si Dr. Cheryl Coney, ang magandang doktor na may kaakit-akit na katawan.
Nagulat siya.
Akala niya’y may masamang nangyari sa kanyang ina.
Mabilis niyang tinanong, “Dr. Cheryl, anong nangyari sa aking ina? Lumala ba ang kanyang kundisyon?”
Si Dr. Cheryl, na nakasuot ng puting coat at mask, ay lumingon at sinabing, “Huwag kang mag-alala, hindi lumala ang kanyang kundisyon, sa halip ay nagpakita siya ng pahiwatig na gumagaling na siya.”
Panandaliang nanigas si Alex, at sinabi sa pagkagulat, “Totoo ba?”
Tumango si Dr. Cheryl. “Oo, bago ito mangyari, akala namin ay lumala ang kundisyon ng iyong ina, at kinailangang agad na maoperahan. Hindi inaasahan, mabilis siyang nakabawi, at lahat ng indicator ay bumalik sa normal. Ang iyong ina ay may malakas na kalooban para manatiling buhay. Mainam ito.”
“Bale, hindi na siya kailangang maoperahan?”
“Susuriin muna namin siya. Kung ayos naman ang lahat, hindi na kailangang magpaopera. May mga peligro rin kasi kapag inoperahan siya.”
Dalawang oras ang nakalipas.
Lumabas ang resulta ng pagsusuri.
Tumango si Cheryl at sinabing, “Okay na, hindi na kailangan ng operasyon, at ayon sa aming mga obserbasyon, ang tsansang manatiling buhay ng iyong ina ay tumaas, pinapahiwatig na malapit na siyang magkaroon ng malay, at ipapagpatuloy ko ang paggamot sa kanya gamit ang acupuncture.”
Tuwang-tuwa si Alex at mahigpit niyang niyakap siya.
“Salamat, salamat, Dr. Cheryl!”
Nasiyahan siya. Ito ang unang pagkakataon na ang kanyang ina ay nagpahiwatig ng magandang signos sa loob ng sampung buwan.
Si Dr. Cheryl, na biglang niyakap ni Alex, ay kaagad na sumimangot.
Alam niyang hindi sinasadya ng lalaking bastusin siya, kaya hindi niya ito sinisi, sa halip ay tinapik ang likod niya, “Sige, alagaan mo nang mabuti ang iyong ina, ituloy mo lang!”
“Okay,” sabi ni Alex.
“Pwede mo na ba akong bitawan?” tanong ni Dr. Cheryl.
“Sige!” sagot ni Alex.
“Bumitaw ka na!” bulalas niya.
“Hindi, Dr. Cheryl, nai-stuck ang buhok mo sa damit ko…” sagot ni Alex.
Sa parehong oras, sa Assex villa… si Spark Rockefeller ay dumating sa kanyang Lamborghini, para makita muli si Lady Dorothy.
Bumusina ang kotse.
Si Madame Claire, na may suot na itim na pajamas, ay binuksan ang pinto at binati siya, “Oh, Spark, aking mahal na manugang, parang ang tagal na nating hindi nagkikita, kahit na isang gabi lang talaga mula nang tayo’y magkasama, na-miss ka agad ng Mommy.”
Wala siyang suot na make-up, at magulo ang kanyang buhok.
Ang bata niyang tingnan, parang tatlumpung taong gulang lang, na may mas na hinog na temptasyon.
Nang makita ang nagagalak at kaakit-akit na babae, sobrang nasabik si Spark na lumapit at yakapin siya sa kanyang mga braso, pero sa kabutihang palad, pinigilan niya ang kanyang sarili, naisip niya, ‘Hintayin po ninyong makuha ko si Lady Dorothy. Sa oras na mangyari iyon, hindi na po tayo mahihiwalay sa isa’t-isa. Si Alex Rockefeller, ang walang kwentang lalaking iyon, ay hindi pinahalagahan ang kayamanang ito. Isa siyang hangal.”
Habang nag-iisip, iniabot ni Spark ang regalong hawak niya kay Madame Claire.
Kinuha rin niya ang pagkakataong ito para hawakan siya.
Hindi ito namalayan ni Madame Claire, pero ngumiti siya. “Aw, ikaw talaga ang pinakamabait na manugang! Hindi mo lang ako binisita, dinalhan mo pa ako ng mga regalo! Kumpara sa’yo, si Alex ay walang kwentang basura. Pareho kayong mga Rockefellers, ngunit may malaking pagkakaiba sa inyong dalawa!”
Ngumiti si Spark at sinabi, “Mom, huwag ninyo na pong banggitin ang basurang iyon, masisira lang po ang araw natin.”
“Sige, sige, hindi na!”
Parehas silang pumasok.
Si Lady Dorothy at ang kanyang kapatid, si Lady Beatrice, ay naroon. Hindi kumportable si Lady Dorothy dahil narinig niyang tinawag ni Spark ang kanyang ina bilang ‘Mom’, katapusan na. Hindi na siya makakaatras at wala na siyang magagawa.
Kagabi, taimtim na sumumpa si Alex at sinabing may pera na siya at madali niyang malulutas ang problema, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya, ni wala man lang tawag sa phone, paano niya papaniwalaan ito?
Huwag mong sabihin sa’kin!
“Mom, ako mismo ang namili ng jade bracelet na ito kagabi para sa’yo. Nagustuhan mo ba? Sa tingin ko ay bagay ito sa iyong maputing braso!”
“Habang ang diyamanteng kwintas na ito, Beatrice, ay para sa’yo. Maganda ka. Sukatin mo. Bagay ‘yan sa’yo.”
Inilabas ni Spark ang mga regalo, bilang panunuyo.
Agad na natuwa ang dalawang kababaihan.
Hindi sila makapaghintay na sukatin ang mga ito.
Ikinumpara muli ni Madame Claire si Alex Rockefeller kay Spark at naging determinado nang paghiwalayin sina Lady Dorothy at Alex. Kapag pinakagiba ang magkapatid na lalaking Rockefeller, mga mundo ang agwat nila.
Habang mas matagal niyang tinitingnan ang jade bracelet sa kanyang kamay, mas lalo niya itong nagugustuhan, ngunit nang makita niya si Lady Dorothy na nakaupo sa sofa, na nananatiling tahimik, agad niyang inikot ang kanyang mga mata at sinabing, “Aking mahal na manugang, ipinagkalooban mo ng mga regalo ang iyong ina’t kapatid, may binili ka rin ba para sa iyong asawang si Dorothy?
Hindi mapakali si Lady Dorothy at sinabing, “Mom, nakakahiya ka! Hindi pa kami hiwalay ni Alex. Ako pa rin ang asawa ni Alex.”
Malamig na ngumuso si Madame Claire. “Asawa! Kalokohan! Nahawakan ka ba niya? Binenta mo na ang wedding ring, ano pa ba ang dapat na pag-usapan? Dahil nandito na si Spark Rockefeller, sabihin mo sa walang kwenta mong asawa na pumunta na rito’t para makapag-divorce na kayo. Pagkatapos, kunin mo na ang marriage certificate ninyo ni Spark, at magiging asawa ka na ni Spark Rockefeller.”
Narinig ito ni Spark at labis siyang nasiyahan.
Sinuportahan ito ni Lady Beatrice, “Oo, Ate. Magandang ideya ito. Tirahin ang dalawang ibon gamit ang isang bato. Isa pa, hindi ko kikilalanin ang basurang si Alex bilang aking bayaw. Tanging ang binata lamang tulad ni Spark ang karapat-dapat na maging aking bayaw.”
Naramdaman ni Lady Dorothy na siya’y walang magawa at mahina.
Hindi siya makasalita.
Sinabi ni Spark, “Sige, i-file na nati ang divorce ninyo at agad na tayong magpakasal.”
Labis na nandiri si Lady Dorothy at sinabi, “Hindi mo pa nga nalulutas ang problema. Pag-usapan natin ang kasal kapag nasolusyunan mo na!”
Ngumiti si Spark at sinabi, “Madali na lang ‘yon… Hehe, walang hindi kayang masolusyunan ang aking mga magulang, okay? Madali lang! Oo nga pala, halos tanghali na. Ano kaya kung mananghalian muna tayo, pagkatapos ay makipag-divorce ka na sa basurang iyon. Maari kong papuntahan ang aking Dad… Dorothy, hindi kita pinagbabantaan, ginagawa ko lang ito para ipakita ang aking sinseridad sa aking Dad. Kung hindi man, paano niya ako paniniwalaang ikakasal na tayo kung kasal ka pa rin sa iba?”
Tumango si Madame Claire.
Agad niyang sinabi, “Hayaan mong tawagan ko na ang basura.”
…
Kalahating oras makalipas ng alas-onse ng umaga, kalalabas lang ni Alex sa ospital at hahanapin na si Lord Lex Gunther para tanungin kung nalutas niya na ang problema, ngunit bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Madame Claire, sinasabing nanananghalian sila kasama si Spark Rockefeller at hiniling sa kanya na dalhin ang kanilang marriage certificate para makipagkita sa kanila. Nais niyang dumiretso agad sila sa opisina para sa divorce pagkatapos ng tanghalian.
Nagdilim ang mukha ni Alex.
Divorce?
“Sige, darating ako agad diyan!”
Napagpasiyahan niyang dalhin ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar para ipamukha ito kina Madame Claire at Spark Rockefeller.
Makalipas ang kalahating oras.
Nagmadali si Alex sa restawran.
Kaagad na pagpasok niya, nakita niya si Spark na inihahandog kay Lady Dorothy ang kahon ng kwintas at sinabi sa kanyang asawa na si Lady Dorothy, “Dorothy, ang aking puso’y para sa’yo. Langit at lupa ang saksi sa pag-ibig kong ito. Tulad ng natatanging kwintas na ito sa buong mundo, gusto kong mapasakin ka, ikaw lang at wala nang iba pa.”
Pagkatapos, binuksan niya ang kahon at ipinakita ito kay Lady Dorothy.
Tinakpan ni Lady Beatrice ang kanyang bibig at ibinulalas, “Diyos ko…Ito ba ang pinakanatatangi sa L.G. Balfour, ‘Love in a Fallen City’, na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Nakita ko sa internet na may nagsasabing may misteryosong lalaki ang bumili ng kwintas na ito kagabi, at lumalabas na ikaw pala ‘yon, kuya Spark Rockefeller. Ate, napakasuwerte mo!”
Natigilan si Spark.
Ang kwintas na Love in a Fallen City na kanyang hawak ay imitasyon, pero hindi naman niya inaasahang meron talagang bibili ng kwintas na iyon na may presyong tatlumpung milyong dolyar. Gayunpaman, mas mainam kung may bumili na nga nito, nang sa gayo’y wala nang paraan para makumpirmang peke nga ang hawak niya, kaya agad niyang sinabi, “Oo, binili ko ito sa halagang tatlumpung milyong dolyar kagabi.”
“Hmmm, peke ‘yang iyo!”
“Itong hawak ko ang tunay na Love in a Fallen City!”
Sa sandaling iyon, ngumisi si Alex.
Lumakad siya at binato ang kahon ng alahas mula sa kanyang kamay papunta sa mesa.