Kabanata 12
Sinipa ni Lord Lex si Gaston at sumigaw, "Huli na para magmakaawa ka ngayon! Hilahin siya palabas at lunurin."
Sumugod ang security guard. Sa sandaling ito, nilamon si Gaston ng kanyang pagnanais na mabuhay pa. Paulit ulit siyang gumapang. Bumuka ang noo niya at nagsimulang bumulwak ang dugo. Sigaw ni Gaston, “Lord Lex, kaawaan mo ang buhay ko! Uncle John, tulungan mo ako! Alam kong nagkamali ako. Ako talaga. Master Alex, maawa ka sana sa akin!"
Mahirap para kay John Gates na tingnan iyon, ngunit hindi siya kayang magsalita.
Tumingin si Alex kay Gaston at sinabi, "Hayaan niyo siyang mabuhay, baka pwede pa rin siyang maging kapaki-pakinabang sa atin."
Nang marinig ang mga salita ni Alex, nakasulat ang pasasalamat sa buong mukha ni John. Mabilis niyang sinipa si Gaston at sinabi, “Pasalamatan mo agad si Master Alex. Tandaan mo, siya ang magiging master mo mula ngayon!"
Dali-daling gumapang si Gaston at sinabi, “Salamat! Salamat Master Alex!"
Hindi maitago ni Lord Lex ang galit sa boses niya at sinabi, "Spark Rockefeller, dapat siyang mamatay sa mga kalupitan niya. Magpadala ako ng taong magdadala sa kanya dito. Dudurugin natin ang katawan niya!"
Sa kanyang isipan, nais ni Alex na makita kung ano ang magiging reaksyon ni Spark sa sandaling malaman ng lahat ang ginawa niya. Nais din niyang makita ang hitsura ni Madame Claire kapag mapagtanto niyang niloloko siya.
Kinaway niya ang kamay niya at sinabi, "Huwag mo munang isipin iyan sa ngayon. Personal kong ililigpit si Spark. Hindi ba sinusubukan niyang magpakabayani, maging tagapagligtas? Sisirain ko ang reputasyon niya at buhay niya."
Pagkatapos ay taimtim niyang sinabi kay Gaston, "Tandaan mo, subukan mong ipagsabi ang tungkol sa identity ko. Kung malaman ito ng mother-in-law ko, sisiguraduhin kong lalangoy ka kasama ng mga isda."
Dali-daling sumagot si Gaston, "Opo, opo, selyado ang mga labi ko! Master, matalino ka, nagpapanggap na tanga para ihain ang pinakamasarap na putahe ng paghihiganti kay Spark!"
Natawa si Alex habang pinapaliguan siya ni Gaston ng pambobola at dumadaloy pa rin ang dugo sa noo nito.
Sa isip ni Alex, ang taong nais niyang unahin ay si Madame Claire. Plano niyang inisin siya sa pagpapanggap na mahirap at hindi pagpayag sa diborsyo. Siguradong maiinis siya doon!
"Sige, tatawagan ka namin kapag kinakailangan ka. Sa ngayon, lumayas ka dito,” sabi ni Alex kay Gaston.
"Opo Master, tiyak na tutulungan kitang pahiyain si Spark! Hindi ko talaga siya nagustuhan sa simula pa. Nagpapaka-bayani lang siya gamit ang perang ninakaw niya sa iyo. Wala siya kumpara sa iyo."
Dagdag pa ni Alex, "Mag-issue ka ng official apology sa aking asawa mula sa Rainbow City para mapanatag siya. Alam mo ba kung gaano siya nagdusa dahil sa mga aksyon mo? Kahit patayin ko si Spark ng sampung beses, hindi mo pa rin matutubos ang sarili mo.”
Hindi nagmamadali si Alex na umuwi. Kumain siya ng kalahati chicken drumstick; hindi pa siya busog. Kasama si Lord Lex, nagpakabusog siya sa kanilang tanghalian. Pagkatapos, naglakad-lakad sila sa Cali Mall bago umuwi sakat ng Rolls-Royce Phantom, na kailangang huminto ng ilang metro mula sa Assex’s villa.
Nang maglakad si Alex papasok sa villa, may nakita siyang ilang bag na nakakalat sa harap ng mga gate ng villa. Nang tingnan niya itong mabuti, lumabas na tinapon lahat ng mga gamit niya. May sirang photo frame din sa lupa. Doon nakalagay ang family portrait ni Alex at ng kanyang mga magulang. May malinaw na bakas ng paa dito; halatang sinadya itong tapakan.
Galit na galit si Alex at sumugod siya sa villa at sumigaw, “Sino ang may gawa nito? Sino ang tumapak sa family portrait ko?”
Nasa sala sina Madame Claire, Lady Beatrice, at Spark Rockefeller nang sumugod si Alex.
Galit na sagot ni Madame Claire, "Ako ang may gawa! Eh ano naman ngayon? Ikaw, isang basura ay malapit nang hiwalayan, bakit ka pa rin nandirito sa pamamahay namin?"
Malamig ang mga mata ni Alex at nagbabanta, ito ang unang pagkakataon na nakita siya ni Madame Claire na ganito, kaya’t hindi siya mapalagay. Takot siyang nagtanong, "Anong gagawin mo? Nabaliw ka na ba? Papatayin mo ba ako?"
Mabilis na hinakawan ni Lady Beatrice si Madame Claire at sinabi, "Hindi sinasadya ni Mom na tapakan iyon."
Kumurap si Alex at natatawang sinabi, "Mom, mother-in-law kita, bakit gusto kitang patayin? Huwag kang mag-alala, tatratuhin kita nang maayos sa buong buhay ko at pagsisilbihan kita habang nabubuhay ka at bibigyan ng maayos na burol pagkamatay mo."
Nang marinig ito ni Madame Claire, galit na galit siya na parang nag-aagaw buhay siya.
Sumigaw siya, "Anak ng p*ta! Nananaginip ka ba nang gising? Sino ang iyong ina? Pwedeng kang magbigay ng maayos na burol para sa ina mo!"
Sinabi ni Alex, "Ikaw ang ina ko!"
"Ikaw... makipag-diborsyo ka na agad, Beatrice, tawagan mo ang ate mo at sabihin sa kanyang pumunta agad sa registrar of marriage office."
Umiling si Alex at sinabi, "Mom, hindi na kailangan iyon. Hindi kami magdidiborsyo ni Dorothy. Hindi ba nais mong magkaroon ng kapangyarihan ng pamilya Rockefeller? Natatakot akong kung magdiborsyo kami, hindi mo makukuha ang gusto mo."
Tumayo si Spark at sinabi, "Alex, Hindi ko talaga inasahanng aasta kang parang aso! Gusto mo pa ring tuloy-tuloy na gatasan ng relasyon mo kay Dorothy para sa pera? Sayang lang sa pera sa pagbuhay sa iyo at sa ina mo. Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Kung mag-file kayo ni Dorothy ng diborsyo, bibigyan kita ng dagdag na isang milyong dolyar. Personal kong sisiguraduhin na makakakuha ka ng cleaning job sa Rockefeller Group. Narinig kong magaling kang katulong dito sa pamilya Assex, sa palagay ko ay may talento ka sa paglilinis."
Bago pa makasagot si Alex, tumakbo papasok si Lady Dorothy. Malakas ang ingay na nilikha ng kanyang mga hakbang. Habang papasok si Lady Dorothy, masayang siyang sumigaw, “Mom! Nalutas na iyon!”
Naguluhan si Madame Claire at tinanong, "Ano ang nalutas?"
"Ang problema sa Thousand Miles Conglomerate." Sagot ni Lady Dorothy. "Si John Gates, ang taong in charge sa Rainbow City ay personal akong tinawagan at sinabing nalaman niya ang mga masasamang balak ni Gaston at pinarusahan siya nang matindi. Tiniyak niyang wala nang sinuman mula sa kanilang grupo ang manggugulo sa akin muli. Talagang gumaan ng loob ko dahil dito!"
Habang nagsasalita siya, tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Diyos lang ang nakakaalam kung anong dinanas niay nitong nakaraang dalawang araw.
Labis siyang prinessure ng Thousand Miles Conglomerate. Ang insidente sa Thousand Miles Conglomerate ay hindi lamang ang nagbigay ng stress sa kanya, ngunit nang malaman ng sarili niyang pamilya ang tungkol dito, sa halip na tulungan siya, binenta pa siya kay Gaston bilang paghingi ng tawad. Bukod pa dito, meron ding pressure mula kay Spark at ang kanyang pagkadismaya kay Alex.
Halos masiraan na siya ng bait
Sumakit ang puso ni Alex nang makita niya kung gaano kahirap ang kondisyon ni Dorothy. Lumapit kay Dorothy at malakas at taimtim niyang sinabi, “Darling Dorothy, tulad ng sinabi ko sa iyo, magiging okay ang lahat. Poprotektahan kita. Kung sino man ang maglalakas-loob na apihin ka ay kailangang dumaan sa akin."
Sa sandaling ito, masamang tinitigan ni Spark si Alex.
Tumingin sa kanya si Lady Dorothy na may luhaang mata, at sinabi, "Tinulungan mo ba talaga akong lutasin ito? Tumulong na ba ang kaibigan ng ama mo?"
"Syempre!" Sagot ni Alex.
"Salamat..." Sabi ni Dorothy, natutuwang sa wakas ay tapos na ang sitwasyon.
"Asawa kita, protektahan kita habambuhay." Sabi ni Alex habang hinawakan niya ang mukha ni Dorothy, nais na punasan ang mga luha niya.
Si Madame Claire na nakatayo sa tabi nila ay biglang tinulak si Alex. Hindi nakapaghanda si Alex sa biglaan niyang pagkilos at natumba siya. Tumama ang mga braso niya sa mga gilid at sulok ng coffee table, nasaktan at nagkapasa siya.
"Mom, baliw ka na ba?" Sabi ni Lady Dorothy habang mabilis niyang tinulungan itayo si Alex, "Alex, okay ka lang ba?"
Sumugod si Madame Claire at hinila si Dorothy saka sinabi, "Sinong nababaliw? Sa palagay mo ba ay siya ang tumulong sa iyo? Anong mga kakayahan niya? Ang lahat ng ito ay nalutas dahil kay Spark!"
Nalilito pa rin si Spark mula sa balita. Inisip niya, 'Anong ginagawa ni Gaston? Kinuha niya ang pera ko at hindi niya magawa ang parte niya sa kasunduan namin?'
Nang marinig niya ang sinabi ni Madame Claire, agad siyang tumawa at sinabi, "Oo, tinawagan ko ang tatay ko para makipagkita kay John Gates. Alex, tigilan mo na ang pagpapanggap na may kakayahan ka. Nakalimutan mo babf nasentensiyahan sa katiwalian ang ama mo? Anong klaseng tao ang kaibigan niya pa rin? Huwag kang maniwala sa kanya Dorothy, nagsinungaling pa siya sa iyo tungkol sa apat na milyong dolyar na halaga ng alahas na binili, gawa lang pala ito sa salamin!"
Naghinala si Lady Dorothy nang marinig niya ang mga sinabi ni Spark.