Kabanata 3
Nagulat si Alex. Sampung bilyong dolyar? Sino ang gagawa ng ganitong kalokohan?
Ang Rockefeller Group ay napaka-respetado noong mga araw na malakas sila, na may market value na tatlong daang bilyon, pero karamihan dito ay mga fixed assets. Sa nalalaman niya, maging ang kanyang ama ay walang sampung bilyong dolyar na cash sa bangko. Ngunit higit sa lahat, sinabi ng matandang lalaki na nagtatrabaho siya para kay William Rockefeller. “Sinabi mong nagtatrabaho ka para sa aking ama? Ibig sabihin ba nito na ang Thousand Miles Conglomerate ... ”
Tumango si Lord Lex at sinabi, "Opo, sa iyo ang buong Thousand Miles Conglomerate, Master Alex."
Pak!
Sinampal ni Alex ang sarili.
Nagulat na sinabi ni Lord Lex, "Master Alex, anong ginagawa mo?"
Sumagot si Alex, "Sa tingin ko ay nananaginip ako."
Sinabi ni Lord Lex, "Totoo itong lahat. Ang iyong ama, si Mr. William Rockefeller, ang nagligtas sa aking buhay. Kung hindi dahil sa kanya, patay na ako ngayon. Noon, si Mr. Rockefeller ang nagtayo ng Thousand Miles Conglomerate. Pagkatapos ay nilagay niya ako para maging in charge nito."
"Ha?" Natulala si Alex, akala niya ay panaginip pa rin ito.
Ang Thousand Miles Conglomerate ay malayong malayo sa Rockefeller Group. Napabalitang mayroong trilyong dolyar na mga assets ito, at mayroon pa itong malaking impluwensya sa underground world.
Naisip ni Alex sa kanyang sarili, 'Gumawa ng isang behemoth ang aking ama? Subalit hindi ko narinig ang tungkol dito?'
Muling nagsalita si Lord Lex, “Isang henyo si Mr. Rockefeller, hindi nagtagal matapos niyang itatag ang Rockefeller Group, tinayo niya rin ang Thousand Miles Conglomerate. Nasa liwanag ang isa at nasa anino naman ang isa para mag-complement sa isa’t isa! Bukod doon, hiniling sa akin ni Mr. Rockefeller na ibigay ito sa iyo.”
Nang masabi iyon, naglabas siya ng isang maliit na antique box at inabot ito kay Alex.
Habang may nalilitong mukha, sumagot si Alex, "Kailan ito binigay sa iyo ng aking ama? Bakit ngayon mo lang ito inabot sa akin?"
Sagot ni Lord Lex, "Ngayon dalawampu't apat na kaarawan mo. Birthday gift mo ito mula sa iyong ama. Isang taon na ang nakararaan, inayos ito ni Mr. Rockefeller. Maligayang kaarawan, Master Alex!”
Natulala si Alex.
Bumuntong hininga si Lord Lex at nagpatuloy, “Master Alex, malubha ang kalagayan ng iyong ina ngayon. Para sa akin, hindi madali para sa akin na luamapit at tumulong. Dapat magmadali ka na! Kung may kailangan ka, tumawag ka lang. Personal phone number ko ang numerong pinakita ko sa iyo ngayon. Palagi akong handang sumagot sa tawag mo, master."
May pag-aalala sa mukha ni Lord Lex. Matapos siyang magsalita, pumasok siya sa Rolls Royce at umalis na.
Gulat na gulat pa rin si Alex na para bang panaginip ang lahat.
Ang ATM card sa kanyang kaliwang kamay at ang maliit na antique box sa kanan ay mukhang totoo sa kanya.
Sa kabutihang palad, may isang ATM machine sa tabi niya. Lumapit si Alex doon, ipinasok ang card, at saka ang PIN. Ang balanseng pinakita ay $10,000,000,000—10 bilyong dolyar!
Habang tinitingnan sa lahat ng mga zero, napanganga si Alex. Pagkatapos ay binuksan niya ang antique box at nakita ang isang itim na singsing sa loob. "Bakit binigay ito sa akin ni Dad?" Tanong ni Alex. Sinubukan niya ito at sakto ito sa kanyang daliri.
Ngayong may pera na siya, pumunta agad si Alex sa ospital. Ang dapat niyang asikasuhin ngayon ay magbayad agad para sa operasyon ng kanyang ina. Bubuti nang husto ang kondisyon ng kanyang ina kapag natapos ang operasyon.
Ang ina ni Alex, si Madame Brittany ay na-ospital dito at na-coma mula nang ma-aksidente. Na-pronounce na siya ng mga doktor na brain dead at sinabing ang posibilidad na magising siya ay 5% lamang.
Habang papasok si Alex sa pamilyar na ward ng ospital, nakita niyang walang laman ito. Ang kanyang ina ay wala sa kama. Saan kaya siya napunta? Mabilis siyang tumakbo palabas ng ward at nakabunggo sa isang pamilyar na tao.
“Hoy, baliw ka ba, bulag ka ba? Ah! ikaw pala. Ang sikat na basura. Nandito ka ba para samantalahin ako sa sadyang pagbunggo sa akin? Dahil ba hindi mo mahawakan ang sarili mong asawa sa bahay? Magandang balita, minamaliit mo ako dati, ngunit ngayon ay hindi ka rin karapat-dapat sa akin!"
Isang babaeng nakasuot ng uniporme ng nars ang malakas na sumigaw. Ang pangalan niya ay Chloe, isang kakilala ni Alex. Noong nasa college pa siya, nakipag-date si Alex kay Chloe nang isang buwan. Natuklasan niya isang gold digger si Chloe at nakikipaglandian sa maraming lalaki sa likod niya at nakipaghiwalay siya sa kanya.
“Nasaan ang aking ina? Saan siya napunta?" Tanong ni Alex na may pagmamadali sa kanyang tono dahil wala siyang oras na sasayangin sa kanya.
Ngumiti si Chloe at sinabi, “Haha, dapat mong itanong iyan sa sarili mo. Ni hindi mo maalagaan ang sarili mong ina. Wala kang silbi. Alam mo lang ba kung paano mamalimos ng pera sa iyong asawa at mother-in-law na parang aso?"
Hinawakan ni Alex si Chloe sa kwelyo at sumigaw, "Tatanungin kita ulit, nasaan ang aking ina? Saan mo siya dinala? Ikaw ang nars na naka-duty dito, paanong hindi mo alam?"
Nang makita siyang sumisigaw ng galit, natakot si Chloe. Sumagot siya, "Doon... Nandoon siya."
Napatingin si Alex sa tinuro ni Chloe at may isang hospital bed sa pasilyo, at ang nakahiga sa kama ay ang kanyang ina, si Madame Brittany.
"Mom!" Binitawan ni Alex si Chloe at tumakbo habang namumula ang mga mata. Sino ang responsable sa pagtrato sa kanyang ina na parang isang basura?
Galit na galit si Alex, "Chloe, ikaw bang may gawa nito?"
Naalala ni Chloe na ito ang ospital na pinagtatrabahuhan niya, bakit niya kailangang matakot sa kanya? Si Alex ang dapat matakot sa kanya! Malamig siyang ngumisi. “Ano naman kung akong may gawa? Ikaw ang mahirap, hindi kayang bayaran ang mga bills niya. Isa itong pribadong ospital. Sa palagay mo ba ay nagpapatakbo kami ng charity? Kung hindi mo kayang bayaran ito, ang ang pwede niyong gawin ay umalis! Ano pang ginagawa mo dito? Hindi ka special. Kung meron kang pera, edi magbayad ka! Kung hindi mo ito kayang bayaran, humihingi ako ng paumanhin ngunit kailangan niyong lumayas ng iyong ina sa ospital ngayon!" Tinignan ni Chloe si Alex na may pagkasuklam.
Pagkatapos ay ngumisi siya. “Hoy, ganito na lang? Bumalik ka at gumapang mother-in-law mo at lumuhod sa iyong asawa at magmakaawa sa kanila ng ilang beses pa, baka magbago ang isip nila at bigyan ka ng pera. Ngunit ang maruming babaeng iyon si Dorothy Assex ay baka bigyan ka lang ng isang daang dolyar. Kung luluhod ka at magmakaawa sa akin, babayaran ko ang hospital bed ng iyong ina."
Isang boses ng babae ang narinig at nagsalita, "Kahit na lumuhod siya sa akin araw-araw sa bahay, hindi ka niya luluhuran para sa pera."
Lumingon si Alex.
Nagulat siya nang makita niyang si Dorothy iyon.