Kabanata 16 Huwag Ibenta sa Kanya
Umalis si Nell sa Fenghua.
Nang umalis siya, may iilang tao ang inihatid siya palabas habang may awa sa kanilang mga mukha, subalit parang hindi naman ito tunay.
Matapos ang lahat, kahit umalis siya sa kanyang trabaho, hindi naman siya aalis sa industriya, may tsansa pa ring magkita sila sa hinaharap.
Ang isang kaibigan ay mas mabuti na kaysa sa isa pang kalaban!
Hindi na pinansin ni Nell ang mga pagpapanggap nila. Nang makarating na siya sa paradahan ng kotse, nilagay na niya ang kanyang mga gamit at saka nagpunta sa Morton Corporation.
Si Thomas Morton ay kilala para sa kanyang pagtupad sa mga pangako. Handa na ang mga dokumento pati na rin ang mga cheke para sa mga kumpanya.
Nasa isa siyang meeting nang dumating si Nell, at agad namang tinanggap ito ng kanyang secretary.
Mula sa tatlong subsidiaries na hiningi niya kagabi, maayos na ang dalawa, at isa na lamang ang natitira.
May pirma na ni Nell ang dokumento at ibinigay niya ang kalahati ng marriage agreement sa kabilang panig.
Pinirmahan ni Nell ang marriage agreement sa ilalim ng pamimilit ng mga Morton noong buhay pa ang kanyang ina.
Sa panahong iyon, masyado pa silang bata ni Jason Morton at saglit pa lang na panahon ang itinagal nila, kaya gumamit sila ng isang tradisyunal na pamamaraan gay anito sa halip ng isang engagement.
Kalahating buwan matapos mapirmahan ang marriage agreement, hindi inaasahang pumanaw ang kanyang ina.
Ngayong naisip ito ni Nell, mukhang alam na ng mama niya ang mangyayari at ginawa ang arrangement na ito bilang paghahanda sakaling lumisan siya.
Sa kasamaang palad, hindi niya na matutupad ang kahilingang ito ng kanyang ina. Hindi lamang siya nawalan ng tahanan, pati rin ang kanyang kasintahan ay wala na.
Natawa na lamang si Nell nang maisip ito.
Kahit natapos na ang lahat ng bigayan ng dokumento, nasa isang meeting pa rin si Thomas/
Tinanong siya ng secretary kung gusto niyang bang maghintay nang sandali para lumabas ang president at batiin siya bago umalis, subalit tumanggi si nell.
Dahil nakuha na rin naman niya ang gusto niya, hindi na kailangan pang mag-abala na makipagkita sa isang Morton muli.
Maaga pa noong umalis siya sa Morton Corporation.
Bumalik si Nell sa kanyang maliit na tindahan. Bumalik na ang assistant niya sa trabaho. Masaya itong tumayo mula sa likod ng counter nang makita si Nell.
“Ate Nell, maganda ang Negosyo ngayon. Kalahating araw pa lang pero nakatanggap na tayo ng sampung order.”
Ngumiti si Nell at pinuri siya. “Maganda iyan! Ipagpatuloy mo lang!”
Ang shop assistant niya, si Zoey, ay isang dalaga na 18 anyos. Agad na namula ang mukha niya sa sinabi ni Nell.
Naglabas si Nell ng isang putting A4 na papel mula sa kanyang bag at idinikit ito sa labas ng bintana.
Tinignan ni Zoey ito upang basahin at nagulat siya nang makita niya ang mga salitang ‘For Transfer’ sa harap nito.
“Ate Nell, ililipat mo na ba ang pagmamay-ari nitong tindahan? Ititigil mo na ba ito?”
Tumango si Nell.
“Oo, titigil na ako, pero pwede ka pa ring magtrabaho rito. Kakausapin ko na lang ang magiging bago mong boss.”
Lumubog nang bahagya ang mukha ni Zoey.
Sa totoo lang, wala rin namang magagawa si Nell.
Gusto niyang magbukas ng sarili niyang management company at kailangan niyang ibuhos ang lahat ng kanyang oras dito. Hindi na niya mahahati ang kanyang katawan para asikasuhin ito.
Bukod pa roon, kahit gaano pa kaganda ang negosyong ito, limitado lamang ang kita ng tindahan, kaya pagkatapos pag-isipang mabuti, mas makakatulong kung ibebenta niya na lang ito.
Matapos idikit ang papel sa labas, kinausap muna ni Nell si Zoey bago umalis.
Wala siyang plano sa tanghali, kaya inimbitahan niya si Janet Hancock na mamili kasama siya.
Si Janet ang pinakamagandang babae sa entertainment industry. Nakilala rin ito bilang isang ‘rare contemporary beauty’ ng midya pati na rin mga magazines.
Siya rin ang anak ng president ng Hancock Grand Corporation, at ang classmate ni Nell sa high school. Best friend niya ito.
Nang magkita sila, napabuntong hininga si Janet.
“Sis, nagmadali ako para puntahan ka kasi narinig kong iniwan ka ng isang lalaki, pero tignan mo naman! Parang hindi ka naman malungkot!”
Nabigla nang bahagya si Nell.
“Paano mo nalaman?”
“Inanunsyo lang naman ito sa buong mundo, kaya paanong hindi ko malalaman?”
Binigay niya kay Nell ang isang imbitasyon sa birthday party. Binuksan niya ito at nakita niyang ipinadala ito ni Celine Jennings at ni Jason Morton.
Hindi siya makapagsalita.
Napangiti si Janet. “Tara na, sabihin mo sa akin! Kailan mo pa nahuli ang panloloko nito?”
“Ilang araw lang!” Nakita ni Nell na tila ba masaya pa si Janet sa nangyari sa kanya at ikinatampo niya ito. “Hoy, bakit parang masaya ka pa na naiwan ako?”
“Syempre naman masaya ako noh! Tarantado kaya si Jason Morton. Mas magandang mabilis mo siyang makalimutan. Huwag ka nang magsayang ng oras at pagod sa kanya.”
Nell. “…”
Matagal na niyang alam na ayaw ni Janet kay Jason.
Nang malaman niyang sila, ilang beses niyang sinabihan si Nell, subalit noon, nakatanim ang pag-ibig ni Nell sa kanyang puso, paano naman niya mapapaniwalaan ang mga sinasabi ni Janet?
Ngayon, mukhang napukpok na rin nito ang pako sa kanyang ulo.
Napangiti na lang si Nell nang mapait at wala nang sinabi.
Nagpunta silag dalawa sa isang malapit na mall upang mamili.
Sa pagkakataong iyon, isang itim na Rolls-Royce ang napadaan. Nakita ni Matthew Starks ang dalawang babaeng naglalakad at agad siyang nasorpresa. “Huh? Hindi ba si Ms. Jennings iyan?”
Nakatingin lamang si Gideon sa isang papel hanggang sa i-angat niya ang kanyang ulo. Napunta ang kanyang tingin sa direksyon na tinuro ni Matthew.
“Patigilin mo ang kotse!”
…
Gumala si Nell at Janet nang matagal at saka pumasok sa isang pambabaeng tindahan.
Isa itong mamahaling brand na may magandang palamuti. Ang maliwanag at malamig na dating nito ay tila ba nagbibigay ng magarang pakiramdam.
Nag-order si Janet ng isang mahabang palda dito at tumungo siya ngayon para kunin ito.
Agad siyang nakilala ng shop assistant at dinala ito sa VIP room na nasa second floor upang masukat ang damit. Kung may hindi maayos na bahagi, mas magandang masolusyunan ito agad.
Kumaway si Janet kay Nell. “Nelly, umupo ka muna rito. Bababa ako mamaya pagkatapos kong sukatin, ayos lang ba?”
Napatango si Nell.
Pagkatapos tumungo ni Janet sa itaas, nabagot si Nell kakahintay at gumala siya sa loob ng tindahan.
Lunes noon, kaya kakaunti lamang ang mga kostumer. Nag-usap usap lang ang mga shop assistants saka inilubog ang kanilang mga ulo sa mga cellphones nila. Walang pumansin kay Nell.
Wala naman ring paki si Nell. Matapos maglakad-lakad, nakikita siya ng isang dark blue dress na nasa may bintana. Maganda ang style nito, katulad ito ng isang gawa ng French designer na nakita niya sa magazine dati.
Gusto niya ang designer na iyon at masasabing fan siya nito, kaya hindi niya mapigilang hawakan ito.
“Hoy! Pwede kang tumingin pero huwag mong hawakan. Hindi mo kayang bayaran kapag nasira iyan.”
Isang boses ng babae ang maririnig sa likod niya.
Napatigil si Nell at lumingon sa batang shop assistant na nakatayo roon, nakatitig ito sa kanya na puno ng pagkainis at pagkamuhi.
Napasimangot siya nang bahagya.
“Hindi ba kayo naglalagay ng damit para masukat ng kostumer? Bakit hindi ko pwedeng hawakan?”
Malamig na ngumiti ang shop assistant. “Pwedeng iyang hawakan ng iba, pero hindi ikaw.”
“Bakit?”
Umirap ang assistant na tila ba naiinis siya kay Nell.
“Alam mo ba kung magkano ang damit na ito? Ilang libong yuan ba ang sahod mo bilang assistant? Hindi mo iyan mabibili kahit sa sahod mo pa ng buong taon!”
Ganoon din, kinuha niya ang dami sa kamay ni Nell at ibinalik ito sa loob.
Napabulalas ito sa inis. “Ang mga taong pumupunta rito ay yung tipong titingin lang at hindi bibili. Kung hindi mo kayang bilhin, bakit ka pa andito? Nakakainis ka!”
Nell. “…”
Hindi niya alam kung tatawa ba siya o magagalit.
Hindi naman ito ang unang beses na kasama niyang mamili si Janet, subalit ito ang unang beses na napagkamalan siyang assistant.