Kabanata 15 Gumawa ng Sariling Kumpanya
“Manager Nell!”
“Nell, ikaw… Huwag kang maging pabigla-bigla!”
“Ms. Jennings, hindi iyan ang gustong iparating ni President Morton!”
Nagbago ang lahat ng ekspresyon ng mga executive ng Fenghua sa sinabi ni Nell.
Binuka nila ang lahat ng kanilang bibig para pigilan siya.
Matapos ang lahat, may iilan mang hindi natuwa kay Nell sa pagiging department manager nito, dahil lang naman iyon sa inggit nila na ang batang kagaya niya ay nalagay sa ganyang posisyon gamit ang sarili niyang kakayahan.
Subalit, wala naman talagang may gusto na umalis siya.
Magaling siya at maraming kakayahan. Dahil kay Nell kung bakit nasa ganitong lebel ang PR Department ngayon sa loob lamang ng dalawang taon.
Nang maging malakas ang PR Department, naisalba rin nito mula sa mga problema ang artist department pati na rin ang management department.
Ang ikinatatakot ng management department ay kung sakaling may mangyari sa kanilang mga artista. Dati, sa tuwing may aksidente, agad itong magagawan ng paraan kapag nagpunta sila kay Nell. Hindi imposible para sa kanya na baliktarin ang mesa at ayusin ang lahat mula sa isang napakagulong sitwasyon,
Subalit, gusto niyang mag-resign ngayon!
Bukod pa sa problema ng dalawang departments kung saan sila pupunta para ayusin ang mga aksidenteng magaganap kapag umalis si Nell, hindi rin nila narinig ang pangalan ni Skylar Terrrell, hindi nila ito nakasama sa trabaho at hindi nila ito mauunawaan.
Paano kung hindi siya kasinggaling ni Nell?
Agad na nataranta ang lahat, nandilim ang mukha ni Jason.
“Nell! Huwag kang manloko! Hindi ito isang bagay na ginagawang biro!”
Napangisi si Nell. “Tingin mo ba nagbibiro ako? Ikaw, President Morton, na nag-abala pang gumawa ng ganitong eksena at isama sila para lang mabigyan ako ng dahilan magresign, para ano? Para hindi nila isipin na wala kang puso sa pag-alis ng isang taong mahalaga sa kumpanya. Pinagbibigyan lang naman kita sa mga kahilingan mo. Ano ba ang gusto mo?”
Talagang nandilim na nang buo ang mukha ni Jason.
“Sinabihan nakitang hindi kita pinupuwersang mag-resign! Mas maraming karanasan si Skylar kaysa sa iyo, kaya ang posisyon ng pagiging PR manager ay mas nararapat sa kanya.”
Napailing na lamang si Nell.
“Bahala ka na kung sino ang gusto mong ilagay sa posisyong iyan! Bukod pa roon, kahit naman hindi mo siya dalhin ngayon, mag-reresign pa rin ako! President Morton, paalam at sana patuloy na lumago ang Fenghua pati na rin ikaw!”
Sunod, mapagkutya siyang tumawa at inilagay ang kanyang notebook sa kanyang bag ng may kampanteng postura, at saka umalis nang hindi lumilingon.
Nagsara ang pinto sa conference room sa isang ‘thud’.
Ang malamig na dating ni Nell ay tila ba nanatili sa silid.
Nagngitngit ang ngipin ni Jason at napakuyom ang kanyang mga kamao.
Hindi naman sa hindi niya alam na mangyayari ito bago pa man niya dalhin si Celine at Skylar ngayon.
Hindi niya lang akalaing na makakaalis ito nang buong puso.
Malamig ang kanyang mga mata nang tiningnan niya ang resignation letter na nasa kamay niya. Sunod, isang bakas ng tuwa ang nabuo sa kaibuturan ng kanyang puso.
Sa nakaraang dalawang taon, kahit nagtrabaho nang mabuti si Nell para sa kumpanya, tila ba nagagambala siya rito.
Siya lang ang nag-iisang manager ng PR department, subalit lagi siya nitong kinakausap tungkol sa mga development plans na dapat gawin sa kumpanya sa hinaharap pati na rin ang kasalukuyang sitwasyon ng Negosyo.
Minsan, naiinis na siya. Subalit, hindi ito dahil sa mali si Nell, ito ay dahil lagi siyang tama!
Ayaw niyang maramdaman na mas mababa siya sa isang babae lalo na sa pagpapatakbo ng isang kumpanya.
Oo, mas maganda ngang umalis na lang siya.
Pagdating sa hinaharap, hindi niya mararamdamang ang tagumpay ng Fenghua ay dahil sa isang hiram na tulong mula sa isang babae.
Matapos ang mahabang sandali, kumalma na rin si Jason.
Nagtanong ang assistant sa tabi niya gamit ang mababang boses, “President Morton, ano ang gagawin natin?”
Huminga ito nang malalim at hinarap ang mga top executives.
“Dahil gusto niya nang umalis, hindi na natin siya mapipilit pang manatili. Sa hinaharap, ang PR department ay mapupunta sa pamamahala ni Skylar. Magpapatuloy rin siya bilang agent ni Celine. Linda, samahan mo si Skylar para sa entry procedures.”
Nagpalitan ng tingin ang mga executives, subalit tapos na ang lahat, kaya wala na ring nagsalita pa.
Matapos umalis ni Nell sa conference room, bumalik na siya sa kanyang sariling opisina.
Sa pagkakataong ito, ang mga top executives ng Fenghua ay nasa conference room pa rin, kaya mga ordinaryong empleyado lamang ang nasa opisina niya.
Nang makita ni Hannah na paalis si Nell habang may malamig na mukha, agad siyang nakaramdam ng masama at lumapit agad dito.
“Ms. Jennings, talaga bang sinabi ni President Morton na hahayaan niyang si Ms. Terrell ang magiging manager ng PR department? Aalis ka na ba?”
Pumasok si Nell sa kanyang opisina at hinayaan niyang isara ni Hannah ang pinto saka tumango.
“Magtrabaho ka nang maayos kasama si Skylar Terrell. Hindi ko alam kung ano ang ugali niya, pero magaling raw talaga siya. Kung nasa sampung taon lang tayo sa nakaraan, masasabi mong siya ang tipo ng tao na hindi mo makakatrabaho kahit magbayad ka pa, kaya gamitin mo na ang oportunidad na ito para matuto!”
Kinakabahan si Hannah at halos mapaiyak na.
“Paano ka na?”
“Ako?” Napatingin si Nell at saka ngumiti. “May sarili akong mag ideya. Malaki ang mundo. Marami pang mga entertainment companies bukod pa sa Fenghua.”
“Managel Nell, may ideya ka na ba kung saan ka pupunta sa susunod?”
Nanliit ang mga mata ni Nell at napatawa.
“Kung saan ako pupunta sa susunod… Hindi ako naghahanap. Bukod pa roon, kaysa maging ganito ako, hindi ba mas magandang gumawa na lamang ako ng sarili kong kompanya?”
Napuno ng gulat ang mukha ni Hannah.
Tinapik siya ni Nell sa kanyang balikat at tumawa. “Magtrabaho ka nang mabuti. Pwede pa rin naman tayong mag-usap kapag may oras tayo.”
Naayos na rin naman niya ang mga gamit niya, kaya kinuha na lang niya ang kanyang windbreaker at saka ito binalot sa kanyang braso bago umalis.
Agad na tumakbo si Hannah para pigilan siya.
“Ms. Jennings, magsisimula ka ba ng sarili mong kompanya?”
Nagtaas ng isang daliri si Nell at pinatahimik ito sa isang ‘shh’.
“Huwag mong sabihin sa iba. Hindi ako magtatagumpay kung masyadong maraming ingay ang mangyayari bago ko pa ito masimulan. Huwag mo akong bigyan ng problema.”
Napatitig si Hannah sa kanya at agad na tumango.
“Alam ko, Ms. Jennings. Pero kung magsisimula ka ng isang kumpanya, siguradong kailangan mo ng mga tao, hindi ba? Susundan kita sa pagkakataong iyon!”
Napatigil si Nell at nagulat nang bahagya.
Sa totoo lang, sa kanyang malamig at iwas na dating, wala siyang mga kaibigan sa mga kasamahan niya sa opisina.
Kaya lang naman tapat si Hannah sa kanya dahil baguhan lang siya na kakagraduate lamang mula sa kolehiyo at wala pa itong masyadong mga plano.
Kaya, hindi inasahan ni Nell na hihingi ng ganitong pabor si Hannah.
Tinignan niya ang mga taos-pusong mata ni Hannah at saka ngumiti.
“Mas mahirap ang trabaho sa isang bagong kumpanya. Ilang daang beses ito na mas mahirap kaysa sa Fenghua. Hindi ka ba natatakot?”
Agad na umiling si Hannah.
“Hindi.”
Matapos ang isang sandal, nagpatuloy siya sa isang bulong, “Ms. Jennings, kahit wala kang kaibigan dito sa opisina, alam kong mabuting tao ka. Sa tuwing may nahihirapan sa kanilang trabaho, lagi kang nariyan para turuan sila at tumulong. Kahit ang pagsunod sa iyo ay magiging mahirap at nakakapagod, sigurado naman akong may matutunan akong bago.”
“Subalit, iba si Ms. Terrell. Nagtanong ako kaninang umaga at narinig kong makasarili siya at walang puso. Mahilig rin siyang manggamit ng ibang empleyado, at angkinin ang lahat ng kanilang paghihirap. Ayokong magtrabaho sa ilalim ng ganyang tao.”
Tinignan ni Nell ang mukha nito na puno ng inis at pandidiri, saka siya ngumiti.
“Sige, pero baka matagalan pa bago ito maitayo. Sasabihin agad kita kapag gusto mo pa sa pagkakataong iyon.”
Agad na napangiti nang malawak si Hannah.
“Sige payag ako.”
“Aasahan ko ito.”