Kabanata 977
Syempre, hininaan ng mga tao doon ang kanilang mga boses at nagbulungan lamang.
Gayunpaman, si Fane—na nakaupo sa loob—ay narinig ang lahat ng kanilang mga sinabi na kasing linaw ng sikat ng araw, at ang kanyang opinyon tungkol sa kanila Blake at Tianna ay umangat ng ilan pang puntos.
Lalo na, hindi madali para sa kanila na manatiling malinis sa ganitong klaseng industriya.
Lingid nga lang sa kanilang kaalaman, may mga ilang lalake na naglalakad na nilagpasan nila Fane ang nakapansin sa mga magandang babaeng kasama niya.
Kuminam ang mata ng isa sa kanila. Tumakbo siya papunta sa kabilang panig at palihim na tumawag sa isang direktor. “Direktor Wagner, nakita ko sila Blake at Tianna, at kumakain sila sa labas kasama ang isang hindi kilalang lalake na may kasamang dalawang babae. Lima sila doon sa restawran, at wala silang kasamang mga bodyguard. Maganda itong pagkakataon!”
Ang mga mata ni Director Wagner—na nasa kabilang linya—ay kuminam habang unti unting bumuo ng ngiti ang k
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link