"Sigurado ka ba na mapagkakatiwalaan to? Malupit ang taong to. Hindi magiging madali makipag-usap sa taong to!"
Nakita ni Flynn na sa wakas ay ipaghihiganti na siya ng kanyang pinsan at gumaan ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay mas gusto na lang niyang mamatay kung hindi rin lang siya maipaghihiganti.
Anak siya ng siang second-class aristocratic family sa Lone City. Nagmula siya sa isang maharlikang angkan! Paano ang isang bodyguard ang dumurog sa kanyang braso habang bumisita siya sa Middle Province—isang lugar na hindi maikukumpara sa Lone City.
Magiging isang malaking kahihiyan kung babalik siya sa Lone City ng ganito ang kanyang kalagayan!
Bukod dun, ano na lang ang iisipin ng mga mayayaman na tao mula sa Lone City? Na halos isa na siyang imbalido!
"Huwag kang mag-isip masyado. Ang pill na ito ay talagang maaasahan. Ang totoo nyan ganito kasi…"
Sinabi ni Ken kay Flynn ang kanilang plano simula sa simula hanggang sa dulo. "Hindi namin kaagad ginawa ito kasi